Category
Select
Select a Category
Scooter
Underbone
Standard
Sport
Touring
Adventure
Dual Sport
Naked
Off-Road
Cruiser
Brand/Model
Select
Select a Brand/Model
        Price Range
        Select
        Below 100K
        100K-200K
        200K-300K
        300K-500K
        500K-1M
        Over 1M

        10 Karaniwang dahilan ng pagbagsak ng motorsiklo sa bagong MVIS test

        Iwasan ang mga ito upang hindi masayang ang pera sa testing fee
        by Aris Ilagan Jan 15, 2021
        PHOTO: Aris Ilagan

        Nabalitaan niyo na ba ang pagsisimula ng operasyon ng private motor vehicle inspection centers (PMVICs) sa iba’t ibang lugar sa bansa? Base sa bagong pinaiiral na Motor Vehicle Inspection System (MVIS), ang mga pasilidad na ito ang papalit sa private emission testing centers (PETCs) upang matukoy ang roadworthiness ng mga sasakyang bumibiyahe sa lansangan.

        Minamadali na ng Department of Transportation (DOTr) at ng Land Transportation Office (LTO) ang pagbibigay ng prangkisa sa PMVICs dahil sa matagal na pagkakaantala ng prosesong ito gawa ng COVID-19 pandemicSa pagbubukas ng PMVICs, isasara naman ang PETCs sa kanilang nasasakupang lugar.

        Paalala lang sa mga motorista: P1,500 ang testing fee para sa light vehicles, P600 para sa mga motorsiklo at tricycles, at P300 para sa jeepneys. Kapag bumagsak sa 60-point testing procedure ng MVIS, maaaring umulit magpa-test ang mga bumagsak na sasakyan, ngunit may re-inspection fee na P750 para sa light vehicles, P300 para sa mga motorsiklo at tricycle, at P150 para sa jeepneys.

        Continue reading below ↓

        Base sa aming naging panayam sa mga PMVIC technician, narito ang 10 karaniwang pinagmumulan ng problema at nagiging dahilan ng pagbagsak ng maraming motorsiklo sa bagong testing procedure. Basahing mabuti upang hindi maglaho parang bula ang pera niyo:

        1) Mga ilaw na pundido o may lamat

        Kapag nakita ng technician na basag o may lamat ang headlight, taillight, o turn indicators sa visual inspection pa lang, bagsak agad ang iyong motorsiklo sa testing.

        Continue reading below ↓
        Recommended Videos

        2) Pudpud o expired na gulong

        Kapag ang mga gulong ng iyong bike ay kalbo na, huwag mo na muna itong isalang sa MVIS test dahil tiyak na hindi ito papasa. Sisilipin din ng technician ang date of manufacture ng mga gulong, at kung lagpas na ito sa limang taon, asahan mo na ‘fail’ ang makikita mo sa test results

        3) Palpak na preno

        Kabilang sa mga modernong kagamitan ng PMVIC ay ang fully automated roller brake test na kayang madetermina kung hindi sapat ang braking capabilities ng isang sasakyan.

        Continue reading below ↓

        4) Headlight na pundido o mali ang direksiyon

        Matutukoy ng automatic headlight tester hindi lang ang liwanag ng ilaw na nililikha ng headlight kundi pati ang direksiyon nito. Alamin ang standard deviation at luminous intensity na itinakda ng LTO.

        5) Sobrang ingay na tambutso

        Sa mga mahilig magkabit ng maingay na racing exhaust, hindi papasa ang motorsiklo mo kapag lagpas ang exhaust note nito sa itinakdang 99db habang nasa 2,000rpm hanggang 2,500rpm.

        6) Makapal ang usok na ibinubuga ng makina

        May itinakdang standard emission levels ang LTO na naaayon sa uri ng makina—gasoline o diesel—at year model ng sasakyan. Dapat ding alamin ang mga ito bago magtungo sa PMVIC.

        7) Laspag na suspension

        Tiyak na hindi makalulusot sa MVIS test kapag maalog o sobrang matalbog ang shock absorbers ng iyong motorsiklo dahil ito ay peligroso para sa rider. Siguraduhin ding hindi pa laspag ang mga bushing sa suspension.

        Continue reading below ↓

        8) Mga tagas ng langis

        Kapag may bakas ng oil and fluid leaks sa ano mang parte ng iyong motorsiklo—fuel line, transmission, at braking systemay hindi rin ito papasa sa testing procedure.

        9) Sirang speedometer

        Kabilang sa mga iniinspeksiyon ay ang speedometerkung gumagana ito at akma ba ang reading sa bilis ng motorsiklo.

        10) Nawawala o kulang na LTO registration documents.

        Bukod sa pagprisinta ng original receipt (OR) at certificate of registration (CR) ng sasakyan para sa manual encoding procedure, gagamit din ang mga PMVIC technician ng RFID scanner kapag mayroon nang nailabas na LTO license plate para sa sasakyan.

        Paalala lang: Kabilang sa requirements ng LTO para sa PMVICs ang pagpapakabit ng CCTV cameras sa pasilidad. Alam niyo na siguro ang tinutukoy namin dito. Good luck!

        See Also

        PHOTO: Aris Ilagan

      • Quiz Results

      • TopBikes Rating:
        /20

        Starts at ₱

        TopBikes Rating:
        /20
        Starts at ₱