Category
Select
Select a Category
Scooter
Underbone
Standard
Sport
Touring
Adventure
Dual Sport
Naked
Off-Road
Cruiser
Brand/Model
Select
Select a Brand/Model
        Price Range
        Select
        Below 100K
        100K-200K
        200K-300K
        300K-500K
        500K-1M
        Over 1M

        10 Utos sa Angkas riders sa tamang pagtrato ng mga babaeng pasahero

        Bawal yayain mag-date ang customer
        by Aris Ilagan Jun 15, 2021
        PHOTO: Aris Ilagan

        Sa mundo ng pagmomotorsiklo, ang pagiging pasahero ay nangangahulugang tiwala ka sa rider. Hindi tulad ng four-wheeler kung saan ang driver ay mas ligtas dahil sa matibay na kaha nito, ang mga rider at pasahero ng motorsiklo ay walang kalaban-laban sakaling sila ay masangkot sa aksidente.

        Kaya hindi rin natin masisi ang ilang pasahero na mag-alangan sa tuwing sila’y aangkas sa motorsiklo. Bukod sa isyu ng riding safety, hindi ba tayo ay napa-praning din sa tuwing aangkas ang isa sa ating kapamilya at kung ano ang inaasal ng rider, lalo na’t hindi natin siya kilala?

        Mas lalong nakaka-praning kung may nababalitaang tayong mga kababaihan na pinagsasalamantalahan ng mga manyakis na rider.

        Subalit kung si Walter Wong ng ride-hailing motorcycle taxi Angkas ang tatanungin, wala dapat ikabahala ang mga babaeng pasahero dahil may inilatag ang kanilang kumpanya na mga patakaran upang maiwasan ang pangaabuso at pangmomolestiya ng mga kababaihan.

        Continue reading below ↓

        Tiniyak din ni Wong na sumailalim din sa masusing training at screening process ang mga rider-partner ng Angkas hinggil sa professionalism, riding safety at customer relations, kung saan tinatalakay ang kahalagahan ng pag-galang at pag-respeto sa lahat ng pasahero, lalo na sa kababaihan.

        Narito ang 10 dos and don'ts na dapat isapuso ng mga Angkas rider sa pagtrato sa mga babaeng pasahero. Basahing mabuti:

        Continue reading below ↓
        Recommended Videos

        1) Bawal tanungin ng Angkas rider ang pasahero kung gusto niyang mas mabilis ang takbo ng motorsiklo.

        Upang masiguro ang kanilang kaligtasan, ang rider dapat ang masusunod sa akmang bilis ng takbo ng motorsiklo. Ang itinakdang maximum speed limit ng Angkas para sa kanilang mga rider ay 60kph.

        2) Bawal magtanong ang rider ng contact number ng kanilang pasahero.

        Ang trabaho ng motorcycle taxi rider ay maghatid ng pasahero at hindi sumabak sa networking.

        3) Hindi pinapayagan ang rider na mag-request sa kanyang pasahero na i-add siya bilang friend sa Facebook.

        Continue reading below ↓

        Ang paliwanag sa isyung ito ay kahalintulad sa guideline number two. Kaya huwag makulit.

        4) Mahigpit ding ipinagbabawal sa rider ang yayain ang kanyang pasahero na mag-date.

        Mahigpit na tagubilin ng Angkas management sa mga rider na respetuhin at igalang ang mga female passenger. Better luck next time, mga bro!

        5) Bawal ding mag-komento ang rider sa kanyang pasahero.

        Ang paghirit ng rider ng mga komento na posibleng makairita sa pasahero ay hindi rin pinapayagan. Ilan sa mga halimbawa ay ang mga sumusunod: “Ang ganda n’yo naman, miss!”, “hanep naman ang dimples n’yo!”, o kaya’y “wow legs!” Dapat na palaging tikom ang bibig ng rider at mag-concentrate na lang sa pagmamaneho upang makaiwas aksidente.

        6) Hindi dapat puwersahin ng rider ang pasahero na kumapit sa kanyang baywang.

        Kapag ang pasahero ang gustong kumapit sa baywang ng rider, okay lang. Ngunit base sa training ng Angkas, hindi dapat kumakapit ang pasahero sa ano mang bahagi ng rider upang sila ay makasabay sa galaw ng motorsiklo at sa nagmamaneho. Mas inirerekomenda ang pagupo ng pasahero malapit sa rider upang mapanatili ang kanilang balanse sa sentro ng motorsiklo.

        Continue reading below ↓

        7) Ang pagtitig sa pasahero ay isang malaking kasalanan.

        Dapat na naka-focus ang paningin ng rider sa kalsada. Hindi dapat ito tumitingin sa cleavage, likuran o binti ng kanyang babaeng kliyente kahit pa bago sila sumakay sa motorsiklo.

        8) Bawal hawakan ng rider ang ano mang bahagi ng katawan ng pasahero.

        Kung kailangan ng tulong ng lady passenger sa pagsampa sa motorsiklo, dapat munang ipaalam ng rider na hahawakan niya sa kamay o braso ang pasahero bago niya ito gawin. Ganun din sa pagpuwesto ng kanyang paa sa passenger peg.

        9) Dapat iwasan din ng rider ang pagkanta habang bumibiyahe.

        Hindi dapat gawing ‘karaoke bar’ ang motorcycle taxi. Ito’y upang hindi na makadagdag sa noise pollution kasabay ng mga busina ng sasakyan at iba pang klase ng ingay na nagdudulot ng matinding sakit sa ulo.

        10) Bawal din ang ano mang uri ng motorcycle stunt o exhibition.

        Mahigpit na ipinagbabawal din ng Angkas management ang showboating o pagyayabang sa pagmamaneho ng motorsiklo upang makuha ang atensiyon ng female passenger. Kabilang na dito ang pagsasagawa ng wheelie, ekis-ekis, bumitaw sa manibela, at endo na maaaring matuloy sa sakuna.

        Continue reading below ↓

        Ang paalala ni Wong sa mga Angkas rider: Tratuhin niyo ang mga lady passenger tulad ng pagtrato niyo sa inyong ina o kapatid na babae. At sakaling mayroong paglabag, handa ang kanilang kumpanya na aksiyunan agad ang reklamo kasabay ng pagtiyak sa kanilang mga rider na may sinusunod silang ‘due process’ sa pagkuha ang salaysay at ebidensiya mula sa dalawang panig.

        Ano’ng tingin n’yo? Patas ba ang labanan?

        (Editor’s note: Ang artikulong ito ay unang inilathala sa Top Gear Philippines bago isinalin sa Filipino para sa Top Bikes Philippines.)

        See Also

        Top Bikes Philippines is now on Quento! Click here to download the app and enjoy more articles and videos from Top Bikes Philippines and your favorite websites.

        PHOTO: Aris Ilagan

      • Quiz Results

      • TopBikes Rating:
        /20

        Starts at ₱

        TopBikes Rating:
        /20
        Starts at ₱