Category
Select
Select a Category
Scooter
Underbone
Standard
Sport
Touring
Adventure
Dual Sport
Naked
Off-Road
Cruiser
Brand/Model
Select
Select a Brand/Model
        Price Range
        Select
        Below 100K
        100K-200K
        200K-300K
        300K-500K
        500K-1M
        Over 1M

        10 Motorsiklo na patok ngayon bilang delivery service units

        Gusto mo ba mag sideline?
        by Aris Ilagan Dec 15, 2020
        PHOTO: Aris Ilagan
        MOTORCYCLE MODELS IN THIS ARTICLE

        Dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng bilihin, marahil ay hindi na kayo mapakali sa kakaisip kung paano madaragdagan ang inyong kakarampot na sahod bilang empleyado.

        Sa inyong pagbiyahe, kapansin-pansin ang biglang pagdami ng mga motorsiklo sa kalsada. Bukod sa kakulangan sa pampublikong sasakyan bunsod ng health protocols ng pamahalaan, isa sa mga dahilan sa pagdami ng mga motorsiklo ay ang paglaki ng sektor ng delivery service.

        Hindi kayo kailangang mag-resign sa inyong trabaho dahil ang pagsabak sa delivery service ay maaaring gawing sideline. Maaari ring kayong umarangkada tuwing weekend.

        Muli sa datos ng Motorcycle Development Program Participants Association o MDPPA, na kinabibilangan ng apat na malalaking Japanese motorbike manufacturer, pumili kami ng 10 na posibleng maging future partner niyo sa delivery service. Ito ang aming criteria: Matibay, matipid sa gasolina, maraming pagkukunan ng piyesa, at importante sa lahat abot-kaya ng bulsa. Handa ka na bang pumili sa mga sumusunod?

        Continue reading below ↓

        1) Honda TMX Alpha (P51,400)

        Dahil sa tibay at lakas nang hatak, nangunguna ang motorsiklong ito sa listahan ng mga ‘pantra’ o ‘pang-tricycle’ na madalas kabitan ng sidecar para makapagsakay ng pasahero o kargamento. Ang mga tricycle driver mismo ang nagsasabing talagang pang-matagalan ang TMX Alpha dahil solid ang pagkakagawa ng Honda.

        Continue reading below ↓

         

        2) Kawasaki CT 100 (P46,900)

        Huwag ninyong maliitin ang kapabilidad ng Kawasaki CT 100 dahil sa kabila ng maliit na makina nito ay magugulat kayo sa lakas ng hatak nito. Maraming CT 100 ang karaniwang gamit ng ‘habal-habal’ rider sa mga liblib na lugar, kung saan kinakabitan nila ito ng tabla upang makapagsakay ng mas maraming pasahero.

        Continue reading below ↓

        3) Suzuki Raider J Crossover (P63,900)

        Isa sa mga modelong inilunsad sa unang bahagi ng 2020, agad na pumuwesto ang Suzuki Raider J Crossover sa sales chart dahil sa mahusay na reputasyon ng underbone na ito bilang matulin at matibay na motorsiklo. Tiniyak ng mga Suzuki engineer na kaya nitong sumabak hindi lamang sa sementadong kalsada ngunit maging sa malubak na daan sa paghakot ng kalakal sa kanayunan.

        Continue reading below ↓

        4) Yamaha Sight 115 (P62,900)

        Kilalang ‘workhorse’ sa underbone segment, nananatiling in-demand pa rin ang Yamaha Sight 115. Bukod sa tibay at madaling gamitin, marami ang napabilib ng motorsiklong ito sa pagkatipid sa konsumo ng gasolina, matapos itong magtala ng 147.6km/L sa isinagawang economy run ng Yamaha Motor Philippines ilang taon na ang nakakaraan.

        Continue reading below ↓

        5) Suzuki GD 110 (P48,900)

        Ang Suzuki GD 110 ay isa sa mga patok na backbone motorcycle na karaniwang ginagamit sa delivery service. Dito napatunayan ng Suzuki na hindi kailangang isakripisyo ang mataas na kalidad at magandang performance nito sa kabila ng mababang SRP sa mga dealership. Dahil gawa sa bakal, kahit pa ilang beses mong isemplang, tiyak na hindi basta susuko ang GD 110.

        Continue reading below ↓

        6) Kawasaki Barako (P 83,500)

        Bagamat may kataasan ang presyo kumpara sa mga unang nabanggit na business models, nananatiling paborito ng mga delivery service company ang Kawasaki Barako dahil kumpiyansa silang mababawi rin agad nito ang puhunan nila kahit isabak 24/7. Gamit ang 177cc engine, kilala ang Kawasaki Barako na hindi umaatras sa mabibigat na kargamento.

        Continue reading below ↓

        7) Honda XRM 125 (P 66,900)

        Itinuturing na alamat na underbone category, ang Honda XRM 125 Fi ang kabakbakan ng Suzuki Raider J Crossover sa merkado. Bagamat bahagyang mas mataas sa presyo, mas malaki at mas malakas naman ang 124.89cc engine ng XRM kumpara sa 113cc engine ng Suzuki Raider.  Madalas ding makikita ang XRM 125 na isinasabak sa mga motocross event ng mga bagitong karerista sa probinsiya.

        Continue reading below ↓

        8) Suzuki Smash 115 (P61,900)

        Ang Suzuki Smash 115 ay isang patunay na hindi pa nalalaos ang mga underbone. Kung kayo’y mapapadpad kung saan umiistambay ang mga motorcycle delivery rider, tiyak na may matatanaw kayong Smash 115 dahil sa mababa ang maintenance cost at maraming mabibilhan ng piyesa.

        9) Honda Click 125i (P76,900)

        Continue reading below ↓

        Kung ang hanap mo naman ay pormadong scooter subalit magaan pa rin sa bulsa, ang Honda Click 125i ang para sa iyo. Magaan sakyan at matulin, hindi matibag ang scooter na ito bilang top-selling model ng Honda. Maliit man ang makina ay nakagugulat pa rin ang lakas ng hatak nito sa isang piga ng silinyador. Super tipid din ito sa gasolina.

        Continue reading below ↓

        10) Honda BeAT Fi (P70,400)

        Kilala bilang ‘lifestyle scooter,’ ang Honda BeAT Fi ay isa sa mga pinaka-cute na entry-level scooter na ibinebenta dito sa bansa. Pagkatapos ng delivery duties, hindi magaatubili ang rider na isakay dito ang kanyang misis dahil sa ganda ng porma. Kargado ng 110cc engine, marami ang nagugulat sa nakabibilib na hatak ng BeAT Fi. Ito ang pumapangalawang hot-seller ng Honda Philippines.   

        Continue reading below ↓

        See Also

         

         

         

        PHOTO: Aris Ilagan

      • Quiz Results

      • TopBikes Rating:
        /20

        Starts at ₱

        TopBikes Rating:
        /20
        Starts at ₱