Category
Select
Select a Category
Scooter
Underbone
Standard
Sport
Touring
Adventure
Dual Sport
Naked
Off-Road
Cruiser
Brand/Model
Select
Select a Brand/Model
        Price Range
        Select
        Below 100K
        100K-200K
        200K-300K
        300K-500K
        500K-1M
        Over 1M

        Rider’s party-list sa 2022? Narito ang 10 senyales na sila ay kakandidato

        Malaking voting block ang mga riders
        by Aris Ilagan Jun 21, 2021
        ILLUSTRATION: Echo Antonio

        Bagamat halos 11 buwan pa bago ang national at local elections na itinakda sa ika-9 ng Mayo, 2022, nagsisimula nang sumentro ang mga usap-usapan sa pulitika. Nagsimula na rin manghula ang ilan nating kababayan kung sinu-sino ang mga personalidad na sa tingin nila ay sasabak sa halalan. Mayroon ba ang target ay riders party-list?


        Malakas din ang mga ugong na ilan sa mga nagbabalak tumakbo ay galing sa sektor ng transportasyon. Kaya hindi dapat balewalain ng mga nag-aambisyong ito ang bilang ng nakarehistrong motorsiklo sa Land Transportation Office (LTO) na umabot na sa 18 milyon. May the force be with you!

        Sabagay, hindi niyo na kailangang tumingin sa bolang kristal para matukoy kung sinu-sino ang tatakbo sa May 2022 elections. Kung marunong kayong bumasa ng body language, ngayon pa lang ay madali niyo na silang matutukoy.

        Huwag nating hayaan na tayo’y paikut-ikutin lang ng mga ito. Narito ang 10 senyales na kakandidato ang isang indibiduwal sa elective position.

        Continue reading below ↓

        1) Bumabaha ng press release

        Kung kayo ay nasa media, mahahalata ninyong nagsimula nang umulan ng press release mula sa ilang government agency. Dati rati’y halos mabibilang ninyo sa daliri kung maglabas sila ng pahayag tungkol sa mga aktibidad ng ahensiya. Subalit ngayon, maging sa mga Viber groups ng motorcycle clubs ay bumabaha na rin ng mga press release kahit hindi sila miyembro ng media.

        Continue reading below ↓
        Recommended Videos

        2) Panay ang pa-interview

        Madalas ilarawan ang mga pulitiko na ‘madaling lapitan, mahirap hanapin’ dahil karamihan sa kanila ay madalas magtago tuwing may media na magpapa-schedule ng interview. Ngunit tuwing papalapit ang eleksyon, asahan niyo na sila na ang lumalagare sa mga news network kahit walang katuturan ang sasabihin.

        3) May crash course para sa iba’t ibang ang dyalekto

        Bagamat sa simula pa man ay batid na ng marami na inglesero siya, pilit na inaalam ang ibang local dialect para maka-connect sa mga botante. Pursigido sila sa pagsasalita ng Chavacano, Waray, Ilonggo, Tagalog at iba pa, kahit pa magkabulul-bulol at magmistulang stand-up comedy ang kanilang talumpati.

        Continue reading below ↓

        4) Walang pinalalagpas na lamay

        Tinitiis nila ang puyat sa pagpunta sa mga lamay gabi-gabi, kahit hindi nila kamag-anak o malapit na kaibigan ang yumao. Pinupuntahan din nila ang lamay ng mga tagasuporta ng ibang kandidato sa pagasang makakakuha ng karagdagang boto.

        5) Maging billboard ng beauty products ay pinapatulan din

        Huwag kayong magugulat kung biglang sasalubong sa inyo ang malaking billboard na nagpapakita ng kakandidato habang may hawak na skin moisturizer. Ito ay sa kabila na sanay na kayong makita siyang gusgusin at walang pakialam sa kanyang anyo kapag humaharap sa kanyang constituents. Totoo nga ba ang kasabihan sa pulitika: Bawal ang may ‘sensitive skin’?

        6) Kumekendeng, kumakanta sa mga pagtitipon.

        Nakilala niyo siya sa mahabang panahon na hindi sumasayaw o kumakanta sa publiko. Subalit dahil eleksyon na, panay na ang guesting sa malalaking pagtitipon kung saan siya gumigiling at kumakanta sabay sa tugtog ng Korean pop band BTS. Kaya niyo pa ba?

        Continue reading below ↓

        7) Walang katapusan ang talumpati

        Kung naniniwala kayo sa katagang “walang forever,” kabaligtaran ito kung ang talumpati ng mga kandidato ang ating pag-uusapan. Ribbon-cutting lang ng isang beauty parlor o groundbreaking ng isang imprastruktura, asahan niyong aabutin ng hatinggabi ang kanyang speech dahil tiyak na ibabandera niya ang kanyang accomplishments sa okasyon.

        8) Always present sa mga binyagan, kasal

        Hindi na sikreto na karamihan sa mga kakandidato ay walang inaatrasang alok para maging ninong sa binyag o kasal. Asahan niyo rin na kapag siya ay naluklok sa puwesto, karamihan sa kanyang inaanak ay magiging empleyado ng munisipyo o kapitolyo.

        9) Pilit na sasakay sa motorsiklo kahit hindi makabalanse

        Kahit ilang beses pa ninyong narinig na siya ay isang motorcycle-hater, bigla na lang siya’y makikita na sumasampa sa motorsiklo tuwing may malaking okasyon, lalo na kung may photo-op para lang makakuha ng suporta. Bigla rin niyang idedeklara na siya ay isang tunay na rider. Oh, come on!

        Continue reading below ↓

        10) Hindi diretso ang sagot sa tanong kung tatakbo sa eleksyon o hindi?

        Simple lang ang tanong: Tatakbo ba kayo sa darating na halalan o hindi? Bakit kailangan nyo pang sabihin sa publiko na ‘depende kay bossing’ o ‘hihintayin natin ang pulso ng bayan’ kahit pa pasok ang mga galaw ninyo sa 10 senyales na ating nabanggit?

        Gayun man, good luck sa inyo!

        See Also

        Top Bikes Philippines is now on Quento! Click here to download the app and enjoy more articles and videos from Top Bikes Philippines and your favorite websites.

        View other articles about:
        ILLUSTRATION: Echo Antonio

      • Quiz Results

      • TopBikes Rating:
        /20

        Starts at ₱

        TopBikes Rating:
        /20
        Starts at ₱