Category
Select
Select a Category
Scooter
Underbone
Standard
Sport
Touring
Adventure
Dual Sport
Naked
Off-Road
Cruiser
Brand/Model
Select
Select a Brand/Model
        Price Range
        Select
        Below 100K
        100K-200K
        200K-300K
        300K-500K
        500K-1M
        Over 1M

        Michael Bucu: 10 Helpful tips para sa mga bagitong motovlogger

        “Hindi yan nadadaan sa mamahaling camera”
        by Aris Ilagan May 18, 2021
        PHOTO: Michael Bucu

        Mistulang metro ng taxi, hindi mapigilan ang pagtaas ng bilang ng mga follower ni motovlogger Michael Bucu sa social media. Bawat araw ay nadadagdagan ang fans ni Bucu—21,051 Facebook followers, as of writingdahil sa scenic spots na kanyang napupuntahan bilang bahagi ng kanyang Philippine Loop journey.

        Ito ang unang beses maiikot ni Bucu, 41 anyos, ang buong Pilipinas na ang pangunahing pakay ay mai-video ang magagandang lugar sa bansa at maibahagi ang mga ito hindi lang sa mga Pinoy, ngunit sa buong mundo sa pamamagitan ng social media.

        Sa panayam kay Bucu ng Tropang Top Bikes sa Calamansi noong nakaraang linggo, ibinahagi niya ang kanyang mga sikreto sa pagmo-motovlog sa kabila ng mga pagsubok at hirap na kanyang dinaanan bunsod ng pandemya.

        Lubos ang pasasalamat ni Bucu sa kanyang mga mentor sa video production na sila Ramon Bautista, isang TV host, at Jio Villegas. “Sobrang hirap ng ginagawa ko, dahil one-man-team ako. Pero at the end of the day, masarap ang feeling dahil alam ko nakatutulong ako sa turismo at ekonomiya ng ating bansa,” paliwanag ng vlogger.

        Continue reading below ↓

        Narito ang 10 tips ni Michael Bucu para sa mga nais sumabak sa mundo ng motovlogging. Handa na ba kayo?

        1) Huwag sumabay sa uso

        riding destination

        Continue reading below ↓
        Recommended Videos

        Kung pagmamasdan niyo ang sandamakmak na motovlog sa YouTube, halos lahat ay iisa ang tema. Ayon kay Bucu, karamihan sa mga ito ay ‘talkish, kung saan nakaririndi ang sobrang daldal ng host kaya hindi tuloy maalala ng viewer ang mga magagandang tanawin na kanyang dinaanan. “Puro scenery ang ipinakikita ko,” pahayag ng rider.

        Continue reading below ↓

        2) Parang ang viewer ang nakasakay sa motorsiklo

        Target ni Bucu na maging relaxing ang kanyang mga video upang madama ng mga viewer ang good vibes sa pagbiyahe sa mga lugar na kanyang pinupuntahan. Kumbaga, papasok sa imahinasyon ng viewer na siya ang nagmamaneho ng motorsiklo habang ine-enjoy ang mga tanawin.

        3) Mag-invest sa tamang video equipment

        motovloging camera

        Continue reading below ↓

        Mahalaga para sa mga vlogger ang mag-invest sa video equipment kahit hindi kamahalan, dahil bukod sa kanyang motorsiklo, ito rin ang kanilang pangunahing sandata. Kabilang sa mga kasalukuyang gamit ni Bucu ay action cameras, drone, 360 cameras, at siyempre, isang laptop na madaling bitbitin sa biyahe.

        4) Siguruhing malinaw ang audio

        Kung si Bucu ang tatanungin, hindi lang ang camera ang sikreto sa pagkakaroon ng magandang vlog. Malaking points din ang malinaw na audio, para ng viewers kung ano ang tunay na mensahe ng video. Kaya tiyakin na gumagana at malakas ang pagpasok ng audio sa microphone.

        5) Mahalaga ang ‘visual grammar’

        Upang hindi maging sala-salabat ang mga topic, dapat na tiyakin ng vlogger ang maayos na pagkakasunud-sunod ng mga video upang magkaroon ng magandang story flow. Dapat maging maingat sa pag-edit at hindi lang basta salpak nang salpak ng footages.

        6) Mag-back up agad ng video

        Motovlogger Michael Bucu

        Continue reading below ↓

        Dahil sa dami ng kuha, maraming bagitong vlogger ang nalilito kung anong footages ang gagamitin pagkatapos makumpleto ang Philippine Loop. Makatutulong ang pagko-compile ng video sa laptop gamit ang file folders pagkatapos ng ride.

        7) Huwag ura-urada ang pag-post sa social media

        Para makapag-generate ng mas maraming pageviews o followers, dapat ay may tatlo hanggang apat na araw na pagitan pag nagpo-post ng mga video. Iwasan ang sunud-sunod para maka-buwelo ang naunang serye at hindi tabangan ang mga viewer.

        8) Planuhin ang bawat biyahe

        Motovlogger Michael Bucu

        Continue reading below ↓

        Malakas kumunsumo ng oras ang video editing. Kadalasan, ayon kay Bucu, ay inaabot ang mga vlogger ng madaling araw para matapos ang trabaho. Para hindi magulo ang biyahe, makatutulong kung iaayos ang schedule ng ride bago umarangkada.

        9) Huwag kalimutang mag-enjoy

        Base sa karanasan ni Bucu, madalas ay hindi na niya na-e-enjoy ang mga lugar na kanyang napupuntahan tulad ng paglangoy sa beach area o kaya’y pagte-trail hiking dahil inuuna niya ang pagkuha ng video. Maglaan ng oras para mag-enjoy at mag-relax upang gumaan ang pag-iisip na natutuloy sa maayos na diskarte.

        10) Sumunod sa batas

        Inaabot ng siyam-siyam ang biyahe ni Bucu sa Philippine Loop dahil sa mga ipinatutupad na localized lockdown sa ilang lugar sa bansa. Ilang beses na niyang naranasang i-abort ang kanyang biyahe dahil paghihigpit ng mga checkpoint sa kanyang destinasyon. Huwag maging pasaway. Huwag pilitin kung bawal upang makaiwas din sa bashing ng mga netizen.

        Continue reading below ↓

        See Also

        Top Bikes Philippines is now on Quento! Click here to download the app and enjoy more articles and videos from Top Bikes Philippines and your favorite websites.

        PHOTO: Michael Bucu

      • Quiz Results

      • TopBikes Rating:
        /20

        Starts at ₱

        TopBikes Rating:
        /20
        Starts at ₱