Category
Select
Select a Category
Scooter
Underbone
Standard
Sport
Touring
Adventure
Dual Sport
Naked
Off-Road
Cruiser
Brand/Model
Select
Select a Brand/Model
        Price Range
        Select
        Below 100K
        100K-200K
        200K-300K
        300K-500K
        500K-1M
        Over 1M

        2021 Bajaj Maxima: Hanap mo ba ay isang matibay na business partner?

        Sa negosyo, bawal ang pumalya
        by Aris Ilagan Aug 24, 2021
        PHOTO: Trimotors Technology Corporation

        Sakaling isa ka sa mga nadiskaril sa trabaho bunsod ng COVID-19, huwag mag-panic. Diskarte at sipag ang iyong kailangan upang makabangon mula sa krisis na ating binubuno.

        Sa kaunting naipon kung saan pawis at pagod ang naging puhunan sa pagiging empleyado, dapat maging maingat sa pagsabak sa bagong negosyo. Think positive, ika nga ni investment guru Chinkee Tan. “May oportunidad sa krisis,” dagdag niya.

        Subalit upang umarangkada nang todo, kailangan mo ng tulong ng isang maasahang business partner. Dito na papasok ang bagong Bajaj Maxima Z at Maxima C, kapwa three-wheelers na alok ng Trimotors Technology Corporation para sa mga nagpaplanong magtayo ng maliit na negosyo.

        Narito ang ilang dahilan kung bakit tunay na maasahan ang Bajaj Maxima sa samu’t saring kabuhayan na pinaplano mong itayo gamit ang maliit na puhunan.

        Continue reading below ↓
        Continue reading below ↓
        Recommended Videos

        1) Maaliwalas ang itsura.

        Sa unang tingin mo pa lang sa Bajaj Maxima ay siguradong mapapangiti ka na. Ang maaliwalas nitong disenyo, buhay na buhay na kulay, at nakangiting ‘mukha’ ay tiyak na makakapagpalimot sayo ng mga matinding pagsubok na iyong kinahaharap kahit panandalian. Positive thinking ang kailangan natin ngayon at nandiyan ang Maxima na mistulang forever na nakangiti sa iyo.



        2) Abot kaya ng bulsa.

        Sa presyong P221,888, maiuuwi mo na ang Bajaj Maxima Z. Ito ay isang multi-purpose vehicle na maaari mong i-convert para bumagay sa ano mang negosyong napupusuan. Dahil sa 60/40 folding rear seat at may 800-liter cargo space, madali itong gawing rolling bakery, mini-grocery, o hamburger store, o maski para sa door-to-door delivery, mobile car wash, o pet grooming service. At kung ang hanap mo naman ay iyong may cargo bed, nandiyan din ang Maxima C na may 487-liter cargo capacity sa halagang P208,888.

        Continue reading below ↓

        3) Malakas ang makina.

        Kargado ng 236.2cc DTS-i gasoline-fed engine, mas malakas nang 26% ang hatak ng Maxima kumpara sa ibang modelo na single-spark engine. Taglay nito ang Digital Twin Spark Ignition system. Bumubuga ang engine ng 11hp maximum power at 20Nm maximum torque kaya no-sweat sa akyatan kahit puno pa ito ng mabibigat na kargamento.

        Continue reading below ↓

        4) Madaling imaneho.

        Hindi kumplikadong patakbuhin ang Bajaj Maxima dahil wala itong electronic rider aid system. Ang preno ay gumagana sa pamamagitan ng brake pedal, habang ang kambiyo naman ay nasa kaliwang handgrip kung saan naroroon din ang clutch lever. Symmetrical design ang Maxima kaya hindi ito madaling mawalan ng balanse tuwing lumiliko. Dapat tandaan, ito ay pang-negosyo at hindi pangarera kaya ang top speed nito ay nilimitahan sa 62kph.

        5) May tibay na maaasahan.

        Isa sa mahahalagang konsiderasyon ng mga negosyante ang tibay ng kanilang gamit na sasakyan. Sa usaping ito, hindi ka mapapahiya sa Bajaj Maxima Z. Gamit ang bakal bilang pangunahing materyales sa major components nito, tiyak na pangmatagalan ang three-wheeler na ito kahit pa mabugbog sa pang-araw-araw na biyahe.

        6) Tiyak na enjoy imaneho.

        Kumpara sa mga motorsiklo, bench-type ang upuan ng Maxima kaya mas kumportable sa driver at mga pasahero nito. Hindi rin obligadong gumamit ng helmet ang mga nakasakay. Huwag lang kalimutang gumamit ng seat belt bago pa man magsimula ang biyahe. Ang Maxima Z variant ay mayroong radio with MP3 player kaya relax ang driver kahit pa maipit sa matinding trapik.

        Continue reading below ↓

        Mga amigo’t amiga, nararamdaman niyo na bang kumakati ang inyong palad?

        See Also

        Top Bikes Philippines is now on Quento! Click here to download the app and enjoy more articles and videos from Top Bikes Philippines and your favorite websites.

        PHOTO: Trimotors Technology Corporation

      • Quiz Results

      • TopBikes Rating:
        /20

        Starts at ₱

        TopBikes Rating:
        /20
        Starts at ₱