Category
Select
Select a Category
Scooter
Underbone
Standard
Sport
Touring
Adventure
Dual Sport
Naked
Off-Road
Cruiser
Brand/Model
Select
Select a Brand/Model
        Price Range
        Select
        Below 100K
        100K-200K
        200K-300K
        300K-500K
        500K-1M
        Over 1M

        2021 Bajaj RE: Ang inyong loyal business partner sa presyong P182,888

        Tahimik at suwabe ang 200cc engine nito
        by Aris Ilagan Jul 19, 2021
        PHOTO: Bajaj Philippines

        Mas ligtas na, kumpleto pa sa entertainment ang bagong Bajaj RE model ng Trimotors Technology Corporation, ang eksklusibong distributor ng three-wheeler brand sa Pilipinas.

        Ang online launch ng 2021 Bajaj RE ay pinangunahan ni Raul Jay R. Manglapus III, Trimotors vice president at chief operating officer, at dinaluhan ng mahigit 90 miyembro ng media, negosyante, at opisyal ng gobyerno.

        Ang pinakabagong produkto ng Bajaj, ayon kay Manglapus, ay pruweba ng pagiging malikhain at ng kakayahang makaagapay ng mga Pilipino sa kabila ng pandemya, dahil sinasalamin ng three-wheeler na ito ang innovative solution upang isulong ang pagnenegosyo sa bansa.

        2021 Bajaj RE

        Continue reading below ↓
        Continue reading below ↓
        Recommended Videos

        “The Filipinos have a way to adapt. We have new entrepreneurs who ferry passengers with our three-wheelers. It is a new sector that is emerging and it is definitely a good development,” sabi ni Manglapus.

        Kumpiyansa siyang ang pinakabagong produkto ng Bajaj ay makaeengganyo sa mga business-minded Pinoys na subukan ang bago nitong model, na napakaraming improvement kumpara sa naunang bersiyon.

        Kabilang sa mga bagong features ng RE ang redesigned dashboard, na mayroon na ngayong MP3 player para sa sound trip ng driver at mga pasahero. Kinabitan din ng mga engineers ng Bajaj ang matibay na sasakyang ito ng metal door sa backseat para sa dagdag na safety. Binago rin ang disenyo ng mga upuan para sa mas okay na ergonomics at mas kumportableng biyahe ng driver.

        2021 Bajaj RE Nominee for Business and Tri-Wheeler Category in Moto Garahe Online Festival

        Continue reading below ↓

        Kung nakapagmaniobra na kayo ng Bajaj RE dati, tiyak na masosorpresa kayo sa mas suwabeng andar at tahimik na 198.88cc four-stroke, single-cylinder, fuel-injected engine ng bersiyon na ito. Ito ay dahil sa bagong silencer assembly na nakakabit sa engine crankcase na may mas okay na timing chain.

        Kasabay nito, inilunsad din ng Trimotors ang kampanya nitong ‘Bagong Biyahe’ na layuning kumbinsihin ang mas maraming Pilipino na gamitin ang RE bilang alternatibong mode of transportation.

        Ang 2021 Bajaj RE ay nagkakahalaga ng P182,888 at mabibili sa limang kulay: yellow, blue, red, white, at green.

        (Mayo 7, 2021 nang unang nalathala ang artikulong ito sa topbikes.ph)

        See Also

        Top Bikes Philippines is now on Quento! Click here to download the app and enjoy more articles and videos from Top Bikes Philippines and your favorite websites.

        PHOTO: Bajaj Philippines

      • Quiz Results

      • TopBikes Rating:
        /20

        Starts at ₱

        TopBikes Rating:
        /20
        Starts at ₱