Category
Select
Select a Category
Scooter
Underbone
Standard
Sport
Touring
Adventure
Dual Sport
Naked
Off-Road
Cruiser
Brand/Model
Select
Select a Brand/Model
        Price Range
        Select
        Below 100K
        100K-200K
        200K-300K
        300K-500K
        500K-1M
        Over 1M

        Bagong color scheme ng Honda Click 125i: Simple pero maangas

        Ang pinakamabentang scooter hanggang ngayon
        by Matthew Galang Jul 15, 2021
        PHOTO: Honda
        MOTORCYCLE BRANDS IN THIS ARTICLE

        Binansagang ‘Game Changer’ ng Honda, ang updated na Click 125i ang naging best-selling scooter noong nakaraang taon, ayon sa wholesale data mula sa Motorcycle Development Program Participants Association (MDPPA).

        Para sa taong ito, ipinakilala ng Honda Philippines, Inc.. (HPI) ang bagong mukha ng model na ito sa pamamagitan ng bagong color variant: ang Matte Pearl Crater White.

        Mayroong stripe pattern decals na nagpatingkad sa malupit na porma at anggulo nito, ang bagong paint scheme ng Click 125i ay bumagay talaga sa sporty at youthful look ng scooter na paborito ng marami. Ang Matte Pearl Crater White ang ikalimang color variant, kasama ng Matte Gunpowder Metallic, Vivid Blue Metallic, Nitric Orange, at Valiant Red.

        2021 Honda Click 125i color scheme

        Continue reading below ↓
        Continue reading below ↓
        Recommended Videos

        Bukod sa bagong kulay, ang 2021 Click 125i ay may bagong standout features, gaya ng LED lights sa harap at likod para sa mas maliwanag na pagra-ride, madaling basahing digital instrument panel na nagdi-display ng mga rider information, sporty muffler design na may aluminum end cap, at siyempre pa, ang garantisadong maaasahan na 125cc engine.

        Gamit ang PGM-Fi fuel-injection system ng Honda, ang single-cylinder liquid-cooled engine ng Click 125i ay tipid sa gasolina hanggang 53km/L, kaya naman perfect choice ito bilang praktikal na pangharabas sa araw-araw.

        Bonus din para sa riders ang 18-liter underseat storage compartment nito kung saan kakasya ang isang full-face helmet at iba pang personal na gamit, isang secure key shutter, tubeless front at rear tires, 5.5-liter fuel tank, at combi brake system.

        2021 Honda Click 125i

        Continue reading below ↓

        Sobrang ipinagmamalaki ni HPI president Susumu Mitsuishi ang updated na Click 125i: “Motorcycles have always made traveling fun and exciting, especially with the freedom they provide to all riders. Our new Click 125i provides exactly that joy of mobility, not only with its features that we have come to love from this scooter line but also with the new color variant that truly changes the game on the road.”

        Ang bagong Matte Pearl Crater White color variant para sa 2021 Honda Click 125i ay available na ngayon sa lahat ng Honda dealerships sa bansa, sa presyong P77,400.

        (Mayo 21, 2021 nang unang nalathala ang artikulong ito sa topbikes.ph)

        See Also

        Top Bikes Philippines is now on Quento! Click here to download the app and enjoy more articles and videos from Top Bikes Philippines and your favorite websites.

        PHOTO: Honda

      • Quiz Results

      • TopBikes Rating:
        /20

        Starts at ₱

        TopBikes Rating:
        /20
        Starts at ₱