Category
Select
Select a Category
Scooter
Underbone
Standard
Sport
Touring
Adventure
Dual Sport
Naked
Off-Road
Cruiser
Brand/Model
Select
Select a Brand/Model
        Price Range
        Select
        Below 100K
        100K-200K
        200K-300K
        300K-500K
        500K-1M
        Over 1M

        2021 Honda TMX125 Alpha: Kung ang hangad mo ay good vibes sa negosyo

        Ang SRP, kayang-kaya pa rin sa P51,400
        by Aris Ilagan Jul 8, 2021
        PHOTO: Honda
        MOTORCYCLE BRANDS IN THIS ARTICLE

        Nang minsan naming isa-isahin ang 10 motorsiklong angkop gamitin sa delivery services, nanguna sa listahan ang Honda TMX125 Alpha—ang pangharabas na maraming gamit, maaasahan, madaling alagaan, at matipid sa gasolina. Tanungin n’yo ang kahit sinong mayroong TMX125 at siguradong ibibida niya sa inyo kung gaano katibay ang solid-steel bike na ito.


        Kung iniisip ninyong bumili ng bagong motorsiklo para gawing delivery-service vehicle, ang 2021 Honda TMX125 Alpha ay perfect choice. Taglay pa rin ng maalamat na motorsiklong ito ang subok sa tibay nitong 125cc single-cylinder, four-stroke engine na karaniwang kumukonsumo ng 62.5km/L na gasolina kapag tuluy-tuloy na ibinibiyahe sa bilis na 45kph.

        Candy Ruby Red 2021 Honda TMX125 Alpha

        Continue reading below ↓
        Continue reading below ↓
        Recommended Videos


        Ang TMX125 Alpha ay gumagana sa parehong kick starter at electric push-button. Sa upuan, kasyang-kasya ang rider at kanyang angkas. Gamit nito ang isang pares ng 18-inch na gulong na nakakabit sa spoke wheels na nababalutan ng chrome.

        Mayroon din itong specially built collar para kabitan ng sidecar sakaling mas type n’yo itong ipamasada bilang tricycle, bukod pa sa may probisyon para sa ikalawang set ng shock absorbers sa likod para sa mabibigat na bagahe. Hindi ba mas matibay yan kumpara sa mga sidecar na idinaan lang gamit ang welding sa bakuran?

        Black 2021 Honda TMX125 Alpha

        Continue reading below ↓

        Nagkabit din ang Honda engineers sa TMX125 Alpha ng 38T rear sprocket sa halip na ang karaniwang 44T upang magkaroon ng magandang balanse sa pagitan ng matuling takbo at malakas na pag-arangakada nito.

        Bukod sa Candy Ruby Red at Black na color schemes sa unang bersiyon nito, inilarga na rin ng Honda Philippines ang bagong color option na Matte Armored Silver Metallic para sa 2021 model.


        At ito ang pinakamagandang balita: Ang SRP para sa 2021 Honda TMX125 Alpha ay nakapako pa rin sa P51,400. Saan ka pa?

        (Enero 27, 2021 nang unang nalathala ang artikulong ito sa topbikes.ph)

        See Also

        Top Bikes Philippines is now on Quento! Click here to download the app and enjoy more articles and videos from Top Bikes Philippines and your favorite websites.

        PHOTO: Honda

      • Quiz Results

      • TopBikes Rating:
        /20

        Starts at ₱

        TopBikes Rating:
        /20
        Starts at ₱