Category
Select
Select a Category
Scooter
Underbone
Standard
Sport
Touring
Adventure
Dual Sport
Naked
Off-Road
Cruiser
Brand/Model
Select
Select a Brand/Model
        Price Range
        Select
        Below 100K
        100K-200K
        200K-300K
        300K-500K
        500K-1M
        Over 1M

        Ang Kymco F9 ay e-motorbike na may two-speed transmission

        Dalawang oras lang, fully-charged na ang baterya
        by John Paulo Aguilera Jul 24, 2021
        PHOTO: Kymco
        MOTORCYCLE BRANDS IN THIS ARTICLE

        Sa gitna ng mga pagbabagong idinulot ng COVID-19 pandemic sa larangan ng transportasyon, ipinakilala ang Kymco F9 electric motorcycle sa global launch event ng Taiwanese manufacturer sa Taipei.

        Ipinagmamalaki ng Kymco ang F9 bilang ang kauna-unahang electric motorcycle sa mundo na may two-speed transmission para sa mas maayos at maginhawa na ride. Kaya ng brushless DC motor nito ang 12.6hp at 30Nm ng torque, kaya naman uubrang humarurot ang e-motorbike na ito mula sa 0 patungong 50kph sa loob lang ng tatlong segundo at tumodo hanggang sa 110kph.

        2021 Kymco F9 electric motorcycle

        Continue reading below ↓

        Ang street bike model na ito ay pinagagana ng isang 96V, 40Ah battery na mayroong lightweight (107kg) frame structure. Ang lithium-ion unit, na kinakaya ang 120km sa ilalim ng New European Driving Cycle, ay maaaring makumpleto ang full battery charging sa loob lang ng dalawang oras.

        Continue reading below ↓
        Recommended Videos

        Nakakabit din sa F9 ang 14-inch-wide na mga gulong at aluminum alloy wheel, bukod pa sa isang front telescope at rear swingarm suspension. Para sa Kymco, ang bike ay “specifically designed to provide the sensational riding experiences that change people’s perceptions on electric motorcycles.

        Kymco DT X360

        Continue reading below ↓

        Inilunsad din ng kumpanya ang DT X360 adventure crossover maxi scooter at KRV compact scooter—ang kauna-unahan na mayroong independent swingarm—sa parehong event noong Nobyembre 2020.

        (Nobyembre 27, 2020 nang unang nalathala ang artikulong ito sa topbikes.ph)

        See Also

        Top Bikes Philippines is now on Quento! Click here to download the app and enjoy more articles and videos from Top Bikes Philippines and your favorite websites.

        PHOTO: Kymco

      • Quiz Results

      • TopBikes Rating:
        /20

        Starts at ₱

        TopBikes Rating:
        /20
        Starts at ₱