Category
Select
Select a Category
Scooter
Underbone
Standard
Sport
Touring
Adventure
Dual Sport
Naked
Off-Road
Cruiser
Brand/Model
Select
Select a Brand/Model
        Price Range
        Select
        Below 100K
        100K-200K
        200K-300K
        300K-500K
        500K-1M
        Over 1M

        7 Dahilan bakit patok na daily commuter ang Yamaha Mio Sporty

        Mas simple, mas suwabe
        by Aris Ilagan Jul 5, 2021
        PHOTO: Yamaha Motor Philippines
        MOTORCYCLE BRANDS IN THIS ARTICLE
        MOTORCYCLE MODELS IN THIS ARTICLE

        Hindi pa rin tayo maka-move on sa krisis. Dahil sa pandemya na kinakaharap natin, ang mga limitasyon sa ipinatutupad na quarantine guidelines ay nagdulot ng malaking problemang pinansiyal sa marami sa atin. Dahil dito, marami ang napilitang humanap ng paraan upang pasimpehin ang kanilang pamumuhay.

        Sa biyahe, halimbawa. Para mabawasan ang stress at anxiety, pinipili ng mga pasahero ang pinakasimpleng transportasyon na pupuwede sa kanila na hindi masyadong mamumroblema sa gastusin sa gasolina, maintenance service, mamahaling piyesa, at iba pa.

        Dito na bibida ang Yamaha Mio Sporty. Narito ang pitong dahilan kung bakit itinuturing ng maraming rider na ideal ang scooter na ito sa araw-araw na pagbibiyahe.

        2021 Yamaha Mio Sporty

        Continue reading below ↓
        Continue reading below ↓
        Recommended Videos

        1) Ito ay User-friendly.

        Magaan at maliksi, ang Mio Sporty na marahil ang pinakamadaling imaniobra sa lahat ng scooters ng Yamaha. Ang seat height nito ay akmang-akma rin sa karaniwang sukat ng mga Pinoy riders.

        2) Walang electronic parts na poproblemahin.

        Gawa sa mechanically-operated parts, panghabambuhay na ang scooter na ito. Walang sensors na aalalahanin sakaling nalubog ito sa baha. Bukod dito, mayroong kick-starter sakaling bumigay ang baterya.

        3) Mabibili kahit saan ng mga piyesa.

        Isa ito sa pangunahing dahilan kaya mabenta ang mga bike na gawa ng Japanese Big Four motorcycle brands. Dahil maraming mayroong Mio Sporty, maraming dealerships at service centers na malalapitan sa halos lahat ng sulok sa bansa.

        4) Laging may oportunidad para mag-DIY.

        Pupuwedeng ikaw mismo ang magpalit sa langis, mga ilaw at kable, at belt. Hindi na kailangan ng espesyal na gamit o tools para rito. Sundin lang ang owners manual at siguradong makatitipid kayo sa maintenance cost ng Mio Sporty.

        Continue reading below ↓

        5) Matipid gasolina.

        Ang Mio Sporty ay may maliit na 114cc SOHC four-stroke, two-valve engine na pumupuwersa ng 7.6hp at 7.2Nm. Sa klase ng powertrain na ito, malaki talaga ang matitipid sa gasolina kumpara sa ibang scooters—kahit pa madalas mong isagad ang throttle. Ang average fuel consumption ng Mio Sporty ay karaniwang nasa 60km/L.

        2021 Yamaha Mio Sporty

        Continue reading below ↓


        6) Walang alarm? Ayos lang.

        Kung ikokonsidera ang presyo ng Mio Sporty na P67,900 SRP, wala siguro ito sa priority list ng mga magnanakaw. Kahit pa puwersahan itong tangayin mula sa may-ari, ang pinakamagagawa lang nila ay katayin ito at ibenta ang mga piyesa.

        Ang totoo, matindi ang kumpetisyon sa larangang ito dahil na rin sa laki ng pangangailangan. Sobrang delikado, na wala namang mapapala. Ang ibig sabihin, lugi pa sa kulong ang pagnanakaw ng isa sa mga ito.

        7) Tunay na pangharabas.

        Huwag ninyong mamaliitin ang lakas ng Mio Sporty pagdating sa husay at tibay. Magmasid-masid kayo sa paligid. Tiyak na mapapansin ninyong maraming delivery riders ang gumagamit nito sa kanilang araw-araw na paghahanapbuhay Araw-araw nakikita natin ang maliit na scooter na ito na walang takot sa pagbibitbit ng mga cargo.

        May iba ka pa bang dahilan kung bakit ang Mio Sporty ay madalas na ituring ng mga rider bilang suwabeng daily commuter? Ibida na ‘yan sa amin sa comments section.

        Continue reading below ↓

        (Nobyembre 18, 2020 nang unang nalathala ang artikulong ito sa topbikes.ph)

        See Also

        Top Bikes Philippines is now on Quento! Click here to download the app and enjoy more articles and videos from Top Bikes Philippines and your favorite websites.

        PHOTO: Yamaha Motor Philippines

      • Quiz Results

      • TopBikes Rating:
        /20

        Starts at ₱

        TopBikes Rating:
        /20
        Starts at ₱