Category
Select
Select a Category
Scooter
Underbone
Standard
Sport
Touring
Adventure
Dual Sport
Naked
Off-Road
Cruiser
Brand/Model
Select
Select a Brand/Model
        Price Range
        Select
        Below 100K
        100K-200K
        200K-300K
        300K-500K
        500K-1M
        Over 1M

        Upgrade ng Yamaha Sniper 155, talagang worth the wait

        Panalo ang bagong bersiyon na ito
        by Matthew Galang Jul 20, 2021
        PHOTO: Yamaha Motor Philippines

        Kumusta ang performance ng inyong bagung-bagong Yamaha Sniper 155 at Sniper 155 R? Handa na ba kayong mag-testimonial sa malaking kaibahan ng bago n’yong bike kumpara sa dating bersiyon nito?

        Imposibleng hindi ninyo napansin ang puwersa ng bagong 155cc engine ng updated Sniper 155, na sinasabing 17% na mas malakas kaysa dating 150cc mill. Ang 155cc, SOHC, single-cylinder engine na ito ay nasa ibang modelo ng Yamaha bikes tulad ng YZF-R15, XSR155, MT-15, at WR155.

        2021 Yamaha Sniper 155

        Continue reading below ↓

        Sa Sniper 155 at Sniper 155 R trim, ang Variable Valve Actuation (VVA)-equipped powerplant ay uubra sa 17.7hp sa 9,500rpm at may 14.4Nm ng torque sa 8,000rpm. Kakambal ng makinang ito ang six-speed manual transmission na mayroon na ngayong assist at slipper clutch para sa mas mabilis at mas suwabeng pagkakambyo.

        Continue reading below ↓
        Recommended Videos

        Pasok din ang iba pang technical updates tulad ng bagong frame nito na super gaang, binagong exhaust system layout, at individual ignition timing maps para sa bawat gear. Nagdagdag din ng kill switch sa handlebar sa kanan, habang kinabitan naman ng passing light ang kaliwa.

        2021 Yamaha Sniper 155

        Continue reading below ↓

        Kasama na rin sa bagong new multifunction LCD instrument panel ang gear position indicator, VVA indicator, at tachometer, plus iba pang features.Kung may iniangat man ang Sniper 155 R sa ibang standard model, ito ay ang 245mm front brake na may two-pot caliper kumpara sa single-piston unit ng mga karaniwang motorsiklo, ang 12V power socket para makapag-charge ng mga gadgets, at ang smart key system na mayroong answer back functionality.

        Makakapili ng pinakamapormang 2021 Sniper 155 para sa inyo sa tatlong kulay: Black Raven, Yellow Hornet, at Race Blu. Medyo mas mahal ang Sniper 155 R, at iisa lang ang available na kulay nito: Matte Titan. Narito ang mga presyuhan:

        2021 Yamaha Sniper 155

        • 2021 Yamaha Sniper 155 - P114,900
        • 2021 Yamaha Sniper 155 R - P120,900

        Type makita nang personal ang sporty underbone na ito? Ini-launch sa Pilipinas mahigit isang buwan pa lang ang nakalipas, makakabili na ng bago at pinagandang Sniper sa iba’t ibang Yamaha dealership sa bansa.

        Continue reading below ↓

        (Mayo 22, 2021 nang unang nalathala ang artikulong ito sa topbikes.ph)

        See Also

        Top Bikes Philippines is now on Quento! Click here to download the app and enjoy more articles and videos from Top Bikes Philippines and your favorite websites.

        PHOTO: Yamaha Motor Philippines

      • Quiz Results

      • TopBikes Rating:
        /20

        Starts at ₱

        TopBikes Rating:
        /20
        Starts at ₱