Category
Select
Select a Category
Scooter
Underbone
Standard
Sport
Touring
Adventure
Dual Sport
Naked
Off-Road
Cruiser
Brand/Model
Select
Select a Brand/Model
        Price Range
        Select
        Below 100K
        100K-200K
        200K-300K
        300K-500K
        500K-1M
        Over 1M

        Royal Alloy scooters: Tiyak na mapapalingon ka sa ganda

        Gitgitan ng premium scooters sa ’Pinas, tumitindi!
        by Aris Ilagan Jul 23, 2021
        PHOTO: Aris Ilagan

        Sumakit ba ang leeg n’yo kayo kakatitig sa napadaang Royal Alloy scooter? Ilang buwan na ring nasa merkado ng bansa ang classic-style premium scooter na ito matapos na sa wakas ay magkaroon na ng local distributor ng iconic European brand na ito rito sa Pilipinas.


        Ang Exelerate Ventures, kung saan ang mga managing directors ay na sina Chito Santos at Brian Kitane, ang unang kumpanyang nagkaroon ng official distributorship agreement sa Royal Alloy UK, kaya naman nakikipagsabayan na ngayon ang kanilang magagarang scooters sa iba pang premium European brands na Vespa at Lambretta.


        Kumpiyansa si Santos na kayang-kayang makipagsabayan ng Royal Alloy sa premium category: “There is no product that offers real classic features with modern technology.”

        Royal Alloy GP180 scooter

        Continue reading below ↓
        Continue reading below ↓
        Recommended Videos


        Rumarampa na sa mga kalsada ng Pilipinas ang unang batch ng Royal Alloy scooters na kinabibilangan ng tatlong modelo: Grand Prix (GP) 180, GP300S, at Tigara Grande (TG) 300S.


        Bagamat halos magkakapareho ang porma ng mga ito, lamang ang Royal Alloy products sa Lambretta kung frame ang pag-uusapan dahil 95% metal ang Royal Alloy scoots. Ang modernong Lambretta ay mas maraming plastic body parts.


        Ang GP180 ay gumagamit ng 169cc two-valve, four-stroke, air-cooled, single-cylinder engine na Euro 4 compliant. Samantala, ang GP300S at TG300S ay parehong may 278cc four-valve, four-stroke, liquid-cooled, single-cylinder engine na kasing laki at lakas sa Vespa GTS 300.


        Ipinagmamalaki ng Royal Alloy scooters ang anti-dive feature nito sa suspension sa harapan (preload adjustable) at may adjustable shock absorber sa likuran, dual Bosch ABS, at LED lights.

        Royal Alloy GP300S

        Continue reading below ↓


        Ang GP300S at TG300S ay parehong nakakabitan ng high-end Pirelli tires habang gumagamit naman ng IRC rubbers ang GP180.


        Tiniyak ng Exelerate Ventures na mabibili sa bansa ang piyesa ng mga scooters na ito.
        Ang Royal Alloy TG300S ay available sa Jet Black color scheme sa halagang P295,000; pormang-porma ang Royal Alloy GP300S sa Flame Red - P275,000; habang ‘Master of Retro’ talaga ang datingan ng Royal Alloy GP180 sa Sherwood Green - P175,000.

        (Nobyembre 1, 2020 nang unang nalathala ang artikulong ito sa topbikes.ph)

        See Also

        Top Bikes Philippines is now on Quento! Click here to download the app and enjoy more articles and videos from Top Bikes Philippines and your favorite websites.

        PHOTO: Aris Ilagan

      • Quiz Results

      • TopBikes Rating:
        /20

        Starts at ₱

        TopBikes Rating:
        /20
        Starts at ₱