Category
Select
Select a Category
Scooter
Underbone
Standard
Sport
Touring
Adventure
Dual Sport
Naked
Off-Road
Cruiser
Brand/Model
Select
Select a Brand/Model
        Price Range
        Select
        Below 100K
        100K-200K
        200K-300K
        300K-500K
        500K-1M
        Over 1M

        5 Scooter tires na pangmalakasan ngayong tag-ulan

        Naranasan ninyo na ba ang hydroplaning?
        by Matthew Galang Jun 29, 2021
        PHOTO: Shutterstock

        Nagsimula na ang tag-ulan, panahon na naman ng mga biglaang buhos na susundan ng baha, malakas na hangin, pahirapang pag-aninag sa lansangan, at madulas na kalsada. Walang rider na gustong magulantang sa ulanan, kaya siguraduhing laging handa ang kapote at doblehin ang pag-iingat sa biyahe.

        Mahalaga ring tandaan ng mga riders na iba ang performance ng mga gulong kapag umuulan. Kung nakapagmotorsiklo na kayo habang basang-basa ang kalsada, alam n’yong nababawasan ang kapit ng gulong kaya mas may tyansang maging madulas ang pagbibiyahe. Ang karaniwang pinaguugatan ng aksidente habang nagmomotorsiklo sa kasagsagan ng ulan ay ‘hydroplaning’ kung saan nawawalang ng traction ang mga gulong tuwing dumaraan sa bahagi ng kalsada na may naipong tubig.

        Habang naghahanda tayo sa pagsabak sa tag-ulan, importanteng handa rin tayo sa hindi mga hindi kaaya-ayang mangyayari sa lansangan sa pamamagitan ng pagpili ng tamang gulong na makakayanan ang hindi maayos na lagay ng kalsada.

        Continue reading below ↓

        Para tulungan ang mga riders, pumili kami ng limang scooter tires na pangmalakasan sa kahit na anong buhos ng ulan:

        1) Michelin City Grip

        Michelin City Grip scooter tires

        Continue reading below ↓
        Recommended Videos

        Pakatitigan ang gulong na ito ng Michelin at mapapansin ang malalalim na groove patterns mula sa gitna papuntang gilid. Sa mga markang ito, na tinatawag na sipes, dumadaloy ang tubig palayo sa sentro ng gulong para umagos ito sa gilid at maiwasan ang pagkadulas o pagsemplang. Puwedeng-puwede rin sa tuyong kalsada ang gulong na ito.

        Continue reading below ↓

        Dahil sa maaasahang center belt, hindi magkakaproblema ang bentahan ng City Grips, na garantisadong magagamit nang matagal dahil sa slower-wearing rubber compound nito.

        Ang ganitong Michelin tires ay kasya sa karamihan ng 125cc scooter, at mabibili sa 10- hanggang 16-inch na rim sizes. Nagkakahalaga ng P2,400 ang gulong para sa unahan habang P3,700 naman ang para sa likod, depende sa sukat at lapad.

        2) Metzeler Roadtec Scooter Tires

        Metzeler Roadtec Scooter Tires

        Continue reading below ↓

        Mula sa award-winning Metzeler Roadtec 01, maraming bentahe ang Roadtec scooter tires na uubra sa iba’t ibang road condition. Dahil sa mataas na silica content, mas maigting kumapit ang gulong na ito kaya mas matindi rin ang chemical grip, habang ang transversal grooves at maiikling sipes dito ay kayang-kayang mag-drain ng tubig, pinapaigting ang traction sa madudulas na kalsada at mas kumakapit kapag nagpepreno.

        Ang Roadtec scooter tires ay may sukat na 10-to 16-inch, at may lapad na aabot sa 150/70 para sa likuran. Ang pang-unahang gulong ay nagkakahalaga ng P1,800 habang P3,750 naman ang para sa likod.

        3) Pirelli Angel Scooter

        Pirelli Angel Scooter Tires

        Continue reading below ↓

        Kung fan ka naman ng Italian tire brands, may offer sa ‘yo ang Pirelli. Ang Angel scooter tires ay naiiba sa Pirelli Diablo rubbers dahil ang  prayoridad ng una ang ginhawa at wet weather performance para sa mga scooter.

        Sa matigas na pagkakagawa sa gulong, idagdag pa ang makabago nitong tread pattern, tiyak na kakayanin ang anumang hamon sa kalsada para sa suwabeng pagmamaniobra. Dahil sa pinagsamang silica compound at sipes, mas kinakaya nito ang pagbiyahe sa basang kalsada.

        Mabibili ito sa 10- hanggang 16-inch at kasukat ng maraming small- hanggang medium-size scooters. Nasa P3,300 hanggang P4,600 ang gulong sa harap at likod, depende sa sukat.

        4) Metzeler Feel Free Scooter Tires

        Metzeler Feel Free Scooter Tires

        Continue reading below ↓

        Matatag na ride sa lahat ng sitwasyon ang ipinapangako ng Metzeler’s Feel Free tires. Ang tread design ay base sa sport touring experience ng Metzeler habang binabalanse ang contact area para sa grip at sipes sa mas epektibong pagde-drain ng tubig mula sa gitnang bahagi ng gulong.

        Sa tulong ng paalon-alon na groove design sa gitna, tiyak na hindi maiipon ang tubig upang maiwasan ang hydroplaning, habang ang central section ng gulong sa likod ay nagpapahusay ng kapit kapag natuyo na ang kalsada.

        Ang gulong sa unahan ay nasa 12- hanggang 16-inch ang sukat, at nagkakahalaga ng P3,350, habang ang para sa likod, nasa 14- hanggang 16-inch, ay nagkakahalaga naman ng P3,150.

        5) Bridgestone Battlax Scooter SC 2

        Bridgestone Battlax Scooter SC 2 scooter tires

        Continue reading below ↓

        Ang scooter version ng Bridgestone tires ay nagagarantiya ng parehong kapit sa kalsada habang nananatili ang sporty trait ng mga ito para sa mga small bikes. Ang Battlax Scooter SC 2 ay sukat sa ilang maxi-scooters na may 400cc engine pataas, at ang sobrang makapit nitong rubber ay magpapahataw sa mga big scooter rider kahit pa malakas ang ulan at hangin.

        Ang sukat ng mga ito ay nasa 14- at 15-inch sizes, na ang para sa unahang gulong ay nagkakahalaga ng P4,900, habang P8,600 naman ang gulong sa likuran.

        (Hunyo 3, 2021 nang unang na-upload ang artikulong ito sa topbikes.ph)

        See Also

        Top Bikes Philippines is now on Quento! Click here to download the app and enjoy more articles and videos from Top Bikes Philippines and your favorite websites.

        View other articles about:
        PHOTO: Shutterstock

      • Quiz Results

      • TopBikes Rating:
        /20

        Starts at ₱

        TopBikes Rating:
        /20
        Starts at ₱