Category
Select
Select a Category
Scooter
Underbone
Standard
Sport
Touring
Adventure
Dual Sport
Naked
Off-Road
Cruiser
Brand/Model
Select
Select a Brand/Model
        Price Range
        Select
        Below 100K
        100K-200K
        200K-300K
        300K-500K
        500K-1M
        Over 1M

        9 na OFW pursigido sa pagtatayo ng motorcycle riding school sa Pilipinas

        Ito na kaya ang kanilang retirement dream?
        by Aris Ilagan Feb 2, 2021
        PHOTO: Clyde Karim Solano

        Ano ba ang plano ninyo sa inyong pagreretiro? Ito ang naging tanong ng siyam na magkakaibigang Pinoy na nagtatrabaho ngayon sa Saudi Arabia. Maraming taon na ang binuno ng mga Filipino professionals na ito sa Saudi at isang araw, bigla na lang pumasok sa kanilang isipan kung ano ang kanilang magiging kabuhayan kapag nagretiro na sila bilang mga OFW.

        Ayon kay Clyde ‘Karim’ Solano, iisa ang puno’t dulo ng kanilang barkadahan—motorsiklo. Ito na rin ang naging unifying factor upang ipursige ang kanilang pangarap na makapagpatayo ng isang riding school sa Pilipinas. Si Solano ay isang CPR (cardiac pulmonary resuscitation) instructor sa Jeddah na sinertipikahan din bilang Master Topgun riding trainor ng isang sangay ng Harley-Davidson sa Saudi. 

        Clyde Karim Solano Business Partners

        Continue reading below ↓

        Kabilang sa mga business partner ni Solano sa itinatayong training facility ay sila Erwin Carpena, Tanie Ortigueraz, Geoffrey Cardoza, Capt. Reynold Villostas, Ronnel Pasigan, Gerry Malasmas, Xenon Miguel Gupit, at ang kanyang ama na si Col. Edmon Gupit. Ayon pa kay Solano, maituturing na magkakakabit ang kanilang pusod dahil matapos silang sumailalim sa kanyang training, karamihan sa kanila ay tumatayong assistant trainers na rin sa MotorClyde Riding Center Int’l na kanyang itinayo sa Jeddah.

        Sa matagal na panahon na pagtuturo ni Solano, hindi lamang ang mga motorcycle enthusiasts sa Saudi ang kanyang naturuan kundi maging ang mga kapwa Pinoy na nakabase roon. Isang world-class riding school ang ipinatatayo ng grupo sa Sto. Tomas, Batangas, at kumpleto ito sa mga pasilidad, tulad ng covered garage para sa bike rental (small at big bikes), lecture hall, at malaking training oval na gawa sa konkreto.

        Clyde Karim Solano

        Continue reading below ↓

        Bukod dito, naglaan din sila ng malaking espasyo para sa Handlebar, isang classy family oriented dining hall kung saan mahigpit na ipagbabawal ang alak. Kabilang sa mga kurso ng MTC ay ang Basic Motorcycle Safety Course, Advance Riding Course, Group Ride Training, at Road Captainship para sa mga nais umaktong leader sa mga group ride. Maaari ring sumailalim sa refresher course ang mga rider na kinalawang na ang riding skill dahil sa matagal na hindi pagsakay sa motorsiklo. Ang Handlebar ay handa ring magsisilbi bilang catering service sa iba’t ibang event.

        Tiniyak pa ni Solano na ang lahat ng MTC trainor ay masesertipikahan ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) at Land Transportation Office (LTO).

        Habang puspusan na ang pagkukumpuni ng pasilidad, target ng grupo na magsagawa ng media training session sa Marso 2021 bilang pilot run ng MTC. Umaasa silang sa Hunyo ay mabubuksan na sa publiko ang pasilidad.

        Continue reading below ↓

        MTC Riding Trainors

        Giit ni Solano, bagamat ang grupo nila ay mga Harley-Davidson motorcycle owners, magiging bukas ang MTC sa lahat ng motorcycle brands. Small bike o big bike man ang gamit ng rider ay welcome sa MTC. Tiniyak din niya na hindi magiging mahal ang training fee dahil ang pangunahing hangad nila ay makapagsilbi sa bayan. “This is going to be our legacy. Kahit matanda na kami ay may maiiwan pa rin kaming gawain para makatulong sa mga rider,” giit ni Solano.

        Continue reading below ↓

        See Also

        PHOTO: Clyde Karim Solano

      • Quiz Results

      • TopBikes Rating:
        /20

        Starts at ₱

        TopBikes Rating:
        /20
        Starts at ₱