Category
Select
Select a Category
Scooter
Underbone
Standard
Sport
Touring
Adventure
Dual Sport
Naked
Off-Road
Cruiser
Brand/Model
Select
Select a Brand/Model
        Price Range
        Select
        Below 100K
        100K-200K
        200K-300K
        300K-500K
        500K-1M
        Over 1M

        Pang-backride sa ECQ: 5 Open-face helmets na wala pang P5K

        Saktong-sakto para sa mga suki ng motorcycle taxis
        by Matthew Galang Aug 5, 2021
        PHOTO: Motoworld

        Planong sumakay sa motorcycle taxi habang umiiral ang enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila? Ipapaalala lang namin na required magdala ng sariling helmet ang mga pasahero para maiwasan ang hawahan ng COVID-19.


        Maraming riders ang mas gusto ang open-faced helmets—na pinapayagan ng gobyerno na suotin sa motorcycle taxi—dahil madali itong isuot, may maginhawang ventilation, at karaniwang abot-kaya ang presyo.

        Bagamat ang ganitong helmet ay totoong hindi nakakapagbigay ng proteksiyong katulad ng sa full-face lid, ang isang disente at properly rated na open-face helmet ay sapat na kung magko-commute at gagamitin sa maiikling biyahe.

        Hanap n’yo ba ay abot-kayang open-face helmet na magagamit n’yo sa pagsakay sa motorcycle taxi? Narito ang limang hindi lalampas sa P5,000 ang presyuhan pero mayroong akmang safety ratings. Isa-isa nating kilatisin ang mga ito:

        1) LS2 OF562 Airflow (P2,150)

        LS2 OF562 Airflow open-face helmet

        Continue reading below ↓
        Continue reading below ↓
        Recommended Videos

        Ang Airflow helmet ng LS2 ay mayroong minimalist design na babagay sa karamihan ng motorsiklo. Gaya ng pangalan nito, malayang umiikot ang hangin sa loob ng helmet dahil sa top-mounted air vents at air channels na nasa EPS foam. Ang high-pressure thermoplastic shell nito ay ICC- at ECE 22.05-certified, at mabibili sa mga kulay na itim, puti, silver, at high-visibility matte yellow.

        2) SMK Retro Jet Open-face Helmets (P2,950)

        SMK Retro Jet Open-face Helmets

        Continue reading below ↓

        Timeless ang disenyo ng SMK Retro Jet pero makabago ang pagiging kumportable nito at ang proteksiyong kaya nitong ibigay. Ang removable at washable na hypoallergenic liner nito ay gawa sa suede fabric. Ito ay may tunay na leather para sa comfort at porma, habang ang klasikong thermoplastic shell at multi-density EPS foam nito ang mga naging basehan sa pag-isyu ng ECE at ICC certifications.

        3) LS2 OF599 Spitfire (P2,800 - solid colors, P3,300 - graphics)

        LS2 OF599 Spitfire open-face helmet

        Continue reading below ↓

        Ito ang isa pang retro option. Ang Spitfire helmet ng LS2 ay may makalumang round shell shape na sobrang babagay kung nakasakay sa scooters classic bikes. Ang ECE-rated helmet na ito ay kinabitan ng drop-down sun visor na scratch at UV resistant, at may loop sa likod bilang suporta sa goggle strap.

        4) RYO RO-2 (P2,950)

        RYO RO-2 open-face helmet

        Continue reading below ↓

        Ang jet-style helmet na ito mula sa Taiwanese manufacturer na RYO ay mayroong rear exhaust vent para sa airflow, isang optically correct visor, isang micrometric quick-release buckle, at laser-cut foam padding. Taglay din ng ECE-certified package na ito ang isang antibacterial washable at removable liner at ICC sticker.

        5) SMK Cooper (P2,750 - solid colors, P2,950 - graphics)

        SMK Cooper open-face helmet

        Continue reading below ↓

        Prayoridad ang versatility at pang-araw-araw na gamit nang idinisenyo ang ECE- at ICC-certified SMK Cooper na maraming useful features. Mayroong itong drop-down sun visor bukod pa sa full-length clear visor, quick-release strap, may anti-odor washable at removable liner, at dalawang shell sizes para saktong-sakto ang fit. Ang Cooper ay available sa ilang graphic options bukod pa sa solid colors para mas maraming mapagpipilian.

        Mayroon na ba kayong napupusuan mula sa helmets na ito?

        (Hunyo 11, 2021 nang unang nalathala ang artikulong ito sa topbikes.ph)

        See Also

        Top Bikes Philippines is now on Quento! Click here to download the app and enjoy more articles and videos from Top Bikes Philippines and your favorite websites.

        View other articles about:
        PHOTO: Motoworld

      • Quiz Results

      • TopBikes Rating:
        /20

        Starts at ₱

        TopBikes Rating:
        /20
        Starts at ₱