Category
Select
Select a Category
Scooter
Underbone
Standard
Sport
Touring
Adventure
Dual Sport
Naked
Off-Road
Cruiser
Brand/Model
Select
Select a Brand/Model
        Price Range
        Select
        Below 100K
        100K-200K
        200K-300K
        300K-500K
        500K-1M
        Over 1M

        Ilang local motorcycle clubs, celebrity ang members

        Kinahuhumalingan nila ay ang pagmomotorsiklo
        by John Paulo Aguilera Jun 29, 2021
        PHOTO: Drew Arellano/Instragram

        Maraming local motorcycle clubs at ang ilan sa mga ito, mga celebrities ang miyembro.
        Bagamat wala halos kaibahan sa larangan ng riding experience, masarap mag-imagine na kasa-kasama n’yo sa ride ang isang aktor na sobra n’yong iniidolo, o kaya naman ay ang paborito ninyong basketball player.

        Sa totoo lang, ang ilan sa mga sikat na riders na ito ang nakaengganyo sa kanilang fans na magmotorsiklo na rin. Ang makasali sa mga ganitong grupo ng mga sikat ay masasabi nating suntok-sa-buwan, pero libre naman ang mangarap, ‘di ba?

        EuroMonkeys

        Continue reading below ↓

        Continue reading below ↓
        Recommended Videos

        Mga miyembro: actors, TV hosts

        Ang kanilang trip: Kawe-welcome lang ng eksklusibong grupong ito ng mga exotic bike owners kay Kuya Kim at binigyan nila ang trivia master ng opisyal nitong monkey ring. Sa kanilang Instagram, malalamang nakipag-collaborate ang EuroMonkeys sa Swiss-made watch brand na Creux Automatiq para sa isang espesyal na timepiece.

        Continue reading below ↓

        Cruiserheads

        motor

        Mga miyembro: musicians, PBA players, media personalities

        • Enrico Villanueva (2005-06 PBA Best Player of the Conference)
        • JC Intal (Phoenix Super LPG Fuel Masters)
        • Topex Robinson (Phoenix Super LPG Fuel Masters head coach)
        • Ely Buendia (Eraserheads, Apartel)
        • Jay Contreras (Kamikazee)
        • Sam YG (Boys Night Out)

        Ang kanilang trip: Mahigit isang taon na nang huling i-update ng Cruiserheads ang kanilang IG nang sama-sama silang bumiyahe patungong Clark, Pampanga. Ang mga miyembro, tulad ni Buendia, ay regular na nagpo-post ng kanyang mga rides sa sarili niyang social media accounts.

        Continue reading below ↓

        Bago napabilang sa EuroMonkeys, sa motorcycle club na ito unang sumali si Kuya Kim para sa isang ride sa San Pablo City, Laguna noong Disyembre 2020.

        PBA Moto Club

        Mga miyembro: mga dati at aktibong PBA players

        • Rico Maierhofer (2010 Rookie of the Year)
        • Jayjay Helterbrand (2009 Most Valuable Player)
        • KG Canaleta (Blackwater Elite)
        • James Yap (Rain or Shine Elasto Painters)
        • Marc Pingris (2013 Gilas Pilipinas)
        • JC Intal (Phoenix Super LPG Fuel Masters)
        • Mark Caguioa (Barangay Ginebra San Miguel)
        • LA Tenorio (Barangay Ginebra San Miguel)
        • Joe Devance (Barangay Ginebra San Miguel)
        • Raymond Aguilar (Barangay Ginebra San Miguel)
        • Sol Mercado (2010, 2012 All-Star)
        Continue reading below ↓

        Ang kanilang trip: Ang mga pinakaaktibong miyembro ng grupo, sina Maierhofer at Helterbrand, ay regular na nag-a-upload ng motovlogs sa kanilang YouTube channel. Nagawa namang maki-ride nina Canaleta at Yap sa mga huling biyahe (La Union, Villa Escudero) ng PBA Moto Club pagkalabas nila sa PBA Bubble.

        The Brap Pack

        Continue reading below ↓

        Mga miyembro: actors, TV hosts

        Ang kanilang trip: Base sa kanilang mga huling IG posts, hindi nakakapag-ride ang Brap Pack simula nang magkaroon ng pandemya. Pamilya ang turingan ng grupo, na ang mga misis ng mga miyembro—may cute na tawag na Bras and Panties—ay halos laging kasa-kasama ng squad kapag walang motorcycle trips.

        (Enero 2, 2021 nang unang nalathala ang artikulong ito sa topbikes.ph)

        See Also

        Top Bikes Philippines is now on Quento! Click here to download the app and enjoy more articles and videos from Top Bikes Philippines and your favorite websites.

        PHOTO: Drew Arellano/Instragram

      • Quiz Results

      • TopBikes Rating:
        /20

        Starts at ₱

        TopBikes Rating:
        /20
        Starts at ₱