Category
Select
Select a Category
Scooter
Underbone
Standard
Sport
Touring
Adventure
Dual Sport
Naked
Off-Road
Cruiser
Brand/Model
Select
Select a Brand/Model
        Price Range
        Select
        Below 100K
        100K-200K
        200K-300K
        300K-500K
        500K-1M
        Over 1M

        7 Astig na big bikes na ‘carry’ ni golden girl Hidilyn Diaz

        Rider din ang unang Olympic gold medalist ng bayan
        by Aris Ilagan Jul 28, 2021
        PHOTO: Harley-Davidson; Hidilyn Diaz Facebook
        MOTORCYCLE MODELS IN THIS ARTICLE

        Habang walang tigil ang ulan sa maraming lugar sa bansa, walang tigil din ang buhos ng biyaya kay Hidilyn Diaz, ang kauna-unahang Pinoy na nag-uwi ng gintong medalya mula sa Olympics.


        Tunay na nakabibilib ang tagumpay ni Diaz dahil sa regular niyang built—may timbang na 55kg at may taas na 411—ay kinaya nitong buhatin ang 127kg na weights na halos kasing bigat ng isang underbone. At ngayong napadpad na rin tayo sa usapin ng motorsiklo, alam niyo ba na isang rider din ang Olympian?

        Ayon sa Roanne Beltran, best friend ni Diaz, madalas nagmomotorsiklo ang huli tuwing siya’y papunta sa gym para mag-training. Nanghihiram daw si Diaz ng scooter sa mga kaibigang atleta at trainor upang makapag-ikot-ikot, kuwento ni Beltran.

        Malaki rin ang impluwensiya kay Diaz, 30-anyos na sarhento ng Philippine Air Force, ang kanyang ama na si Eduardo, na dating nagmamaneho ng tricycle sa kanilang lugar sa Barangay Mampang, Zamboanga City. At ngayong bumabaha ng biyaya para kay Hidilyn, malaki ang posibilidad na bumili na siya ng motorsiklo, hindi lang para sa kanyang sarili kundi para rin sa kanyang ama.

        Continue reading below ↓

        Dahil dito, naisipan naming maglabas ng listahan ng pitong big bike na, sa tingin namin, ay babagay sa Pinoy super athlete. Katuwaan lang; isa-isahin natin ang two-wheelers na kasing astig ng una nating Olympic gold medalist:

        Continue reading below ↓
        Recommended Videos

        1) Harley-Davidson Fat Bob 114 (P1,620,000)

        Harley-Davidson Fat Bob 114

        Isa sa mga best-selling motorbikes ng Harley-Davidson ang Fat Bob dahil sa maangas na dating nito. Marami na rin tayong namataang mga lady rider na sakay ng Fat Bob dahil maliban sa malaking size nito, mistulang ‘halimaw’ kung humataw ito sa highway. Tiyak na mag-e-enjoy si Diaz gamit ito.

        Continue reading below ↓

        2) BMW R1250 GS HP (P1,755,000)

        BMW R1250 GS HP

        Pinerpekto ng German engineers, ang BMW R1250 GS ay isa sa mga paboritong adventure bikes ng Pinoy riders—malakas humataw, kumportableng sakyan. Armado rin ito ng electronic rider aids para sa ligtas na biyahe. May alok na low seat variant ang BMW Motorrad PH para sa mga hindi katangkaran.

        Continue reading below ↓

        3) Kawasaki Versys 650 (P452,000)

        Kawasaki Versys 650

        Kung ang hanap ni Diaz ay midsize adventure tourer, ang Kawasaki Versys 650 ang bagay sa kanya. Bukod sa magaan i-maniobra at madaling gamitin, matipid din ito sa konsumo ng gasolina.

        4) Yamaha Bolt R (P569,000)

        Yamaha Bolt R

        Continue reading below ↓

        Kargado ng 942cc air-cooled V-twin engine, angat ang Yamaha Bolt R kung speed, styling, at comfort ang pag-uusapan. Dahil sa maganda nitong suspension system, tiyak na relax ang biyahe ni Diaz pauwi galing sa matinding training dahil sa malapad na upuan at mababa na handlebar nito.

        5) Suzuki Hayabusa (P1,088,000)

        Suzuki Hayabusa

        Continue reading below ↓

        Tinaguriang ‘The Ultimate Sportbike,’ ang 2022 Suzuki Hayabusa ay tiyak na babagay sa Olympic gold medalist dahil sa matikas nitong disenyo. Dahil kilala ito sa tulin at liksi, pustahan tayo at mapapasaludo ang mga heneral kay Sgt. Hidilyn kapag dumating siya sa kampo militar sakay ng Busa.

        6) Ducati Scrambler Nightshift (P785,000)

        Ducati Scrambler Nightshift

        Continue reading below ↓

        Kung hanap ni Diaz ay isang relaxing ride para makapag-kape sa riders’ tambayan, ang Ducati Scrambler Nighshift ang swak sa kanya. Pwede niyang bagayan itong retro-style motorbike ng mapormang classic outfit para makalimutan ang hirap ng training, kahit pansamantala lamang.

        7) Honda Rebel 500 (P375,000)

        Honda Rebel 500

        Ang Honda Rebel 500 ang isa sa mga pinakapaborito ng mga millennial rider sa bansa ngayon. Simpleng gamitin, relaxed ang riding position at magaan i-maniobra. Tamang-tama rin ang timpla ng throttle response kaya hindi ito stressful sakyan. Kayang-kaya itong sakyan ng kanyang ama at iba pang miyembro ng pamilya. Bagamat affordable, hindi rin magpapahuli ang Honda Rebel kung porma ang usapan.

        Continue reading below ↓


        Mayroon pa ba kayong naiisip na big bike na posibleng mapusuan ni Hidilyn?

        See Also

        Top Bikes Philippines is now on Quento! Click here to download the app and enjoy more articles and videos from Top Bikes Philippines and your favorite websites.

        PHOTO: Harley-Davidson; Hidilyn Diaz Facebook

      • Quiz Results

      • TopBikes Rating:
        /20

        Starts at ₱

        TopBikes Rating:
        /20
        Starts at ₱