Category
Select
Select a Category
Scooter
Underbone
Standard
Sport
Touring
Adventure
Dual Sport
Naked
Off-Road
Cruiser
Brand/Model
Select
Select a Brand/Model
        Price Range
        Select
        Below 100K
        100K-200K
        200K-300K
        300K-500K
        500K-1M
        Over 1M

        Ano ang secret formula ni Jet Lee sa kanyang pagsikat bilang motovlogger?

        Umani ng 4 million views sa TikTok, 1.5 million followers sa Facebook
        by Aris Ilagan May 14, 2021
        PHOTO: Jet Lee/Facebook
        MOTORCYCLE MODELS IN THIS ARTICLE

        Ano ang tunay na pangalan ng tanyag na motovlogger na si Jet Lee?

        Maria Rica Cabarrubias. Kinalaunan, siya ay binansagang ‘Jet Lee’ dahil ang mga paboritong ng international action star at martial arts idol  ng kanyan ama ay na sina Bruce Lee at Jet Li.

        Ito ang inamin ng Cebuana rider na may mahigit 1.5 million followers sa Facebook at 800,000 viewers sa TikTok. “Yung ‘Maria,’ pangalan yun ng mommy ko. At yung ‘Rica’ ay kinuha ng daddy ko mula kay Rica Peralejo, yung favorite showbiz personality niya,” pahayag ni Jet sa Tunay na Rider (TNR) podcast kagabi.

        Straightforward ang mga sagot ni Jet sa mga TNR host na sina Ibba Rasul Bernardo, Jolly Alarcon, at Buck Pago. Diretsahan ding ikinuwento ni Jet kung paano siya nagsimulang nahilig sa pagmo-motor noong Grade 6 pa lamang siya. Ramdam ng mga viewer ang pagiging genuine na pagkatao niya.

        Jet Lee in Tunay na Rider Podcast

        Continue reading below ↓
        Continue reading below ↓
        Recommended Videos

        “Noong una po, ayaw akong payagan ng daddy ko. Pero nung isang beses na natutulog siya, itinakas ko yun motorbike niya. Noon niya na realize ang hilig ko sa pagmo-motor kaya hindi na niya ako pinigilan,” dagdag ni Jet.

        At dahil sa mga kilos niya, nakahiligan na siyang tawaging ‘Jet’ imbes na ang tunay niyang pangalan na Maria Rica.

        Mula sa pocket bike, napunta si Jet sa mas malalaking motorsiklo tulad ng Yamaha XT250 at KTM 390 Duke. Aminado rin siya na minsan ay naging kamote rider din siya: Wheelie dito, wheelie dun. Burnout dito, burnout dun.

        Ang kanyang galing sa pagsakay sa mga two-wheeler ay nagsimula sa BMX, isang uri ng bisikleta na paborito ng stunt riders.

        Ngunit nag-iba ang pananaw ni Jet sa pagmomotorsiklo nang bigla siyang kunin bilang road safety ambassador ng Land Transportation Office (LTO) Region 7. “Nun ko na-realize na may malaking responsibilidad na dapat kong gampanan,” aniya.

        Continue reading below ↓

        Hindi lang sa kakaibang talento sa pagmo-motor humatak ng milyong followers si Jet. Maging ang kanyang pagsasayaw sa TikTok ay pumatok din. Higit pa, si Jet ay isang martial arts enthusiast at track and field competitor noong siya ay nasa kolehiyo pa. “Sa umpisa pa lang ay hindi ko pinapansin yang pageviews at comments. Basta ako, enjoy lang,” giit niya.

        “Yung iba gustong sumikat agad kahit in a negative way. Hindi ko style yan,” dagdag ni Jet.

        O mga kamote rider, gets n’yo ba yan? Hindi pa huli ang lahat para mag-behave!

        Continue reading below ↓

        See Also

        Top Bikes Philippines is now on Quento! Click here to download the app and enjoy more articles and videos from Top Bikes Philippines and your favorite websites.

        PHOTO: Jet Lee/Facebook

      • Quiz Results

      • TopBikes Rating:
        /20

        Starts at ₱

        TopBikes Rating:
        /20
        Starts at ₱