Category
Select
Select a Category
Scooter
Underbone
Standard
Sport
Touring
Adventure
Dual Sport
Naked
Off-Road
Cruiser
Brand/Model
Select
Select a Brand/Model
        Price Range
        Select
        Below 100K
        100K-200K
        200K-300K
        300K-500K
        500K-1M
        Over 1M

        TV host Iya Villania-Arellano, nahuhumaling sa pagmomotorskilo

        Ano kaya ang paborito niyang training exercise?
        by Aris Ilagan Nov 13, 2020
        PHOTO: Che Estepa

        Marahil ay alam na natin kung gaano ka-busy ang celebrity mom na si Iya Villania-Arellano, hindi lang sa kanyang career bilang showbiz news anchor, kundi sa pagiging ina at pagiging maybahay sa kapwa TV host na si Drew Arellano.

        Hindi biro ang trabaho ni Iya bilang host ng Chika Minute showbiz segment ng 24 Oras Kapuso newscast, dahil tuwing Lunes hanggang Biyernes ito umeere.

         

        Sa kabila ng pagiging abala, alam niyo bang nagagawa pa ng showbiz couple na ito na tumakas sa kanilang schedule upang mag-motorsiklo?

        Continue reading below ↓

        Kamakailan lang, nag-post sa social media ang riding coach ni Iya na si Capt. Che Estepa ng Zero2Podium riding school, at nakita duon na sumabak ang TV host sa riding training sa Clark International Speedway.

        Ang tanong: Seryoso ba si Iya sa pag-momotorsiklo?

        Dahil sa sobrang busy sa trabaho at sa pagiging hands-on mom sa tatlo niyang anak, mahirap hagilapin si Iya kaya minarapat nating magpakuwento kay Coach Che, isang certified commercial pilot na ngayo’y professional riding coach na rin, tungkol sa training ni Iya.

        Ayon kay Coach Che, dalawang beses nang sumailalim sa riding training si Iya sa mga nakaraang linggo matapos itong tumigil sa pag-momotorsiklo nang halos dalawang taon.

        Unang nag-training sa basic riding course si Iya sa Ducati Riding Experience (DRE), pero dahil sa pagiging busy, madalang na nitong sinasakyan ang isa sa mga motorsiklo ni Drew.


        Continue reading below ↓

        Habang abala si Iya sa basic riding course, patuloy naman ang pag-eensayo ni Drew sa advance course, sa pangangasiwa ni Coach Joey Storm Rivero.

        Sa ngayon, walang personal na motorsiklo si Iya at ang ginagamit niyang training bike sa Clark racing circuit ay ang Yamaha R3 sportbike.

        Her pace and execution were smooth and progressive until teaching (her) how to do the upper body position. Even her speed was good,” paglalarawan ni Coach Che sa mga galaw ni Iya sa training.

        Paborito rin daw na training exercise ni Iya ang “knee drag,” kung saan ibinababa nito ang tuhod—na halos dumikit na sa lupa—habang matuling lumiliko. Kumbaga, si Iya ay ‘bumabangking’ na!

        At dahil sa pagiging sobrang agresibo sa knee drag exercise, dalawang beses na daw sumemplang si Iya, marahil sa maling pagtantya nito sa cornering speed at lean angle, kaya kumawala ang motorsiklo sa race track. Mapalad naman ang TV host at hindi ito nasaktan sa insidente dahil na rin sa suot na kumpletong race gear.

        Continue reading below ↓

        Hindi rin natiis ni Coach Che na ibahagi sa atin ang pagiging ulirang ina ni Iya. Sa tuwing sila raw ay nagpapahinga sa paddock, madalas binabanggit ni Iya kung gaano niya nami-miss ang tatlong anak nila ni Drew—lalo na ang three-month-old na unica hija na si Alana Lauren—kahit ilang oras lang silang mawalay sa isa’t isa.

        Continue reading below ↓

        Ayon kay Coach Che, hindi rin daw nagbabago ang pagiging sweet ni Drew sa kanyang misis. Lagi raw kinukumusta ni Drew si Iya tuwing break time sa training.

        Wala umanong nababanggit si Iya na plano nitong sumabak sa kareraNakasisiguro lang si Coach Che na sobrang enjoy sina Iya at Drew tuwing mag kasama silang nagmomotorsiklo.

        Kailan kaya ulit makaka-eskapo ang celebrity couple mula sa kanilang schedule para sa kanilang susunod na track session?

        See Also

        PHOTO: Che Estepa

      • Quiz Results

      • TopBikes Rating:
        /20

        Starts at ₱

        TopBikes Rating:
        /20
        Starts at ₱