Category
Select
Select a Category
Scooter
Underbone
Standard
Sport
Touring
Adventure
Dual Sport
Naked
Off-Road
Cruiser
Brand/Model
Select
Select a Brand/Model
        Price Range
        Select
        Below 100K
        100K-200K
        200K-300K
        300K-500K
        500K-1M
        Over 1M

        Saan ang mga paboritong riding destinations ni Coco Martin?

        Handa na rin ba kayo sa long ride?
        by Aris Ilagan Apr 22, 2021
        PHOTO: Shell Advance

        Bilang isang sikat na artista, marami na ang nakakaalam na mahilig si Coco Martin sa magagarang kotse at motorsiklo. Pero kung ang aktor ang papipiliin sa dalawa, tiyak na aaminin nito na mas malapit ang puso niya sa two-wheelers.

        “Galing ako sa hirap. Noong bata ako, mayroong kaming tricycle. Doon ako nagsimula matuto mag-motor. Dati po, habang nag-aaral ako, bumibiyahe ako ng tricycle, para makakuha ako ng pambaon sa school,” kuwento ng aktor.

        Hanggang siya ay naging bigtime showbiz personality, nakaugalian na ni Coco ang personal na mag-alaga at maglinis ng kanyang mga sasakyan, lalo na ngayong hindi siya nakakapasyal gamit ang motorsiklo dahil sa pandemya.

        Mahilig sa magagarang big bike si Coco Martin, na tuluyang sumikat dahil sa kanyang teleserye na FPJ’s Ang Probinsiyano. Pero alam niyo ba ang mga paboritong pasyalan ng 39-anyos na aktor tuwing siya ay nagmo-motor?

        1) Treasure Mountain sa Tanay, Rizal

        “Maraming magagandang lugar sa buong Pilipinas at puwede nating maipagmalaki ang mga ito. Ang madalas kong puntahan kung mayroon akong maikling oras na wala kaming trabaho ay ang Treasure Mountain sa Tanay,” pahayag niya.

        Continue reading below ↓

        Ayon kay Coco, aliw na aliw siya sa mga nagtataasang bundok na nakapaligid sa lugar. “Ang ulap akala mo nasa tabi mo lamang at mahahawakan mo,” dagdag niya.

        Continue reading below ↓
        Recommended Videos

        2) Mga scenic spot sa Bulacan

        Kung mga lugar sa norte ang pag-uusapan, may paboritong pinupuntahan si Coco sa Bulacan kung saan siya madalas mag-picnic kasama ang pamilya o barkada. “Pumupunta kami doon para magtampisaw sa ilog, tapos mag-picnic,” aniya.

        3) Balete o Taal sa Batangas

        At dahil kadalasang busy sa mga shooting para sa kanyang teleserye, paminsan-minsan ay nakakahanap ng oras si Coco para sa long ride kasama ang riding buddies. Madalas nilang puntahan ang magagandang lugar sa Balete o Taal sa Batangas.

        Ayon kay Coco, madalas din silang mag-target shooting sa isang liblib na lugar sa Balete. O kaya’y sumasakay ng bangka sa Taal para mag-sightseeing o lumangoy sa Taal Lake, habang pinagmamasdan ang  kakaibang ganda ng Taal Volcano.

        Continue reading below ↓

        May vintage motorcycle collection si Coco Martin at salitan niyang ginagamit ang mga ito sa kanyang pamamasyal.

        At bilang endorser ng Shell Advance Fuel Save motorcycle engine oil, ito ang kanyang tagubilin sa mga kapwa rider na mahilig mang-long ride: “Bilang responsableng rider, bago ka umalis sa bahay dapat i-check mo ang brake at ang kondisyon ng mga gulong para masigurado ang iyong kaligtasan. Mangyari po lamang na irespeto natin ang bawa’t isa habang nasa daan at lagi po tayong mag-ingat,” ayon kay Coco.

        Kailan ang next ride?

        Coco Martin for Shell Advance

        Continue reading below ↓

        See Also

        PHOTO: Shell Advance

      • Quiz Results

      • TopBikes Rating:
        /20

        Starts at ₱

        TopBikes Rating:
        /20
        Starts at ₱