Category
Select
Select a Category
Scooter
Underbone
Standard
Sport
Touring
Adventure
Dual Sport
Naked
Off-Road
Cruiser
Brand/Model
Select
Select a Brand/Model
        Price Range
        Select
        Below 100K
        100K-200K
        200K-300K
        300K-500K
        500K-1M
        Over 1M

        10 Tips sa motorbike customization nang ’di apektado ang usability, value

        Itodo ang dream build, pero tiyaking street-legal ito
        by Agnes Uzochika Aja Nov 5, 2021
        undefined
        PHOTO: MC Customs

        Some people think that custom building is easy,” sabi ni MC Customs.ph owner Marco Clemente. “(But) customization is more of an art.”

        Pagkatapos ng aming interview, nakumbinse niya ako. At tulad ng likhang sining, nagiging nakakabilib ang custom motorcycles kung nagagandahan ang iba sa nakikita nila.

        Nagbahagi si Clemente—na nagsimula sa pagko-customize ng sarili niyang motorsiklo hanggang sa maging negosyo na ito noong 2017—kung paano pupuwedeng i-customize ang isang bagong motorsiklo. Magkaugnay ang resale value at usability. Sa huli, ang importante ay kung ano ang gusto ng kliyente.

        Narito ang 10 tips upang masigurong ma-a-achieve ang custom ride na gusto at magiging kapaki-pakinabang para sa’yo.

        1) Piliin ang babagay na base bike.

        Kung handang gumastos para sa custom job, bilhin ang brand at model na gusto mo. Makakatulong kung taglay na ng bike ang ilan sa mga bahagi o features na napupusuan mo. Halimbawa, huwag bibili ng adventure bike kung chopper ang tipo mo.

        Continue reading below ↓

        Goodbye na lang sa resale value kung ganitong transformation ang gusto mo. So, paano malalaman kung nakuha mo ang base bike?

         

        2) Paharurutin ang motorsiklo ‘as is.’

        Payo ni Clemente sa mga kliyenteng nag-aalanganin pa: “Use it as stock na lang.” Kailangan mong gamitin ang motorsiklo. Subukin itong paharurutin nang kilo-kilometro. Alamin ang lakas nito. Tandaan kung ano ang mga gusto mong i-retain at kung alin ang gusto mong baguhin.

        Continue reading below ↓
        Recommended Videos

         

        3) Makipagtulungan sa builder.

        Kapag na sayo na ang motorsiklo, builder naman ang kailangan. Walang problema kung magsisimula sa tawag o text para sa mga paunang detalye, pero huwag hayaang hanggang doon lang yun. Personal na makipag-usap sa builder at dalhin ang iyong motorsiklo.

        Maging bukas sa anumang suggestions habang kumokonsulta. Ang custom builds ay “more of a collab (between) owner and artist,” ayon kay Clemente. Intindihing may requests kang hindi talaga uubra sa isang partikular na motorsiklo o sa pangangatawan ng mismong rider.

        Continue reading below ↓

         

        4) Pumili ng style at panindigan ito.

        Para kay Clemente, pinakaakma ang scrambler build. Angkop ang versatility nito sa mga kalsada sa Pilipinas—knobby tires para sa hindi regular na pagra-ride, hindi nalinis na exhaust sakaling binaha, at mataas na handlebars at maling upo para sa maginhawang pagmamaniobra.

        Pero ikaw ang nagra-ride, kaya malaya kang hilingin ang istilo at disenyo na gustung-gusto mo. Inirerekomenda ng builders ang paninindigan sa iisang istilo upang mapanatili ang disenyo at proportions ng motorsiklo, na nakakatulong naman sa retaining value nito.

         

        5) Dapat na legal ang gagawing pagbabago.

        Ikonsidera ang mga regulasyon ng Land Transportation Office (LTO) kapag inilalatag ang mga gustong baguhin. Nais mo, siyempre, ng ligtas na pagra-ride sa maporma mong motorsiklo, kaya huwag aalisin ang side mirrors, signal lights, o ano pa mang features na kinakailangan para legal na maibiyahe ang sasakyan. Kung babaguhin ang pintura, huwag kalimutang i-report ito sa LTO para sa dokumentasyon.

        Continue reading below ↓

         

        6) Humanap ng de-kalidad na mga piyesa.

        Hindi porke de-kalidad ay magastos na. Pumili ng mga piyesang roadworthy, matibay, at maganda (dapat ganyan ang pagkakasunud-sunod). Ang bawat de-kalidad at gumaganang parte ng iyong motorsiklo ay magpapasaya sa iyong ride, at higit sa ano pa man, ligtas ka.

         

        7) Asahan nang matatagalan ito.

        Ang custom build ay isang exciting opportunity. Mas okay sana kung matapos na agad-agad ang pagko-customize sa bike mo, pero sa totoo lang, kailangang marunong kang magtiis. Ang mga in-order mong piyesa ay maaaring walang stock. Pupuwedeng maatrasado ang deliveries.

        May mga bahaging dapat gawin nang manu-mano, bukod pa sa paulit-ulit na pagsusukat at pagte-test dito para masigurong maganda ang hitsura at maayos na gumagana.

         

        8) Bantayan ang final fit.

        Kapag pinababalik ka na ng builder, susunod na ang quality control. Pagmasdang maigi ang motorsiklo. Pindutin at pagpalit-palitin ang controls. I-test ride ito. Hilingin sa builder na ayusin ang alinmang hindi ka kuntento, para maging sobrang kumportable ka kapag sinakyan na ito.

        Continue reading below ↓

         

        9) Alisin sa isip ang tungkol sa bentahan.

        Sa huli, ang pagko-customize ng motorsiklo ay tungkol lamang sa iisang tao: ikaw. Kung nais mong ma-enjoy ang benepisyo, baguhin ang iyong mindset. Kahit pansamantala lang, huwag mo munang isipin ang tungkol sa resale value.

         

        10) Kung sadyang ibinebenta, ilagay ang sarili sa buyer.

        Darating talaga sa punto ng bentahan, at medyo tricky ang presyuhan ng custom motorcycles. Pero kung maganda ang build, pupuwedeng magbigay ng bentahe sayo ang pambihirang pormahan nito. Gamitin ito at humanap ng buyer na may parehong taste sayo.

        Mas ma-a-appreciate nila ang iyong custom motorcycle at mas handa rin silang bayaran ito sa orihinal na presyong itinakda mo. Bilang bonus, nabigyan mo pa ang motorsiklo mo ng owner na aalagaan ito gaya nang kung paano mo iningatan ang iyong custom bike.

         

        (Nobyembre 8, 2020 nang unang nalathala ang artikulong ito sa topbikes.ph)

        Top Bikes Philippines is now on Quento! Click here to download the app and enjoy more articles and videos from Top Bikes Philippines and your favorite websites.

        PHOTO: MC Customs

      • Quiz Results

      • TopBikes Rating:
        /20

        Starts at ₱

        TopBikes Rating:
        /20
        Starts at ₱