Category
Select
Select a Category
Scooter
Underbone
Standard
Sport
Touring
Adventure
Dual Sport
Naked
Off-Road
Cruiser
Brand/Model
Select
Select a Brand/Model
        Price Range
        Select
        Below 100K
        100K-200K
        200K-300K
        300K-500K
        500K-1M
        Over 1M

        10 Motorbikes na ’di natitinag sa pagsabak sa delivery service

        Ang pinakamura ay ’di aabot sa P40k
        by Aris Ilagan Nov 3, 2021
        PHOTO: Aris Ilagan

        Sa kabila ng pananamlay ng maraming negosyo dahil sa COVID-19, isang sektor ang namumukod-tanging namayagpag sa panahon ng matinding krisis: ang delivery service.

        Simula nang manalasa ang pandemya at magpatupad ng quarantine restrictions noong nakaraang taon, naging abala na ang mga motorsiklong nakakabitan ng top boxes at side panniers sa pagde-deliver ng pagkain sa mga bahay. Bukod sa pagkain, naghahatid din ang two-wheelers ng emergency supplies habang nagsasagawa ang iba ng home service na RT-PCR test.

        Sa katunayan, noong kasagsagan ng pandemya, maraming motorcycle taxi riders ang lumipat sa delivery services.

        Nagsagawa kami ng informal survey para malaman kung aling motorcycle models ang pinaka-karaniwang ginagamit sa deliveries. Nilimitahan namin ang choices sa may average price na P70,000. Dito ikinonsidera ang kalidad at pagiging maaasahan ng isang motorsiklo sa presyong abot-kaya.

        Narito ang listahan namin ng 10 motorsiklo at scooter na karaniwang ginagamit sa delivery service:

        1) Honda TMX125 Alpha (P51,400)

        Continue reading below ↓
        Continue reading below ↓
        Recommended Videos

        Isang long-time bestseller na ‘pantra’ o pang-tricycle, ang backbone motorcycle na ito ay maiispatan sa halos lahat ng sulok ng bansa. Kilala ito sa heavy-duty engineering na madaling imantine.

        2) Kawasaki CT 100 (P46,900)

        Itinuturing na karibal ng TMX125 Alpha sa modelong pantra, ang CT 100 ay mayroong four-speed manual gearbox at pupuwede nang kabitan ng sidecar para mas maraming maisakay.

        Continue reading below ↓

        3) Suzuki Skydrive Sport (P67,900)

        Para sa delivery riders, malaking bentahe ang twist-and-go functionality ng scooter na ito sa mga lugar na matindi ang siksikan ng trapiko, gaya sa Metro Manila.

        4) Yamaha Sight 115 (P62,900)

        Continue reading below ↓

        Isa pa itong matibay na at maaasahan pa mula sa underbone segment. Gumawa ng ingay ang abot-kayang daily ride na ito nang mag-post ng nakakamanghang 147.6km/L fuel consumption sa isinagawang economy run ng Yamaha Motor Philippines ilang taon na ang nakalipas.

        5) TVS Neo XR (P39,900)

        Kargado ng 124.53cc air-cooled, single-cylinder engine na mayroong four-speed semi-automatic gearbox, ang Neo XR ang isa sa pinakasulit na masusumpungan ng riders sa underbone segment.

         

        6) TVS Max4R (P49,990)

        Ito ang isa pang mala-kalabaw magserbisyo mula sa Indian motorcycle brand. May bigat na 118kg, ang abot-kayang backbone motorbike na ito ay pangmatagalan sa kahit ilang oras na serbisyo, na hindi magiging sakit ng ulo ng gumagamit dito.

         

        7) Yamaha Mio Sporty (P66,900)

        Ang sporty Mio model na ito ay mayroong floorboard na pupuwedeng patungan ng grocery items, isang bonus compartment kung puno na ang underseat cargo space.

         

        8) Honda XRM 125 Dual Sport (P65,000)

        Continue reading below ↓

        Dahil karamihan ng bahagi nito ay gawa sa solidong bakal, ang XRM ay paborito ng masisipag na delivery boys, na nagagawang bigyan ng reward ang kanilang sarili kapag weekends, kung kailan nagagamit din nila ang motorsiklong ito sa trail.

         

        9) Suzuki Raider J Crossover (P63,900)

        Inilunsad sa Pilipinas noong unang bahagi ng nakalipas na taon, ang matibay na underbone ay may misyong pataubin sa unang puwesto ang XRM sa pag-aalok ng mas maraming power at mas malaking tipid sa gasolina sa halagang mas abot-kaya.

        Continue reading below ↓

         

        10) Suzuki GD 110 (P48,900)

        At last but not the least, ang Suzuki GD 110, isa pang popular backbone ng Suzuki na binuo para sa pagnenegosyo. Isa ito sa may pinakamababang presyo sa kinabibilangang kategorya, pero napapanatili nito ang high level quality at performance na nagpasikat sa Japanese motorcycle brand na ito.

        Continue reading below ↓

         

        (Abril 30, 2020 nang unang nalathala ang artikulong ito sa topgear.com.ph)

        See Also

        Top Bikes Philippines is now on Quento! Click here to download the app and enjoy more articles and videos from Top Bikes Philippines and your favorite websites.

        PHOTO: Aris Ilagan

      • Quiz Results

      • TopBikes Rating:
        /20

        Starts at ₱

        TopBikes Rating:
        /20
        Starts at ₱