Category
Select
Select a Category
Scooter
Underbone
Standard
Sport
Touring
Adventure
Dual Sport
Naked
Off-Road
Cruiser
Brand/Model
Select
Select a Brand/Model
        Price Range
        Select
        Below 100K
        100K-200K
        200K-300K
        300K-500K
        500K-1M
        Over 1M

        Dingdong Dantes, naging food delivery rider gamit ang astig na BMW motorbike

        TV host Kim Atienza sobrang natuwa
        by Aris Ilagan Oct 26, 2020
        PHOTO: kuyakim_atienza on Instagram

        Marahil ay nabasa niyo na ang aming isinulat tungkol sa bagong negosyo ng aktor na si Dingdong Dantes, na tinawag niyang Dingdong PH.

        Ito ay isang food delivery service para makatulong sa kanyang kasamahan sa industriya na nawalan ng trabaho bunsod ng pandemya. Karamihan sa kanila ay nasa film production na kinabibilangan ng mga stuntman, make-up artist, scriptwriter at stylist na nawalan ng trabaho dahil natigil ang paggawa ng pelikula at taping sa mga nakaraang buwan.

        Dagsa rin ang mga aplikante sa Dindong PH hindi lamang mula sa hanay ng mga taga-showbiz industry ngunit maging ang mga ordinaryong mamamayan na gusto ring kumita nang marangal sa kasagsagan ng krisis dulot ng COVID-19.

        Ngayong umaga, marami ang nagulat nang makita ang post ni Dingdong sa Instagram habang nakasuot ng uniporme ng Dingdong PH at sakay sa isang BMW motorbike na nabalot sa sticker ng kumpanya. Ayon sa TV host na si Kim Atienza, ang naturang eksena ay para sa photo at video shoot bilang bahagi ng promotion campaign para sa kanyang kumpanya.

        Continue reading below ↓

        “Talagang nagmistulang delivery boy siya kasi dinalhan niya kami ng bottled water,” kuwento ni Atienza kasabay ng paghalakhak. Ginamit din ni Dingdong ang pagkakataon upang masubukan ang app ng Dindong PH dahil nakararanas pa rin ito ng aberya.

        Nagkaroon din ng simpleng salu-salo ang mga miyembro ng Euromonkeys, isang motorcycle group ni Dingdong kung saan kasama rin ang kapwa aktor na si Richard Gutierrez, at mga seasoned rider na sina Bullet Jalosjos at Emil Banno. 

        Marahil isang patunay dito ang pinakahuling post ng aktor sa Instagram:

         

        Continue reading below ↓

         

        Saan kayo makakakita ng delivery service na hindi lang pogi ang delivery boy, ngunit astig din ang delivery bike. Kilala si riding community si Dingdong bilang collector ng magagarang motorsiklo. Subalit sa pagkakataong ito, bida sa IG account ng aktor ang BMW R1250 GS adventure bike na nagkakahalaga ng P1.585 million. Ang pagkakaroon ni Dingdong ng R1250 GS ay bisa ng partnership agreement sa BMW Philippines.

        Sakaling biglang nagbago ang hihip ng hangin at nagpasya siyang seryosohin ang pagiging delivery service rider, balak nyo rin bang umorder kay Dingdong Dantes?

        See Also

        PHOTO: kuyakim_atienza on Instagram

      • Quiz Results

      • TopBikes Rating:
        /20

        Starts at ₱

        TopBikes Rating:
        /20
        Starts at ₱