Category
Select
Select a Category
Scooter
Underbone
Standard
Sport
Touring
Adventure
Dual Sport
Naked
Off-Road
Cruiser
Brand/Model
Select
Select a Brand/Model
        Price Range
        Select
        Below 100K
        100K-200K
        200K-300K
        300K-500K
        500K-1M
        Over 1M

        Sino ang mas matulin sa race track? Si Drew Arellano o ang asawa niyang si Iya?

        Todo bigay nang ikuwento ang kanyang riding passion
        by Aris Ilagan Dec 3, 2020
        PHOTO: Drew Arellano/Instragram

        Buhay na buhay ang TV host na si Drew Arellano habang ikinukuwento ang kanyang hilig sa motorsiklo nang ito ay nakapanayam ng Tunay na Rider web series. Sa katunayan, inagahan ng TNR hosts na sina Ibba Rasul Bernardo, Buck Pago, at Jolly Alarcon ang show upang makapiling ni ‘Papa Du’ ang kanyang mga anak na maagang natutulog kasama ang asawa niya na si Iya Villania-Arellano.

        Una nang na-feature si Iya sa Top Bikes PH, kaya ang bida ngayon ay si Drew. Halos 10 taon nang nagmomotorsiklo si Drew kasama ang kapwa celebrity riders na sina Ryan Agoncillo, Paolo Abrera, at director na si Sid Maderazo. Totoo nga ang kasabihang “once a rider, always a rider,” dahil minsan natigil sa pagmomotorsiklo nang biglang mahilig ang kanilang tropa sa triathlon. Subalit hindi nagtagal ay agad din silang bumalik sa two wheels.

        Mula sa usapang pagpapalit ng motorsiklo hanggang sa iba’t ibang adventure nila sa mga group ride, walang tigil ang kuwento ni Drew.

        Continue reading below ↓

        Continue reading below ↓
        Recommended Videos

        Lalong naging kuwela ang chikahan nang mapasok na sa usapan ang pagsama ng kani-kanilang asawa sa mga ride. Aminado si Drew na mahilig din sa motorsiklo si Iya. Nang tanungin kung sino sa kanila ang mas mabilis sa racetrack, ang sagot ni Drew: “Alam niyo ba na nasa likod lang ako palagi ng asawa ko. ’Yan lang ang masasabi ko.”

        Continue reading below ↓

        “Kapag kasama ko ang asawa ko, I don’t need to be fast,” dagdag ni Drew, sabay halakhak. Obvious naman na sa tagal ni Drew sa pagmomotor, mas malawak na ang karanasan nito at hindi maitatangging mas matulin siyang magpatakbo kumpara sa kanyang asawa, na paminsan-minsan ay sumasailalim sa rider training sa Clark International Speedway.

        Kumbaga, wala nang dapat patunayan si Drew sa larangan ng riding skills. “Pero kapag pauwi na ako sa bahay, I need to be fast to be able to go home,” biro pa ni Drew.

        Madalas gamit ni Drew sa track ang Aprilia Tuono V4 1100, isang super sport bike habang si Iya ay Yamaha R3 ang gamit sa tuwing may session ng Zero2Podium riding school.

        Continue reading below ↓

        Kilala bilang isang responsable at mapagmahal na haligi ng tahanan si Drew, kaya ito'y nabansaggang ‘Papa Du’ sa showbiz circles. Marahil, ito rin ang dahilan kaya kailanman ay hindi naging balakid si Iya sa kanyang hilig sa pagmomotor.

        Malaki ang nagagawa ng riding passion sa personal na buhay ni Drew. “I always have peace of mind when I ride. I feel the wind in my chest, smell fresh air, look at the sun,” kuwento niya.

        Kaya kahit anong busy ni Drew sa kanyang career at pamilya, parating positibo ang tingin niya sa buhay kahit gaano siya ka-busy. Kailan ang next ride niyo, Papa Du?

        Continue reading below ↓

        See Also

        PHOTO: Drew Arellano/Instragram

      • Quiz Results

      • TopBikes Rating:
        /20

        Starts at ₱

        TopBikes Rating:
        /20
        Starts at ₱