Simula ngayong araw, Nobyembre 18, 2020, tanging ang mga aplikante na dumaan sa online application and appointment system ang makakabitan ng libreng Easytrip RFID stickers sa kanilang sasakyan sa mga piling installation venues na itinalaga ng Metro Pacific Tollways Corporation (MPTC).
Sa anunsiyo sa social media, binigyang diin ng MPTC na hindi ito tatanggap ng mga walk-in na aplikante sa siyam na installation sites na matatagpuan sa katimugan at hilagang bahagi ng Metro Manila, kung wala silang maipakikitang confirmation email at QR code. Ibig sabihin, huwag na kayong mag-aksaya ng panahon sa pagtungo sa installation venues dahil hindi rin kayo makakukuha ng RFID stickers sa mga lugar na ito.
Sa halip, ituturo lamang sa inyo ang ibang RFID sticker installation site na tumatanggap ng walk-in customer kung saan posibleng mayroong pila ng mga aplikante.
Ang mga sumusunod ang itinilagang lugar kung saan maaaring magpakabit ng Easytrip RFID sticker ang mga online applicant:
South of Metro Manila
Customer service centers:
-
CALAX Greenfield (Mamplasan)
-
CAVITEX Paranaque Plaza (northbound)
-
CAVITEX Paranaque Plaza (southbound)
-
C5 Southlink (westbound)
Easytrip installation tents:
-
Shell Pamplona, Alabang-Zapote Road
-
Shell Panapaan, Bacoor-Cavite (tapat ng Puregold Bacoor)
-
Shell Real 2, Aguinaldo Highway, Imus, Cavite (malapit sa Maynilad-Welcome to Imus arch)
North of Metro Manila:
Customer service center:
- NLEX Drive & Dine, Canuway West, Valenzuela City
Sa mga first-time applicant, sundan ang mga sumusunod sa paggamit ng Easytrip online application and appointment system:
- Pumili ng installation site at schedule ng pagkakabit ng sticker.
- Irehistro ang mga detalye at i-save para sa verification process.
- Magtungo sa installation site sa itinakdang schedule ng sticker installation.
- Ipakita ang QR code sa kinatawan ng Easytrip na siyang magkakabit ng RFID sticker. Maghanda ng P200 bilang pambayad sa initial load.
Palalala lang sa mga motorista: December 1, 2020 ang pagpapatupad ng 100% cashless transaction sa dalawang tollway system.