Category
Select
Select a Category
Scooter
Underbone
Standard
Sport
Touring
Adventure
Dual Sport
Naked
Off-Road
Cruiser
Brand/Model
Select
Select a Brand/Model
        Price Range
        Select
        Below 100K
        100K-200K
        200K-300K
        300K-500K
        500K-1M
        Over 1M

        Mauuna pang makasama ulit ni Ely Buendia ang Cruiserheads kaysa Eheads

        Kilalanin ang mga miyembro ng riding group ni Ely
        by John Paulo Aguilera Oct 8, 2021
        PHOTO: @cruiserheads

        Sabik ngayong naghihintay ang fans ng Eraserheads kung tutupad si Ely Buendia sa kanyang tweet na magre-reunion ang 90s OPM band kung kakandidato sa pagkapangulo si Vice President Leni Robredo.

        Kasabay nito, maraming nakaalala sa inamin ni Buendia, Mayo ngayong taon, tungkol sa dating bandmates na sina Raimund Marasigan, Marcus Adoro, at Buddy Zabala: I don’t want to break hearts again but we were never close. We were never friends. That’s why we broke up.

        Kung mayroon mang tunay na malalapit na kaibigan si Buendia—na mas malaki ang tyansang maka-reunion niya—sila ay ang mga miyembro ng motorcycle club niyang Cruiserheads.

        Bagamat hindi aktibo sa Instagram ang riding group ng OPM icon—na binubuo ng tulad niyang musical artists, pati basketball players, celebrities, at riding aficionados—kani-kanya namang post ang mga miyembro nito tungkol sa kanilang out-of-town rides.

        Sinu-sino nga ba ang mga bumubuo sa Cruiserheads?

        Enrico Villanueva

        Continue reading below ↓
        Continue reading below ↓
        Recommended Videos

        Bago nagretiro noong 2014, nagkampeon pa ang team ni Villanueva, bukod pa sa nag-uwi siya ng Best Player of the Conference trophy at Most Improved Player award sa PBA. Ang 2002 UAAP MVP at seven-time PBA All-Star, na binansagang ‘Raging Bull,’ ay napabilang din sa Mythical First Team at All-Defensive Team.

         

        JC Intal

        Continue reading below ↓

        Bago nagretiro sa PBA, huling naglaro si Intal para sa kapwa niya Cruiserhead member. Sinundan ng tinaguriang ‘Rocket’ ang kanyang nakakabilib na collegiate career ng dalawang dekada ng matagumpay na professional basketball career, na tinampukan ng isang kampeonato at tatlong All-Star appearances. Sa ngayon, nagdaraos na ng sarili niyang art exhibit si Intal.

        Topex Robinson

        Continue reading below ↓

        Ang head coach ng Phoenix Super LPG Fuel Masters ay may solidong PBA career—dalawang kampeonato at pagkakabilang sa All-Defensive Team—pero mas naging epektibo siya bilang tactician. Pagkatapos matalo ang kanyang San Sebastian Stags sa San Beda sa NCAA Season 87, inakay ni Robinson ang koponan para makamit ang 2011 Philippine Collegiate Championship.

        Jay Contreras

        Continue reading below ↓

        Tulad ni Buendia, nakilala rin si Contreras bilang frontman ng sarili nitong OPM rock band, ang Kamikazee. Kapag hindi kumakanta ng ‘Narda’ at ‘Martyr Nyebera,’ abala ang bokalista sa photography at sa pangangasiwa sa sarili niyang shop, ang Mr. J, kung saan nagbebenta siya ng mga shirts, hoodies, masks, at e-juice.

        Sam YG

        Continue reading below ↓

        Si Samir Gogna, na isa sa hosts ng Boys Night Out ng Magic 89.9, ay tumawid sa telebisyon mula sa radyo. Naging co-host din siya sa Eat Bulaga! at napanood din sa iba pang shows sa GMA-7.

         

        Narito ang iba pang mga miyembro ng Cruiserheads:

        • Eric Yaptangco
        • Bernie Ledesma
        • Alvin Edrosalam
        • Raffy Blardony
        • Froi Ambrocio

        (Mayo 31, 2021 nang unang nalathala ang artikulong ito sa topbikes.ph)

        See Also

        Top Bikes Philippines is now on Quento! Click here to download the app and enjoy more articles and videos from Top Bikes Philippines and your favorite websites.

        View other articles about:
        PHOTO: @cruiserheads

      • Quiz Results

      • TopBikes Rating:
        /20

        Starts at ₱

        TopBikes Rating:
        /20
        Starts at ₱