Category
Select
Select a Category
Scooter
Underbone
Standard
Sport
Touring
Adventure
Dual Sport
Naked
Off-Road
Cruiser
Brand/Model
Select
Select a Brand/Model
        Price Range
        Select
        Below 100K
        100K-200K
        200K-300K
        300K-500K
        500K-1M
        Over 1M

        6 Energy drinks na perpektong ka-tandem sa long rides

        May itatagal ka pa ba?
        by Agnes Uzochika Aja Sep 20, 2021
        PHOTO: Shutterstock

        Bagamat napakahalagang may bitbit na tubig sa malayuang motorcycle rides, wala itong taglay na electrolytes at carbs—na parehong nakakatulong upang manatiling hydrated at maliksi ang rider, pero ginagamit ng katawan hanggang sa tuluyang ipawis.

        Ang mga inumin sa listahang ito ay perpektong ka-tandem ng tubig. Magdala ng isa hanggang dalawang bote nito sa susunod na ride upang manatiling alisto habang iniiwasan ang pamimitig ng kalamnan at dehydration.

        1) Monster Energy Original 473ml

        Continue reading below ↓

        Price - P109

        Ang iniinom (at sponsor) ng pinakamahuhusay na pro freestyle at supercross riders, ang Monster Energy ay may kakaibang lasa na pinaghalong matamis at maalat. Ang pagkonsumo ng isang lata nito bago ang ride ay sobra-sobra pa upang panatilihing masigla ang rider para maging handa sa mahabang biyahe.

        Continue reading below ↓
        Recommended Videos

        Huwag lang kalilimutang sundan ng pag-inom ng tubig ang likidong ito. Importante ang tubig upang mapagtagumpayan ang dehydrating side effects ng taurine at caffeine content ng nabanggit na energy drink.

        Makakabili rito.

        2) Gatorade Blue Bolt 500ml

        Continue reading below ↓

        Price- P42

        Naisama na yata ng sikat na Pepsi brand na ito ang bawat sport team at atleta sa mundo sa roster nito. Lamang ang Gatorade sa tubig bilang isang isotonic drink, na may sugar at electrolyte.

        Nagbibigay ito sa katawan ng kinakailangang sodium, calcium, magnesium, at marami pang iba, habang pinaiigting ang hydration at nagbibigay ng extra energy. Inumin ito bago mag-ride, habang nagra-ride, at pagkatapos ng ride.

        Makakabili rito.

        3) Pocari Sweat 500ml

        Continue reading below ↓

        Price - P43

        Pupuwedeng sabihin na mayroon itong hindi kagandahang pangalan, pero hindi dapat makaapekto ito para hindi subukang tikman ang Pocari Sweat. Ang pantapat ng Japan sa Gatorade ay mayroong hindi matapang na citrusy taste na totoong nakakapawi ng uhaw kapag iinumin nang malamig.

        Ang isotonic drink na ito ay nakakatulong sa hydration at upang mabilis na makabawi ng sigla ang katawan, bukod pa sa mas kakaunti ang sugar nito kumpara sa Gatorade.

        Makakabili rito.

        4) Nuun Vitamins Ginger Lemonade

        Continue reading below ↓

        Price - P390

        Kung electrolytes ang hanap pero ayaw ng ekstrang boteng bibitbitin, subukan ang Nuun ginger lemonade tabs. Tunawin ang isang tableta nito sa inuming tubig na may raming 470ml.

        Ang isang tableta nito ay may sapat na vitamins, minerals, at electrolytes (plus may bonus pang caffeine) para siguruhing matatapos ang anumang ride na sinimulan.

        Makakabili rito.

        5) Pedialyte 30 Grapes 500ml

        Continue reading below ↓

        Price - P126

        Hindi gaanong popular dito sa Pilipinas, pero ang sikat na oral rehydration drink na ito sa Amerika ang pangunahing inirereseta sa mga batang masakit ang tiyan.

        Sobrang epektibo ang Pedialyte sa pagpapanumbalik ng nawalang likido sa katawan at electrolytes kaya naman marami ang sumusumpa sa bisa nito—naninindigan dito ang marami bilang post-workout recovery at hangover drink.

        Makakabili rito.

        6) Vita Coco Coconut Water 1L

        Continue reading below ↓

        Price - P104 for 2

        Dahil hindi naman laging nasa kanto ang magbubukong may tulak na kariton, punuin ang water bottle ng biyaya ng kalikasan na kasing bisa ng Gatorade, ang buko juice.

        Bagamat technically, ang Vita Coco ay sabaw ng buko, na mas matabang kasa totoo. Sa kabila nito, nare-rehydrate ang rider dahil na rin sa sariwa at masustansiyang buko juice.

        Makakabili rito.

        Ipalit ang energy drinks na ito sa inuming tubig upang malaman kung alin ang pinakamabisa laban sa dehydration.

        (Hulyo 15, 2021 nang unang nalathala ang artikulong ito sa topbikes.ph)

        See Also

        Top Bikes Philippines is now on Quento! Click here to download the app and enjoy more articles and videos from Top Bikes Philippines and your favorite websites.

        View other articles about:
        PHOTO: Shutterstock

      • Quiz Results

      • TopBikes Rating:
        /20

        Starts at ₱

        TopBikes Rating:
        /20
        Starts at ₱