Category
Select
Select a Category
Scooter
Underbone
Standard
Sport
Touring
Adventure
Dual Sport
Naked
Off-Road
Cruiser
Brand/Model
Select
Select a Brand/Model
        Price Range
        Select
        Below 100K
        100K-200K
        200K-300K
        300K-500K
        500K-1M
        Over 1M

        Epektibo ba ang riding gloves bilang proteksyon sa COVID-19?

        Alamin ang opinyon ng isang medical professional
        by Aris Ilagan Mar 24, 2021
        PHOTO: Aris Ilagan

        Mga kagulong, ilang pares ng riding gloves ang gamit mo?

        Kung iisang pares ang gamit mo sa pang araw-araw na pagmamaneho ng motorsiklo, makabubuti sa iyo na seryosohin ang payo ni Dr. Raymond Figuerres, isang anesthesiologist sa St. Luke’s Medical Center, hinggil sa pagsuot ng motorcycle gloves ngayong panahon ng pandemya.

        Ito ay dahil sa marami ang nagaakala na ang riding gloves ay sapat na bilang proteksiyon laban pagkalat ng COVID-19 kaya nagbigay ng paliwanag si Dr. Figuerres hinggil dito. Handa na ba kayo?

        Ang riding gloves ay karaniwang gawa sa dalawang materyales: Leather o mesh-type.

        1) Leather gloves

        Leather riding gloves

        Continue reading below ↓
        Continue reading below ↓
        Recommended Videos

        Gawa sa balat ng hayop, ang leather motorcycle gloves ay mas matibay subalit ito ay may kamahalan. Hindi ito basta-bastang napupunit ngunit mainit sa kamay tuwing summer season. Hindi rin lubos na nakahihinga ang balat natin kapag ito ang ating gamit. Patok naman ang leather gloves sa mga lugar kung saan malamig ang klima, dahil malaking tulong ito sa pagpapanatili ng body temperature ng rider at hindi rin agad na pinapasok ng ulan.

        “Like our skin, you can disinfect leather gloves with alcohol. But it will dry out,” paliwanag ni Dr. Figuerres. Ibig sabihin, hindi pangmatagalan ang proteksiyon na ibinibigay ng leather gloves dahil mabilis na natutuyo ang sanitizer o alcohol na inilagay sa mga ito.

        2) Mesh-type and other gloves made of synthetic materials

        Mesh-type riding gloves

        Continue reading below ↓

        Ito ang uri ng riding gloves na gawa sa kombinasyon ng leather at fabric. Mas mababa ang presyo kumpara sa pure leather gloves ngunit limitado ang proteksiyon na ibinibigay sa rider dahil mas madali itong mapunit.

        Mas nakahihinga ang ating balat sa mesh-type kaya mas ginagamit natin ito sa panahon ng tag-init. Subalit mas madali ring tumagos ang liquid substance sa mesh-type kumpara sa leather gloves. “On mesh or other synthetic materials, it may work (as a protection against COVID-19) but not as effective as the leather gloves. May tataguan ang virus kasi,” aniya.

        At dahil malinaw ang mensahe ni Dr. Figuerres na hindi sapat ang ibinibigay na proteksiyon ng motorcycle gloves—leather man o mesh—laban sa pagkalat ng nakamamatay na virus. Dapat ibayong pagiingat ang pairalin ng mga rider sa paggamit ng mga ito.

        Kung mesh-type ang riding gloves, hugasan ito ng mas madalas upang hindi pamugaran ng virus. At kung gawa sa leather, i-sanitize palagi. At kung may extra budget, bumili ng extra gloves upang ma-sanitize nang lubos at makapahinga ang naunang pares. Huwag magtipid kung kalusugan ang nakataya.

        Continue reading below ↓

        At ang pinaka-importante sa lahat: Dapat isipin na ang motorcycle gloves ay hindi kahalintulad ng personal protective equipment (PPE) na ginagamit ng medical professionals at frontliners kung ang pagiwas sa COVID-19 ang paguusapan.

        Ugaliing maghugas ng kamay at mag-apply ng alcohol o sanitizer pagdating sa destinasyon. Iwasan ding magpunas ng mga mata at mukha gamit ang riding gloves.

        Stay safe po!

        See Also

        PHOTO: Aris Ilagan

      • Quiz Results

      • TopBikes Rating:
        /20

        Starts at ₱

        TopBikes Rating:
        /20
        Starts at ₱