Category
Select
Select a Category
Scooter
Underbone
Standard
Sport
Touring
Adventure
Dual Sport
Naked
Off-Road
Cruiser
Brand/Model
Select
Select a Brand/Model
        Price Range
        Select
        Below 100K
        100K-200K
        200K-300K
        300K-500K
        500K-1M
        Over 1M

        Magkaklase, umani ng papuri sa naimbentong ‘collision-sensing’ helmet

        Alamin kung bakit nila ginawa ang road safety innovation
        by Aris Ilagan Nov 30, 2020

        Napadpad na ba kayo sa Caloocan City? Ang siyudad na ito ay matagal nang kilala bilang motorcycle capital’ ng Pilipinas dahil sa dami ng establisimiyento na naglalako ng sari-sariling motorcycle accessories at riding gear, na dinarayo ng mga rider mula sa iba’t ibang sulok ng bansa.

        Iba’t ibang produktong pang-motorsiklo ang matatagpuan dito, partikular na sa kahabaan ng 10th Avenue, kung saan nagkumpulan ang mga accessory shop. Bagsakan ng presyo ang labanan sa lugar na ito kaya naman bumabaha ng mga sub-standard helmet, na karaniwang itinuturong dahilan sa pagkamatay ng mga rider na naaaksidente sa lansangan.

        Akalain niyo ba na sa Caloocan City naimbento ang isang kakaibang helmet, na binansagang ‘Abante.’ Anila, may mga special feature ang naturang helmet na maaaring magsalba sa mga rider sa aksidente.

        Tatlong magkakaklase sa Caloocan National Science and Technology High School—sina Thea Marie Lumabi, Adoniram Balagtas, at Chloe Heather V. Ellano, lahat sila 18 taong gulang—ang nagsipagsunog ng kilay upang makapagkumpuni ng motorcycle helmet na kayang i-iwas ang rider sa sakuna.

        Continue reading below ↓

        Kuwento nila, nabutas din ang kanilang bulsa sa pagbili ng piyesa na ginamit sa kanilang proyekto, na ngayon ay umaani ng pagkilala mula sa iba’t ibang prestihiyosong award-giving body, kabilang na ang Gokongwei Brothers Foundation Young Scientist Award 2020.

        Hindi magtatagal at tiyak na babahain din itong bahagi ng Caloocan City ng helmet na nilikha ng trio.

        Pero ang mas nakakabilib: Wala isa man sa tatlo ang may hilig sa motorsiklo!

        Kaya alamin natin kung ano ang nag-udyok sa magkakaklase para lumikha ng helmet na magiging patok sa aspeto ng road safety.

        Para mas exciting, hayaan nating sa kanila mismo manggaling ang kuwento. Panoorin ang video:

        Bilib na rin ba kayo sa tatlong kabataang henyo?

        See Also

      • Quiz Results

      • TopBikes Rating:
        /20

        Starts at ₱

        TopBikes Rating:
        /20
        Starts at ₱