Category
Select
Select a Category
Scooter
Underbone
Standard
Sport
Touring
Adventure
Dual Sport
Naked
Off-Road
Cruiser
Brand/Model
Select
Select a Brand/Model
        Price Range
        Select
        Below 100K
        100K-200K
        200K-300K
        300K-500K
        500K-1M
        Over 1M

        MMDA: May 7 paraan para malaman kung peke ang driver’s license

        Madali lang palang mabuking ang peke
        by Drei Laurel Sep 6, 2021
        PHOTO: Land Transportation Office

        Sa panahon ngayon, ang piliing gumamit ng pekeng driver’s license ng Land Transportation Office (LTO) sa halip na ang legit na lisensiya ay isang opsiyon na wala sa hulog. Lalo at hindi na kasing kumplikado ng dati ang proseso ng pag-a-apply ng driver’s license.

        Sa kabila nito, sa kung anumang dahilan, naririyan pa rin at hindi masugpu-sugpo ang mga pekeng lisensiya. May matinong logic sa pag-iwas sa paggamit ng pekeng lisensiya bukod sa, obvious naman, iligal ito: Hindi mahirap para sa mga awtoridad na matukoy kung ang iprinisinta mong lisensiya ay legit o hindi. Ilan na ring riders ang nasampolan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) dahil sa paggamit ng fake driver’s license.

        Sa isang Facebook post, tinukoy ni MMDA traffic chief Bong Nebrija ang pitong paraan ng enforcers para makumpirmang lehitimo ang isang lisensiya:

         

        1) Shady ang ID photo.

        Ito ang unang napapansin ng MMDA enforcers dahil ayon kay Nebrija, halata kaagad na hindi sa pasilidad ng LTO kinuhanan at nai-print ang litrato—at mabilis matukoy na superimposed lang ito sa card.

        Continue reading below ↓

         

        2) Mas makapal ang pekeng license card.

        Ang pekeng license card na nakumpiska ng MMDA mula sa rider ay kapansin-pansing mas makapal kumpara sa legit na lisensiya.

        Continue reading below ↓
        Recommended Videos

         

        3) Mabilis matuklap ang lamination.

        Kaagad na nasira ni Nebrija ang pagkaka-laminate ng license card—na hindi mangyayari sa lehitimong polycarbonate LTO license card.

         

        4) Halatang pinagmukhang embossed ang expiration date.

        Kung mapapansin, ang expiration date sa LTO license card ay magaspang kumpara sa ibang bahagi ng card. Ito ay dahil engraved ito sa pamamagitan ng laser. Sa mga pekeng card na nakumpiska ng MMDA, sinabi ni Nebrija na sa tulong ng magnifying lens, natukoy nilang ang numerals ay inukit lamang para magmukhang embossed.

         

        5) Dilaw ang liwanag sa LED light.

        Isa ito sa pinakamabilis na paraan para masuri ng enforcers kung legit ang license card: Ilawan ng LED light mula sa smartphone ang mismong card. Kung dilaw ang liwanag sa halip na purple, peke ito.

        Continue reading below ↓

         

        6) Low quality ang print.

        Ang barcode at ang watawat ng Pilipinas sa card ay kapansin-pansing low quality ang pagkakaimprenta kumpara sa legit na lisensiya. Masusuri rin ng MMDA kung nasa tamang posisyon o hindi ang ultraviolet eagle sa card.

         

        7) Walang record sa LTO.

        Sa huli, mabeberipika ng MMDA kung ang mga impormasyong nasa iprinisinta mong lisensiya ay tugma sa nasa database ng LTO. Sa kaso ng pasaway na rider, hindi nagtugma ang mga datos na nasa iprinisinta niyang card, kaya sa huli ay napilitan siyang aminin na nakuha niya ang pekeng lisensiya mula sa isang Facebook group sa halagang P4,000.

         

        Marahil iniilawan niyo ngayon ng LED light ang inyong mga LTO license cards. Para na rin sa inyong kapakanan, purple sana at hindi dilaw ang rumehistrong liwanag sa inyong lisensiya.

         

        (Hulyo 8, 2021 nang unang nalathala ang artikulong ito sa topgear.com.ph)

        See Also

        Top Bikes Philippines is now on Quento! Click here to download the app and enjoy more articles and videos from Top Bikes Philippines and your favorite websites.

        View other articles about:
        PHOTO: Land Transportation Office

      • Quiz Results

      • TopBikes Rating:
        /20

        Starts at ₱

        TopBikes Rating:
        /20
        Starts at ₱