Category
Select
Select a Category
Scooter
Underbone
Standard
Sport
Touring
Adventure
Dual Sport
Naked
Off-Road
Cruiser
Brand/Model
Select
Select a Brand/Model
        Price Range
        Select
        Below 100K
        100K-200K
        200K-300K
        300K-500K
        500K-1M
        Over 1M

        ‘Financing only’ scheme sa bentahan ng motorsiklo, legal ba?

        Narito ang opinyon ng dalawang abogado
        by Aris Ilagan Jun 24, 2021
        PHOTO: Aris Ilagan

        Dahil sa COVID-19 pandemic, napilitan ang maraming pasahero na maghanap ng alternatibong paraan para makabiyahe dahil kakaunti lang ang pampublikong transportasyon. Ito ang numero unong dahilan kaya biglang lumakas ang demand para sa mga bisikleta at motorsiklo.

         

        Sa pagbili ng sasakyan, pupuwedeng bayaran ito nang buo sa cash, o pupuwede rin namang hulugan. Madaling maunawaan na sa panahong ito ng krisis, marami ang pinipili ang alok na financing. Subalit mayroong mas gusto ang bayaran na cash dahil sapat naman ang dala nilang pera, bukod pa sa ayaw na nilang ma-stress sa buwanang pagbabayad ng utang at interest charges.

         

        Kamakailan, inulan ang Top Bikes Philippines ng mga tanong mula sa mga motorcycle buyer na sinabihan ng kanilang sales agents na ang mga ibinebenta nilang unit ay makukuha lamang sa pamamagitan ng financing at walang pupuwedeng bilhin nang cash.

         

        “Sorry po, installment lang po ang available,” sabi raw ng mga sales agent sa kanila. Ang isyung ito na ang sentro ng mga usap-usapan sa dealerships na nagbebenta ng scooter at underbone.

        Continue reading below ↓

         

        Ikinagugulat ito ng mga customer, lalo na kung nakita mismo nila sa dealership ang ilang modelo ng motorsiklo na tipo nila, pero kahit pa bitbit na nila ang pambayad sa full payment, hindi pa rin nila maiuuwi kaagad ang gusto nilang unit.

        Continue reading below ↓
        Recommended Videos


        Legal ba na financing only lang ang paraan sa pagbebenta ng motorsiklo?

        Inilahad ni Atty. Denden Calderon, masigasig na nagsusulong ng mga karapatan ng mga motorcycle rider, ang opinyon niya sa isyu: “A buyer should have the option to purchase a motorcycle by cash or avail of the credit facilities of the seller. But if the seller pushes for financing despite the ability of the buyer to purchase in cash, dapat violation yan,” aniya.

         

        Tinukoy niya ang Section (e) ng Article 52 ng Republic Act No. 7394, o ang Consumer Act of the Philippines, tungkol sa unfair or unconscionable sales act or practice.” Ayon kay Calderon, sa probisyon na ito, may pananagutan ang dealership kapag “the seller or supplier induced the consumer to enter into was excessively one-sided in favor of the seller or supplier.”

        Continue reading below ↓

         

        Kapag napatunayang guilty, ang mga lumabag ay pagbabayarin ng penalty na hindi bababa sa P500 pero hindi lalampas sa P10,000; ikukulong nang hindi bababa sa limang buwan pero hindi lalampas sa limang taon; o pareho.

        Payo ni Calderon, ikonsulta muna ang isyu sa Department of Trade and Industry bago ikonsiderang idulog ito sa korte.

         

        “Kasi sila ang may primary jurisdiction with respect to consumer welfare,” paliwanag niya. “Pangalawa, it would entail time money and effort kapag idadaan pa sa court.”

        Iba naman ang opinyon ni Atty. Robby Consunji, ang legal expert ng Top Gear Philippines: “I doubt it’s an unfair practice. The buyer is to choose the shop and term of sale. But, if the buyer is ‘baited’ into buying and later surprised that it must be by financing only, that is an unfair sales practice,” punto ni Consunji.

         

        “The acts of the dealer—from advertising, sales talk, and contract closing—have to be considered. Sales talk is not punishable (sa batas). Deceit is punishable,” giit ng abogado.

        Continue reading below ↓

         

        Personal na karanasan ang pinaghuhugutan ni Calderon. Apat na taon na ang nakalipas nang maisipan niyang bumili ng scooter mula sa isang dealership at narinig nga niya ang kontrobersiyal na linyang financing only.

         

        Pero nang sabihin niya sa sales agent na nasaksihan niya mismo noong idinidiskarga sa showroom ang motorcycle units mula sa isang delivery truck, biglang kambiyo raw na inalok siyang bayaran nang cash ang binibili niya.

        May lokohan nga bang nangyayari sa ganung bentahan? Ikomento na ang inyong opinyon.

         

        (Editor’s noteOktubre 9, 2020 nang unang na-upload ang artikulong ito sa topbikes.ph.)

        See Also

        Top Bikes Philippines is now on Quento! Click here to download the app and enjoy more articles and videos from Top Bikes Philippines and your favorite websites.

        PHOTO: Aris Ilagan

      • Quiz Results

      • TopBikes Rating:
        /20

        Starts at ₱

        TopBikes Rating:
        /20
        Starts at ₱