Category
Select
Select a Category
Scooter
Underbone
Standard
Sport
Touring
Adventure
Dual Sport
Naked
Off-Road
Cruiser
Brand/Model
Select
Select a Brand/Model
        Price Range
        Select
        Below 100K
        100K-200K
        200K-300K
        300K-500K
        500K-1M
        Over 1M

        Hilig mo ba ay trail ride? Narito ang Focarini Fulmine e-MTB sa presyong P570k

        Ang pedal-assist bike na ito ay 100% self-serviceable
        by Aris Ilagan Jul 22, 2021
        PHOTO: Focari

        Nag-aalala ba kayong magising sa buwisit ang inyong mga kalugar dahil sa ingay ng inyong enduro motorbike tuwing sumasabak kayo sa trail riding? Puwes, ang mountain bike ang pinakamainam ninyong opsiyon sa susunod ninyong exciting adventures.

        Sa katunayan, karamihan sa mga pedal-assist mountain bikes ngayon sa Pilipinas ay nakakabitan ng pangmalakasang electric motor para sa matatagtag na daan at matatarik na pagmamaniobra.

        Focarini Fulmine e-MTB electric motor

        Continue reading below ↓

        Ang newest kid on the block ay ang Italian brand na Focarini. Mabibili na ngayon sa Ride Manila, isang sikat na shop sa Makati City, ang Focarini Fulmine e-MTB, isa sa pinakapopular na mountain bikes sa Europe.

        Continue reading below ↓
        Recommended Videos

        Humuhugot ng puwersa ang bisikletang ito mula sa latest-generation na E-P3 MX electric motor na gawa ng Polini at mayroong limang power modes. Nagpo-produce ang electric motor ng 250 watts at 90Nm ng torque, na nagpapadali sa matatarik na pag-ahon. Ayon sa ilang bike reviews, ang saganang torque ng Focarini Fulmine ay nasa ikaapat at ikalimang ride mode.

        Focarini Fulmine e-MTB mountain bike

        Continue reading below ↓

        Dalawang taon ang warranty ng electric motor. Ang buong bike ay tumitimbang lang ng 23kgs, dahil na rin sa carbon suspension nito. Ang battery, na kumokonsumo ng 500 watts kada oras, ay nakapaloob sa frame ng bisikleta kaya madalas itong pagkamalang ordinaryong mountain bike.

        Ang Focarini Fulmine ay mabibili ng P570,000 at 100% user serviceable. Ibig sabihin, maaaring kalasin ng may-ari ng bike ang mga piyesa nito at kumpunihin iyon nang mag-isa, sa gamit ang service manual.

        Focarini Fulmine e-MTB carbon suspension

        Continue reading below ↓

        Upang makita nang personal ang Fulmine, gayundin ang iba pang Focarini e-bike models, bisitahin lang ang showroom ng Ride Manila sa Guijo St., Makati City.

        (Mayo 25, 2021 nang unang nalathala ang artikulong ito sa topbikes.ph)

        See Also

        Top Bikes Philippines is now on Quento! Click here to download the app and enjoy more articles and videos from Top Bikes Philippines and your favorite websites.

        PHOTO: Focari

      • Quiz Results

      • TopBikes Rating:
        /20

        Starts at ₱

        TopBikes Rating:
        /20
        Starts at ₱