Category
Select
Select a Category
Scooter
Underbone
Standard
Sport
Touring
Adventure
Dual Sport
Naked
Off-Road
Cruiser
Brand/Model
Select
Select a Brand/Model
        Price Range
        Select
        Below 100K
        100K-200K
        200K-300K
        300K-500K
        500K-1M
        Over 1M

        Gusto mo bang maging Foodpanda rider? Alamin dito kung paano

        ’Di paawat sa pag-alagwa ang delivery services
        by Agnes Uzochika Aja Jun 24, 2021
        PHOTO: Foodpanda

        Darating ang panahong maglalaho ang COVID-19 pandemic, pero ang door-to-door deliveries ay mananatili nang bahagi ng ating buhay. Kumbinyente kasi ang hatid nitong serbisyo kung may kailangan tayong ipa-deliver o ipadala sa kung nasaan man tayo.

        Pero ano naman kaya ang benepisyo sa riders? Para sa marami sa kanila, ang ganitong serbisyo ang nagbibigay sa kanila ng pagkakakitaan. Inalam namin sa Foodpanda kung ano ang mga kinakailangan para maging isa sa riders nila.

        1) Requirements para sa mga aplikante

        Simple lang ang pag-a-apply para maging delivery rider ng Foodpanda, pero mahalagang alamin muna kung pasok kayo sa requirements. Ihanda ang mga nasa checklist na ito upang masigurong walang magiging problema sa inyong aplikasyon:

        • Motorsiklo
        • Professional driver’s license
        • Tax identification number
        • LTO motorcycle registration (OR/CR)
        • Dalawang government-issued ID (lisensiya, pasaporte, postal ID)
        • P500 (para sa uniform at cargo bag)
        • Smartphone (4s o mas bagong modelo kung iPhone, at 4.2 o mas updated na Android)
        • Naberipikang GCash account
        Continue reading below ↓

        Pipirma ang aplikante sa isang legal na kontrata sa Foodpanda, kaya ang kuwalipikado lang ay ang mga edad 18 pataas.

        2) Anu-ano ang mga gagawin sa training para sa Foodpanda rider?

        Ang unang hakbangin para maging Foodpanda delivery rider ay bisitahin ang website ng food delivery service at ibigay ang impormasyon sa inyong lokasyon pati na ang motorsiklong gagamitin.

        Continue reading below ↓
        Recommended Videos

        Sagutan ang form ng mga personal na detalye at i-upload ang litrato ng mga hinihinging requirements. Kailangan ding panoorin ang isang training video at mag-download ng dalawang apps (Roadrunner ng Foodpanda at Telegram). Hindi kailangang magmadali.

        Kapag nakumpleto na ang lahat ng kailangang i-upload, i-download, at i-fill up, kumpirmahin na naiintindihan ang service agreement (na mahalagang basahing maigi) tsaka i-click ang ‘submit.’

        Gano’n lang kasimple. Ipoproseso ng Foodpanda ang inyong aplikasyon at kukumpirmahin kung tanggap na kayo. Ang mga rider na inaprubahan ang aplikasyon ay sasabak sa dagdag na training kung paano iingatan ang ide-deliver na pagkain, gayundin ng tamang pakikiharap sa mga customer.

        Continue reading below ↓

        3) Magkano ang kikitain?

        Kapag naging Foodpanda rider na kayo, malaya kayong planuhin ang mga araw kung kailan magde-deliver. Kung may iba pang kailangang asikasuhin sa umaga, unahin muna ito tsaka ipagpatuloy ang deliveries sa hapon.

        Pero siyempre, mas maraming delivery, mas malaki ang kita. At ayon mismo sa kumpanya, ang masisipag na partner riders nito ay nagagawang kumita ng hanggang P30,000 kada buwan.

        Bukod pa dito, ang app ay may built-in bonus system kung saan ang mga rider na may maayos na serbisyo ay maaaring makatanggap ng tips mula sa mga satisfied customer. Wala ring ibabawas sa kita ng rider sakaling kanselahin ng customer ang order nito.

        At dahil ang food delivery ay nangangahulugang gagamitin ng rider ang smartphone nito sa paghahanap ng pick-up at drop-off points, ang mga Foodpanda rider ay nakakatanggap ng mga diskuwento at sulit deals mula sa Globe, Smart, at Cherry Prepaid upang mabawasan ang gastusin ng mga ito sa mobile data.

        Continue reading below ↓

        Isa pang benepisyo ng mga Foodpanda rider ang accident insurance mula sa Manulife at Cebuana Lhuillier. Bagamat nagbibigay ang kumpanya ng mga safety training para sa mga rider, nandyan pa rin ang panganib ng aksidente. Ang pagkakaroon ng ganitong insurance package ay nagdudulot sa kanila ng peace of mind.

        Ano, naiisip n’yo na bang mag-apply na delivery rider?

        (Editor’s note: Enero 22, 2021 nang unang nalathala ang artikulong ito sa topbikes.ph.)

        See Also

        Top Bikes Philippines is now on Quento! Click here to download the app and enjoy more articles and videos from Top Bikes Philippines and your favorite websites.

        PHOTO: Foodpanda

      • Quiz Results

      • TopBikes Rating:
        /20

        Starts at ₱

        TopBikes Rating:
        /20
        Starts at ₱