Category
Select
Select a Category
Scooter
Underbone
Standard
Sport
Touring
Adventure
Dual Sport
Naked
Off-Road
Cruiser
Brand/Model
Select
Select a Brand/Model
        Price Range
        Select
        Below 100K
        100K-200K
        200K-300K
        300K-500K
        500K-1M
        Over 1M

        Givi shoe covers: Iwas-sakit na sa iyo, iwas-sira pa sa riding boots mo

        Sa panahong ito bawal ang magkasakit
        by Aris Ilagan Jul 6, 2021
        PHOTO: Aris Ilagan

        Napapadalas na uli ang dalaw ng bagyo at maya’t maya ang buhos ng ulan. At dahil taun-taon namang ganito, alam na natin ang mga paghahandang kailangang gawin upang maprotektahan ang ating sarili, at ang ating porma, laban sa pagkabasa.

        Kung nasanay na kayong mag-ride papasok sa trabaho na tanging mga plastic bags lang ang dala pambalot sa inyong sapatos para hindi ito mabasa, teka muna. Kapag pinasok ng ulan ang plastic, nariyan na ang panganib na magkasakit kayo, at madali pang masisira ang inyong riding footwear.

        Givi SC02-N protective shoe cover

        Continue reading below ↓

        Maraming riders ang gumagamit na ng Givi SC02-N protective shoe cover upang maiwasang mabasa ang kanilang mga paa tuwing tag-ulan. Gawa ito sa 100% polyester at idinisenyo para sa mabilisang pagsusuot; may malaking bukasan sa likuran para madaling maipasok ang boots.

        Continue reading below ↓
        Recommended Videos

        Sinisiguro ng matitibay na elastic bands at Velcro strips ang watertight seal at hindi rin luluwag ang shoe covers na ito kahit sa mahabang biyahe. Huwag lang kalilimutang isuot ang shoe covers sa ilalim ng rain pants, at hindi sa ibabaw nito.

        Mahalagang paalala: Hindi pamporma ang Givi SC02-N, na mabibili sa Motoworld sa halagang P1,400 kada pares. Sa totoo lang, matagal bago ko nakasanayan ang pagsusuot nito papunta sa opisina—pakiramdam ko kasi ay kaporma ko ang isa sa mga Ninja Turtles na nakasuot ng jika-tabi maliban sa walang split-toe ang dulo ng shoe cover.

        Givi SC02-N protective shoe cover

        Continue reading below ↓

        Isa pa, kapag suot mo ang Givi shoe covers na ito, siguraduhing magdahan-dahan at liitan ang mga hakbang dahil wala itong rubberized soles kaya posible kang madulas sa basang sahig.

        Oh, well—ang mahalaga ay hindi nakompromiso ang riding boots mo. Dedma muna sa porma.

        (Hunyo 9, 2020 nang unang nalathala ang artikulong ito sa topgear.com.ph)

        See Also

        Top Bikes Philippines is now on Quento! Click here to download the app and enjoy more articles and videos from Top Bikes Philippines and your favorite websites.

        View other articles about:
        PHOTO: Aris Ilagan

      • Quiz Results

      • TopBikes Rating:
        /20

        Starts at ₱

        TopBikes Rating:
        /20
        Starts at ₱