Category
Select
Select a Category
Scooter
Underbone
Standard
Sport
Touring
Adventure
Dual Sport
Naked
Off-Road
Cruiser
Brand/Model
Select
Select a Brand/Model
        Price Range
        Select
        Below 100K
        100K-200K
        200K-300K
        300K-500K
        500K-1M
        Over 1M

        7 Easy steps kung paano magiging GrabExpress delivery rider

        May 20% commission sa kada delivery
        by Agnes Uzochika Aja Aug 9, 2021
        PHOTO: Aris Ilagan

        Ngayong balik na uli sa mas istriktong restrictions ang Metro Manila at mahigpit na inirerekomenda ang pananatili sa loob ng bahay, alinsunod sa enhanced community quarantine (ECQ), mas naging aktibo muli ang delivery services.

        Kung kabilang ka sa mga tigil-trabaho muna at gusto ng ibang opsiyon bukod sa food delivery, mayroon pang isang motorcycle delivery market na puwedeng-puwede mong pasukin: GrabExpress.

        Narito ang guide kung paano sisimulan ang iyong aplikasyon bilang isang GrabExpress delivery rider:

        1) I-check kung fit ka para maging delivery rider.

        Hindi kailangang makatupad sa random restrictions bago maging isang Grab rider. Ang pinakaimportanteng requirements ay:

        • Ikaw ay 18 taong gulang pataas, pero hindi lalagpas sa 55 anyos.
        • Mayroon kang professional driver’s license.
        • Mayroon kang motorsiklo.

        Yan lang. Walang required na height, kasarian, o personalidad.

        2) Kumpletuhin ang iba pang requirements.

        Kung ikaw ay kuwalipikado, sunod na ihanda ang mga mahalagang dokumento. Bago pa magsumite ng aplikasyon, ihanda ang mga patunay ng sumusunod na items:

        Continue reading below ↓
        • Ang 100-155cc na iyong gagamitin (na dapat ay 2013 model pataas).
        • Ang OR/CR ng motorsiklo.
        • Authorization letter at photocopy ng valid ID ng may-ari ng motorsiklo kung hihiramin mo lang ito.
        • Notarized deed of sale kung ang motorsiklo ay pre-owned.
        • Repossession o dealer certificate kung ang unit ay reacquired.
        Continue reading below ↓
        Recommended Videos

        Honda, Kawasaki, Suzuki, o Yamaha ang bike mo? Walang problema, dahil pupuwede ang mga nabanggit na motorcycle brands. Iba ang brand ng motorsiklo? Alamin sa Grab kung tumatanggap sila ng aplikasyon mula sa partikular na manufacturer. Ang huling dalawang steps ay optional, pero magandang ideya pa rin kung kukumpletuhin ang mga ito.

        3) Kumuha ng NBI clearance.

        Ang pagkuha ng NBI clearance ay awtomatiko na sa mga naghahanap ng trabaho. Ang kawalan ng hits ay isang direkta at opisyal na pagpapaalam sa Grab na malinis ang iyong background.

        Sakali namang ma-flag ka, posibleng isa lamang iyong insidente ng mistaken identity. Beberipikahin lang ng National Bureau of Investigation ang iyong pagkatao bago nito ilabas ang clearance mo.

        Continue reading below ↓

        4) Sumailalim sa drug test.

        Magagawa mo ito sa alinmang diagnostics clinic. Ang pagkuha at pagpasa sa drug test ay magpapatunay sa Grab na isa kang responsable at maaasahang rider.

        5) Mag-sign up sa driver portal ng Grab.

        Handa ka na ngayong magsimula ng application process. Sagutan ang lahat ng kinakailangan sa portal page at i-click ang ‘Sign Up.’

        6) Kumpletuhin ang rider training.

        Pagkatapos mag-sign up, makakatanggap ka ng text invite para kumpletuhin ang online rider training. Huwag mag-apura. Kailangan mong ipasa ang course na ito upang maipagpatuloy ang iyong aplikasyon. Kapag pumasa na, sundin ang iba pang steps para matapos na ang pagse-set up ng iyong Grab account.

         

        7) Mag-log in sa iyong Grab rider account.

        Matagal ang pagpoproseso ng Grab sa mga tinatanggap nitong aplikasyon. Habang naghihintay, pupuwede kang mag-log in sa iyong Grab account para alamin ang status ng iyong aplikasyon.

        Kapag natanggap na sa rider program, i-familiarize ang sarili sa listahan ng driver centers. Kakailanganin mo ang centers na ito sa iyong pagtatrabaho.

        Continue reading below ↓

        Ang pagpasa sa GrabExpress rider application ay katumbas ng tyansang kumita ng pera, full- o part-time man. Narito ang iba pang bagay na dapat mong malaman:

        • Nagbabayad ang Grab sa pamamagitan ng GCash.
        • Kailangan ng isang working day sa pagpoproseso ng cash-out request sa GCash.
        • Asahan ang hanggang 20% na komisyon sa bawat delivery na mabu-book.
        • Walang exclusivity. Ibig sabihin, maaari ring magtrabaho ang Grab riders sa iba pang delivery platforms.

        Isa na ba kayong GrabExpress rider? Magbahagi ng karanasan at tips sa comments section.

         

        (Pebrero 2, 2021 nang unang nalathala ang artikulong ito sa topbikes.ph)

        See Also

        Top Bikes Philippines is now on Quento! Click here to download the app and enjoy more articles and videos from Top Bikes Philippines and your favorite websites.

        View other articles about:
        PHOTO: Aris Ilagan

      • Quiz Results

      • TopBikes Rating:
        /20

        Starts at ₱

        TopBikes Rating:
        /20
        Starts at ₱