Category
Select
Select a Category
Scooter
Underbone
Standard
Sport
Touring
Adventure
Dual Sport
Naked
Off-Road
Cruiser
Brand/Model
Select
Select a Brand/Model
        Price Range
        Select
        Below 100K
        100K-200K
        200K-300K
        300K-500K
        500K-1M
        Over 1M

        Type mo ba ang pop culture-themed custom bikes na paandar ng isang graphic artist?

        Gusto mo ba ng motorsiklong inspired ni Jollibee?
        by John Paulo Aguilera Aug 10, 2021
        PHOTO: Hani Perez, DCURV
        MOTORCYCLE MODELS IN THIS ARTICLE

        Minsan na bang pumasok sa isip niyo kung ano ang magiging hitsura ng paborito niyong local fast food restaurant kung magiging theme ito ng isang motorsiklo?


        Sa pamamagitan ng Facebook page ng kanyang design business na DCURV, ibinahagi ng graphic artist na si Hani Perez ang kanyang mga Jollibee, McDonald’s, at KFC-themed concepts sa motorsiklo.

        It tickled my imagination (and) made me hungry,” saad sa caption ni Perez.
        Sa post na ito ni Perez ng kanyang fast food-themed designs, pinakamarami ang nag-react sa motorsiklong inspired ng KFC.

        KFC-inspired custom motorcycle design

        Continue reading below ↓

        Ayon kay Perez, ang ideya ay nagmula sa nauna niyang post, kung saan food delivery apps naman ang bumida sa kanyang mga disenyo; may Foodpanda, GrabFood, at hybrid (dual-service) colors.

        Continue reading below ↓
        Recommended Videos

        Pero ang pinakapatok niyang designs ay ang serye ng Avengers custom bikes na nagtatampok kina Captain America, Iron Man, Thor, at Hulk—shared ito nang 292 beses, at may daan-daang reaksiyon.

        McDonald's custom motorcycle design

        Continue reading below ↓

        Gumawa rin si Perez ng dalawang bersiyon ng RX-78-2 Gundam at isang Air Jordan 1.
        Mahigit dalawang dekada nang nasa design industry, sinabi ni Perez na bata pa lang siya nang magsimulang mahumaling at sumakay sa motorsiklo.

        Mayroon siyang Honda ADV 150, kaya naman ang modelong ito ang lagi niyang nilalapatan ng kanyang custom motorcycle design ideas. Pero kuwento niya, may mga humihiling na sa susunod ay ibida niya ang kanyang mga disenyo sa Honda Click at Yamaha NMax.

        Air Jordan 1 custom motorcycle design

        Continue reading below ↓

        Sa posibilidad na aktuwal na gamitin ng motorcycle brand o food company ang kanyang custom designs, sabi ni Perez: “That would be awesome. Most of the color concepts on my page are free of use (except for the Taupe/Dry-Mud). A McDonald’s manager from Pagadian has already expressed interest.”

        (Nobyembre 19, 2020 nang unang nalathala ang artikulong ito sa topbikes.ph)

        See Also

        Top Bikes Philippines is now on Quento! Click here to download the app and enjoy more articles and videos from Top Bikes Philippines and your favorite websites.

        View other articles about:
        PHOTO: Hani Perez, DCURV

      • Quiz Results

      • TopBikes Rating:
        /20

        Starts at ₱

        TopBikes Rating:
        /20
        Starts at ₱