Category
Select
Select a Category
Scooter
Underbone
Standard
Sport
Touring
Adventure
Dual Sport
Naked
Off-Road
Cruiser
Brand/Model
Select
Select a Brand/Model
        Price Range
        Select
        Below 100K
        100K-200K
        200K-300K
        300K-500K
        500K-1M
        Over 1M

        LTO, naglabas ng guidelines para sa mga motorista hinggil sa bicycle lane policy

        Bawal dumaan ang motorsiklo sa bicycle lane
        by Aris Ilagan Jun 10, 2021
        PHOTO: Aris Ilagan

        Determinado ang gobyerno na isulong ang pagbibisikleta bilang alternatibong transportasyon ngayong panahon ng pandemya. Malaking halaga na rin ang inilaan para sa pagtatatag ng bicycle lanes sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila at iba pang lugar upang mapangalagaan ang kaligtasan ng mga siklista.

        Para epektibong maipatupad ang bicycle lane policy, naglabas ng gabay ang Land Transportation Office (LTO) para sa mga motorista na dumaraan sa mga lugar na may ganitong uri ng esklusibong daanan. Tandaang mabuti ang mga ito upang maiwasang makakuha ng traffic violation ticket mula sa mga nag-aabang na traffic enforcer:


        1) Ang bicycle lanes ay para sa mga siklista lamang.

        Hindi pinapayagan tumawid o paradahan ng sasakyan sa ano mang bahagi ng bicycle lane. 

        2) Panatiliin ang tamang distansiya sa bicycle lanes at mga siklista.

        Huwag masyadong dumikit sa mga plastic barriers o bollards na nagsisilbing pagitan sa bicycle lanes mula sa ibang lanes ng kalsada. Iwasan din ang pabusina tuwing may dumaraang siklista.

        Continue reading below ↓

        3) Mag-ingat tuwing lumiliko sa intersection.

        Magdahan-dahan habang papalapit sa intersection na mayroong bicycle lane. Gumamit ng signal lights kung magiiba ng direksiyon para hindi malito ang siklista.

        4) Dahan-dahan lang sa pagbukas ng pinto ng sasakyan.

        Tiyakin na walang papalapit na siklista mula sa likuran o harapan ng sasakyan bago buksan ang pinto nito. Ugaliing tumingin sa side at rearview mirrors bago magbukas ng pinto.

        5) Tignan palagi ang blind spots ng sasakyan.

        Tulad ng motorsiklo, ang mga bisikleta ay maliit na sasakyan na kadalasan ay mahirap makita sa blind spots ng mga sasakyan, kahit tumingin ka pa sa side at rearview mirrors. Ugaliing lumingon sa kaliwa at kanang bahagi ng inyong sasakyan bago magmaniubra o magpalit ng direksiyon.

        Para sa ligtas na biyahe, ugaliin nating pairalin ang disiplina sa pagmamaneho at respeto sa kapwa motorista. Oks ba?

        Continue reading below ↓

        See Also

        Top Bikes Philippines is now on Quento! Click here to download the app and enjoy more articles and videos from Top Bikes Philippines and your favorite websites.

        PHOTO: Aris Ilagan

      • Quiz Results

      • TopBikes Rating:
        /20

        Starts at ₱

        TopBikes Rating:
        /20
        Starts at ₱