Category
Select
Select a Category
Scooter
Underbone
Standard
Sport
Touring
Adventure
Dual Sport
Naked
Off-Road
Cruiser
Brand/Model
Select
Select a Brand/Model
        Price Range
        Select
        Below 100K
        100K-200K
        200K-300K
        300K-500K
        500K-1M
        Over 1M

        Pasok ba sa LTO guidelines ang paggamit mo ng motorcycle top box?

        Tumataginting na P5,000 ang multa sa mga lalabag
        by Aris Ilagan Jun 12, 2021
        PHOTO: Aris Ilagan

        Kasabay ng pagluluwag ng gobyerno ang quarantine restrictions sa ilang lugar ay ang pagdagsa naman ng mga biyahero sakay ng motorsiklo sa iba’t ibang destinasyon.

        Nand’yan ang mga rider na ang pakay lang ay mag-breakfast ride habang ang iba ay mag-moto camping. Dagsa rin ngayon ang nagsasagawa ng Philippine Loop kung saan umaabot ang mga rider sa malalayong lugar upang makumpleto ang 5,000km para maisyuhan ng certificate of completion.

        Samantala, tuloy din ang pagdami ng motorcycle delivery service sa mga siyudad.

        Ang mga ito ang dahilan sa biglang pagdami ng mga gumagamit ng top box at saddle bag sa kanilang motorsiklo.

        Nakalulungkot isipin na hindi pa rin batid ng ilang rider na may inilabas na na panutunan ang Land Transportation Office (LTO) sa tamang pagkabit at paggamit ng motorcycle top box at saddle bag upang makaiwas sa aksidente.

        Halos tatlong taon na ang nakararaan nang ilatag ang LTO guidelines sa paggamit ng mga motorcycle accessory na ito. Kung nais niyong makaiwas sa multa, basahin mabuti ang mga sumusunod:

        Continue reading below ↓

        Para sa motorcycle top box:

        • Tiyaking matibay ang pagkakakabit nito sa motorsiklo upang hindi malaglag habang nasa kalagitnaan ng biyahe.
        • Limitado ang espasyo ng top box para sa dalawang full-face helmet upang hindi ito lumagpas sa itinakdang sukat.
        Continue reading below ↓
        Recommended Videos

        Para sa custom-made top box:

        • Karaniwang gawa sa plywood o yero, ang ganitong uri ng top box ay madalas ginagamit ng mga motorcycle delivery service. Hindi dapat lalagpas sa dalawang talampakan ang lapad, taas, at haba upang hindi malagay sa alanganin ang kaligtasan ng rider.
        • Hindi dapat nakaharang ang top box sa line of sight ng rider sa likurang bahagi ng motorsiklo gamit ang rear view mirror.
        • Bukod sa pagsunod sa dalawang panuntunan, dapat ding irehistro ang mga custom-made top box sa LTO sa halagang P100.
        • Ang rider na mahuhuling gumagamit ng hindi rehistradong custom-made top box ay magmumulta ng P5,000.

        Para sa mga saddle bag at kahon:

        • Ang saddle bag na sadyang dinisenyo para sa motorsiklo o scooter na aprubado rin ng Department of Trade and Industry (DTI) ay hindi huhulihin ng LTO.
        • Dapat ikabit ang saddle bag sa gilid ng motorsiklo na hindi lagpas sa taas ng upuan.
        • Hindi rin dapat lalagpas ang haba ng saddle bag sa 14 na pulgada. Hindi rin ito dapat nakausli sa buntot ng motorsiklo.
        • Ang mga custom-made na saddle bag ay dapat ding irehistro sa LTO upang hindi maharap sa multang P5,000 (motor vehicle operating without or with defective/improper/unauthorized accessories, devices, equipment and parts).
        Continue reading below ↓

        Dapat nating alalahanin na nagkalat pa rin ang checkpoint ngayong panahon ng pandemya. At upang hindi maunsiyami ang biyahe, palaging tandaan: Sumunod tayo sa batas.

        (Editor’s note: Ang artikulong ito ay unang inilathala sa Top Gear Philippines bago isinalin sa Filipino para sa Top Bikes Philippines.)

        See Also

        Top Bikes Philippines is now on Quento! Click here to download the app and enjoy more articles and videos from Top Bikes Philippines and your favorite websites.

        PHOTO: Aris Ilagan

      • Quiz Results

      • TopBikes Rating:
        /20

        Starts at ₱

        TopBikes Rating:
        /20
        Starts at ₱