Category
Select
Select a Category
Scooter
Underbone
Standard
Sport
Touring
Adventure
Dual Sport
Naked
Off-Road
Cruiser
Brand/Model
Select
Select a Brand/Model
        Price Range
        Select
        Below 100K
        100K-200K
        200K-300K
        300K-500K
        500K-1M
        Over 1M

        Stay safe: 7 Health protocols na dapat isapuso ng commuters

        Para makaiwas sa multa at kalaboso
        by Aris Ilagan Mar 15, 2021
        PHOTO: Aris Ilagan

        Ngayong unti-unti nang binubuksan ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan ang mga lugar sa bansa para sa mga biyahero, kasabay naman ang paghihigpit ng Inter-Agency Council for Traffic (I-ACT) sa pagpapatupad ng health protocols para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 virus.

        Hangad ng I-ACT na manatiling alerto hindi lang ang mga commuter ngunit maging ang mga driver, conductor, at operator ng mga public utility transport sa pagtugon sa mga health at safety protocol. At siyempre, saklaw ng patakarang ito ang mga motorcycle taxi at tricycle.

        Dapat tandaan din natin na may mga ipinatutupad na ordinansa ang bawat local government unit at may katapat na multa at pagkakakulong na handang ipataw sa mga lalabag sa mga health protocol na inilatag ng gobyerno.

        Upang maiwasan ang mga ito, dapat na isaisip at isapuso ang pitong Covid-19 health protocols na inilathala ng I-ACT kamakailan. Handa ka na bang mag-memorize?

        1) Facial protection

        Palaging magsuot ng face shield at face mask. Huwag lalabas ng bahay nang hindi suot ang mga ito upang hindi mapahamak.

        Continue reading below ↓


        2) No talking

        Bawal ang magsalita, makipag-usap, o sumagot ng telepono habang nasakay sa anumang uri ng pampublikong sasakyan.

        3) Eating is not allowed

        Mahigpit din pinagbabawal ng mga awtoridad ang pagkain sa loob ng public transportation.


        4) Open air is better

        Kailangang may sapat na ventilation. Kung maaari ay umiwas sa mga sasakyang gumagamit ng air-conditioning, lalo na kung hindi kakilala ang ibang pasahero.

        5) Always check your condition

        Inatasan ng I-ACT ang mga operator at driver ng mga pampublikong sasakyan at mass transport system tulad ng LRT at MRT na huwag payagang magsakay ng mga pasahero na nakitaan ng sintomas ng COVID-19.

        6) Sanitize your vehicle

        Kailangan din na palaging hugasan o punasan ng alchohol at ibang sanitizer ang loob ng sasakyan upang hindi pamugaran ng COVID-19 virus.

        7) Observe social distancing

        Mahigit isang taon nang nakararanas ng quarantine policy ang mga Pinoy kaya dapat ay naging kagawian na natin ang social distancing. Huwag na nating hintayin na tayo ay sitahin ng ating mga kasamahan o pagmultahin ng awtoridad upang tumugon sa patakarang ito.

        Continue reading below ↓

        Travel safe po!

        See Also

        PHOTO: Aris Ilagan

      • Quiz Results

      • TopBikes Rating:
        /20

        Starts at ₱

        TopBikes Rating:
        /20
        Starts at ₱