Category
Select
Select a Category
Scooter
Underbone
Standard
Sport
Touring
Adventure
Dual Sport
Naked
Off-Road
Cruiser
Brand/Model
Select
Select a Brand/Model
        Price Range
        Select
        Below 100K
        100K-200K
        200K-300K
        300K-500K
        500K-1M
        Over 1M

        Alamin ang diskarte ng riders na tumatabo sa home repair services

        Bihasa sila sa aircon cleaning, plumbing rehabilitation
        by Aris Ilagan Sep 22, 2021
        PHOTO: Aris Ilagan

        Kung sa palagay niyo ay malaki ang kinikita ngayon ng riders na nasa food delivery services, dapat ninyong basahin ito.

        Ayon kay Jojo Medina, presidente ng Green Solutions, sumabak sa home repair services ang kanyang riders sa dalawang kadahilanan: Napakarami na ng delivery riders; at dahil nasa bahay lang ang marami sa atin, mas pansinin ngayon ang mga kinakailangang kumpunihin sa loob ng bahay.

        Ito ang nagbigay ng ideya kay Medina, isa ring rider, para bumuo ng home repair team mula sa grupo ng kanyang mga empleyadong nagmomotorsiklo: “We must not forget that these people are skilled workers. They’re not just there to bring food to your doorstep.”

        Continue reading below ↓
        Continue reading below ↓
        Recommended Videos

        Pumasok sa isip ni Medina na bumuo ng isang on-demand home repair service team nang mapansin niyang nasa 30 ng kanyang mga empleyado sa Manila Airport Hotel ay walang masyadong pinagkakaabalahan sa mga unang buwan ng pagpapatupad ng quarantine.

        Gumawa siya ng Facebook account at nag-alok ng serbisyo sa mga nangangailangan ng tubero, karpintero, pintor, maglilinis ng aircon, at maging mekaniko ng sasakyan.

        Ang crew members niya ay may kani-kanyang motorsiklo, kaya para sa simpleng serbisyo na mangangailangan lang ng basic tool kit, may transportasyon na sila para makarating sa kani-kanilang kliyente. Para sa malalaking proyekto, gumagamit ang grupo ng Mitsubishi L300 van para maisakay ang mga gamit nila, tulad ng foldable ladders, air compressors, at power tools.

        Sa unang linggo, naging abala ang magbayaw na sina Gerry Landicho at Zaldy Nidoy sa dami ng kailangang serbisyuhan. Sa una, ang home repair jobs ay nanggagaling sa mga kamag-anak at kaibigan ni Medina. Pero sa paglipas ng mga araw, mas marami nang tao ang humihiling sa kanilang serbisyo.

        Continue reading below ↓

        Ang labor fee ay depende sa trabaho. Sakaling maaga silang makatapos sa trabaho, maaari pa silang tumanggap ng tawag mula sa ibang kliyente para sa dagdag na kita dahil karaniwan nilang binubuno ang walong oras na trabaho kada araw.

        Ayon kay Landicho, mas malaki ang kinikita niya sa on-demand gigs na gaya nito kumpara sa karaniwang bayad sa construction site, kung saan minimum wage ang kanilang naiuuwi. Ang kanyang daily ride ay isang Yamaha Mio 125, habang Euro Racing 125 naman kay Nidoy.

        Continue reading below ↓

        Hindi lamang kakayahan ng kanyang mga manggagawa ang ipinagmamalaki ni Medina kung hindi maging ang integridad ng mga ito, na ilang taon nang nagtatrabaho sa kanya.

        Dagdag ni Medina, maglulunsad ang Green Solutions ng isang app upang ang komunikasyon sa kanilang mga kliyente ay maging mas madali, mas mabilis, at mas transparent.

        Dahil nadako na rin lang sa transparency ang usapan, ganito ang hatian sa labor fees na kinikita ng home repair service team: 30% ang napupunta sa repairman, 20% sa admin staff, at 50% sa operational expenses. May buwanang suweldo rin si Medina sa kanyang mga empleyado.

        Interesado sa kanilang serbisyo? Para may ideya kung magkano ang kailangang bayaran, siningil nina Landicho at Nidoy ang isang kliyente ng P2,000 para sa plumbing repair sa J valves ng mga lababo sa kusina at banyo, at pinalitan na rin ng dalawang bidet ang water supply line. Inabot ng apat na oras ang pagkumpleto sa trabahong ito. Sakto lang ba?

        Continue reading below ↓

        (Hunyo 16, 2020 nang unang nalathala ang artikulong ito sa topgear.com.ph)

        See Also

        Top Bikes Philippines is now on Quento! Click here to download the app and enjoy more articles and videos from Top Bikes Philippines and your favorite websites.

        View other articles about:
        PHOTO: Aris Ilagan

      • Quiz Results

      • TopBikes Rating:
        /20

        Starts at ₱

        TopBikes Rating:
        /20
        Starts at ₱