Category
Select
Select a Category
Scooter
Underbone
Standard
Sport
Touring
Adventure
Dual Sport
Naked
Off-Road
Cruiser
Brand/Model
Select
Select a Brand/Model
        Price Range
        Select
        Below 100K
        100K-200K
        200K-300K
        300K-500K
        500K-1M
        Over 1M

        8 Bagay na dapat alamin tungkol sa Honda online theoretical riding course

        Requirement ito sa pagkuha ng student permit sa LTO
        by Aris Ilagan Aug 13, 2021
        PHOTO: Aris Ilagan

        Sumasakit siguro ang ulo ng ilan sa requirement ng Land Transportation Office (LTO) sa mga gustong maging rider na sumailalim muna sa 15-hour theoretical driving course bago maisyuhan ng student permit.

        Pero dahil sa paiba-ibang quarantine restrictions na ipinatutupad ng gobyerno, ang mga aktibidad na tulad nito ay madaling maapektuhan kaya kinailangang mag-adapt sa new normal. Ito ang pangunahing dahilan kung bakit maraming riding schools ang naglunsad ng LTO-compliant theoretical driving course sa digital platform upang makakumpleto pa rin ng requirement ang mga aplikante ng student’s permit—may quarantine restrictions man o wala.

        Kung pagbabatayan ang lahat ng senyales, ito na talaga ang magiging new normal para sa student drivers. Bilang pacesetter sa lahat ng riding institutions sa bansa, lumapit kaming muli sa Honda Safety Driving Center (HSDC) upang malaman kung ano ang inihanda nila para sa student riders para makapag-comply ang mga ito sa mga regulasyon ng LTO.

        Continue reading below ↓

        Ibinahagi sa atin ni HSDC general manager Jun Lomibao ang walong mahahalagang bagay tungkol sa online theoretical riding course na iniaalok ng kanilang well-rated learning institution. Basahin muna ito bago mag-enroll:

        1) Walang fee hike.

        Ang training fee para sa online sessions ay pareho ng sa face-to-face setup, na nasa P1,800 hanggang P2,000.

        Continue reading below ↓
        Recommended Videos

        2) Tatlong sessions sa bawat isa sa three-day training.

        Ang HSDC ay nagsasagawa ng limang oras kada araw na training alinsunod sa LTO Memorandum Circular No. 2019-2176. Mayroong tatlo hanggang apat na virtual training sessions kada araw na mayroong hanggang 40 estudyante bawat session.

        3) Ihanda ang requirements.

        Inoobliga ng LTO ang enrollees ng online theoretical training na magdala ng kopya ng kanilang birth certificate na inisyu ng Philippine Statistics Authority (PSA), o alinmang government-issued identification card.

        4) Hindi laging online ang exams.

        Alinsunod sa polisiya ng LTO, dapat na may exam sa bawat session upang makapagsagawa ang HSDC ng tatlong tests—dalawang online at isang final exam sa loob ng classroom.

        Continue reading below ↓

        5) Puwede ang anumang computer platform.

        Maaaring gumamit ng laptop o desktop computer, o kahit pa magrenta sa internet shop upang kumonekta sa online course. Ang kailangan lang ay magandang internet signal para tiyaking tuluy-tuloy ang sessions. Dahil sa mataas na demand para sa theoretical driving course, may mga buwan na bukas ang HSDC halos pitong araw kada linggo.

        6) Tatanggap sila ng diploma.

        Nagbibigay ang HSDC ng certificate of completion sa mga estudyanteng maipapasa ang exams. Maaari ring humingi ang mga estudyante ng hard copy na may kaukulang bayad.

        7) Istriktong ipinatutupad ang health protocols.

        Bukod sa pagsusuot ng face mask, face shield, at regular na paggamit ng sanitizers, ang mga estudyanteng pumupunta sa training facility ay dapat magprisinta ng medical certificate.

        8) Hindi puwedeng i-record ang sessions.

        Ang training modules at programs ay saklaw ng Intellectual Property Code. Ang anumang pagkopya, pagre-reproduce, at pamamahagi ng training modules, na naka-pattern sa mataas na safety standards ng Honda Japan, ay mahigpit na ipinagbabawal.

        Continue reading below ↓

        Kaya kung may na-miss kayong session nang walang valid na dahilan, hindi niyo na ito mababalikan pa. Inabot ng apat na buwan ang pagbuo sa virtual training module na dumaan sa serye ng pilot runs.

        May isa kaming itinanong kay Lomibao: Ano ang mas mahirap para sa mga taga-HSDC? Virtual o face-to-face sessions?

        Virtual is challenging in terms of technology used. But it has a lot of disadvantages in terms of direct interactions. You can’t predict customer reactions, agreement or disagreement due to multiple locations,” paliwanag niya. Handa na ba kayong mag-enroll?

        (Setyembre 14, 2020 nang unang nalathala ang artikulong ito sa topbikes.ph)

        See Also

        Top Bikes Philippines is now on Quento! Click here to download the app and enjoy more articles and videos from Top Bikes Philippines and your favorite websites.

        PHOTO: Aris Ilagan

      • Quiz Results

      • TopBikes Rating:
        /20

        Starts at ₱

        TopBikes Rating:
        /20
        Starts at ₱