Category
Select
Select a Category
Scooter
Underbone
Standard
Sport
Touring
Adventure
Dual Sport
Naked
Off-Road
Cruiser
Brand/Model
Select
Select a Brand/Model
        Price Range
        Select
        Below 100K
        100K-200K
        200K-300K
        300K-500K
        500K-1M
        Over 1M

        Mga dapat alamin sa insurance policy na kakambal ng motorcycle financing

        Nasa huli ang pagsisisi
        by Aris Ilagan Aug 11, 2021
        PHOTO: Aris Ilagan

        Kasabay ng biglang pagdami ng mga motorsiklo na bumibiyahe sa lansangan ay ang mga aksidente na kinasasangkutan ng mga two-wheelers. Injured (o patay) na ang driver, wasak pa ang motorsiklo niya. Hindi ba doble dagok yan?


        Ang masaklap na katotohanan, marami pa rin sating mga kapwa rider ang hindi naniniwala sa insurance policy, lalo na ang mga first-time owners ng motorsiklo na hindi pa nakatitikim ng matinding aksidente. Pero alam niyo ba, kakambal ng pagbili ng brand-new motorcycles na idinaan sa financing sa ilang dealerships ay ang pagkuha ng insurance package para maproteksiyunan ang rider at ang kanyang sasakyan?

        Para hindi kayo mabigla sa ganitong arrangement sa pagbili ng motorsiklo, minarapat namin na ibahagi sa inyo ang online campaign na ‘Motor Protek’ ng Pioneer Insurance na inilatag ni Jason Santiago Magat.

        Continue reading below ↓
        Continue reading below ↓
        Recommended Videos

        Narito ang mga importanteng bagay na dapat alamin ng motorcycle owner hinggil sa insurance ng kanyang bagong unit na binili sa Motortrade, isang multi-brand dealership company na may pinakamalawak na network sa bansa, na idinaan sa motorcycle financing scheme: 

        1) Mandatory insurance policy

        Lahat ng bagong biling motorsiklo na idinaan sa financing sa Motortrade ay kinakailangang kumuha ng insurance package mula sa Pioneer at ito ay available sa lahat ng sangay ng naturang dealership sa bansa.

        2) Effectivity period

        Ito ay depende kung ilang taon ang bubunuing loan term ng biniling unit. Magiging epektibo ang insurance sa araw na inilabas na ng dealership ang sales invoice ng motorsiklo at ito ay magtatapos sa huling araw ng due date ng loan.

        3) Monthly premium

        Dapat maging consistent ang pagbayad ng owner nito nang buong halaga sa ano mang sangay ng Motortrade bago o mismong sa monthly due date. Posibleng kanselahin ang insurance package ng Motor Protek kapag sumablay o hindi kumpleto ang bayad.

        Continue reading below ↓

        4) Insurance claim processing

        Makatatanggap ng benepisyo ang policy holder kapag siya ay naaksidente habang sakay ng motorsiklo. Kapag namatay siya sa aksidente, ang tatanggap ay ang designated beneficiary ng biktima. Tiyakin lang na hindi paso o kanselado ang insurance at kumpleto ang mga dokumentong kakailanganin sa pagkuha ng benepisyo na maaaring matanggap matapos ang 5 working days.

        Samantala, narito ang halaga ng benepisyong matatanggap ng insurance policy holder:

        1) Motorcycle repair

        Sakaling nagtamo ng danyos ang motorsiklo sa aksidente at kakailanganin ng repair work - P10,000 (subject to P2,000 deductible or participation fee)

        2) Personal accident benefit

        Kapag nasawi ang policy holder o kaya’y naputulan ng anumang bahagi ng katawan bunsod ng aksidente sa pagmomotorsiklo - P50,000

        3) Funeral benefit

        Pagkamatay bunsod ng aksidente sa pagmomotorsiklo o mula sa karamdaman - P5,000

        4) Hospitalization benefit

        Kapag isinugod at na-confine sa ospital bunsod ng aksidente sa pagmomotorsiklo o tinamaan ng karamdaman - P3,000

        Continue reading below ↓

        O mga kagulong, ano pang hinihintay niyo?

        See Also

        Top Bikes Philippines is now on Quento! Click here to download the app and enjoy more articles and videos from Top Bikes Philippines and your favorite websites.

        PHOTO: Aris Ilagan

      • Quiz Results

      • TopBikes Rating:
        /20

        Starts at ₱

        TopBikes Rating:
        /20
        Starts at ₱