Category
Select
Select a Category
Scooter
Underbone
Standard
Sport
Touring
Adventure
Dual Sport
Naked
Off-Road
Cruiser
Brand/Model
Select
Select a Brand/Model
        Price Range
        Select
        Below 100K
        100K-200K
        200K-300K
        300K-500K
        500K-1M
        Over 1M

        Lalamove rider ka ba? Alamin ang mga benepisyo sa inyong insurance package

        Para worry-free ang biyahe
        by Aris Ilagan Jul 8, 2021
        PHOTO: Aris Ilagan

        Kamakailan, inanunsiyo ng Lalamove sa social media na nagsimula na itong mag-alok ng insurance policy sa mga rider partner ng kumpanya, matapos lumagda sa isang kasunduan ang Lala Auto Shop at Philippine British Assurance Company, Inc.

        Malaking bagay ang pagkakaroon ng insurance package para sa mga delivery rider dahil mayroon silang maitutustos sakaling sila ay masangkot sa aksidente habang sakay ng motorsiklo o kaya’y tangayin ang kanilang sasakyan ng mga carnapper. Hindi na sila mag-aalala sa pambili ng motorsiklo o pambayad sa ospital dahil sagot na ito ng insurance company.

        Pero bago mag-apply para sa insurance package, tiyakin muna na ang gamit na motorsiklo ay modelong 2015 pataas, rehistrado, at maayos ang kondisyon. At kung pasado ang motorsiklo sa safety standards ng kumpanya, maari nang mag-apply sa insurance.

        Samantala, narito naman ang matatanggap na mga benepisyo ng Lalamove rider mula sa insurance policy:

        1) Compulsary Third Party Liability (CTPL)

        Ito ay kabayaran para sa pinsala sa mga taong nasugatan o namatay sa aksidente: P 10,000.

        Continue reading below ↓

        2) Own damage/Theft/Acts of Nature

        Ito ay proteksiyon sa inyong sasakyan sakaling ito ay nasira dulot ng pagkakabangga, ninakaw, o kaya’y nawasak bunsod ng kalamidaddepende sa fair market value (FMV) ng motorsiklo.

        Continue reading below ↓
        Recommended Videos

        3) Excess third party liability-bodily injury

        Ito ay kabayaran para sa pinsala sa mga taong nasugatan sa inyong sasakyan: hanggang P100,000.

        4) Third-party for property damage

        Ito ay kabayaran para sa pinasala sa mga gamit o ari-arian (kabilang ang sasakyan) ng ibang tao: hanggang P100,000.

        5) Auto personal accident package

        Ito ay proteksiyon sa pasahero at rider na sakay ng motorsiklo na mayroong insurance policy: tig-P10,000 sa pasahero at rider.

        6) 24/7 Teleconsult assistance

        Maaaring kumonsulta ang rider o pasahero ano mang oras hinggil sa suliraning pangkalusugan na walang bayad.

        Para malaman kung magkano ang babayaran at iba pang impormasyon sa insurance package para sa motorcycle delivery rider, maaaring makipag-ugnayan sa PhilBritish Assurance sa link na ito.

        Continue reading below ↓

        See Also

        Top Bikes Philippines is now on Quento! Click here to download the app and enjoy more articles and videos from Top Bikes Philippines and your favorite websites.

        PHOTO: Aris Ilagan

      • Quiz Results

      • TopBikes Rating:
        /20

        Starts at ₱

        TopBikes Rating:
        /20
        Starts at ₱