Category
Select
Select a Category
Scooter
Underbone
Standard
Sport
Touring
Adventure
Dual Sport
Naked
Off-Road
Cruiser
Brand/Model
Select
Select a Brand/Model
        Price Range
        Select
        Below 100K
        100K-200K
        200K-300K
        300K-500K
        500K-1M
        Over 1M

        10 Issues na karaniwang binubuno ng secondhand motorcycle, car buyers

        Mas masalimuot ba mag-shopping online?
        by Carlo Chungunco Sep 15, 2021
        PHOTO: Aris Ilagan

        Maraming taon na ang nakalipas nang huli akong bumili ng bagong sasakyan. Mula nang madiskubre ko ang mga benepisyo ng secondhand vehicle shopping at ang katuwang na depreciation, lagi akong gumagamit ng trades upang mairaos ang pagkahumaling ko sa kotse at motorsiklo.

        Ang natitipid sa pagbili ng sasakyang segundamano ay masyadong malaki para balewalain, lalo na kung makakahanap ka ng napakaganda ang kalidad na bersiyon ng noon ay pinapangarap mo lang na dream ride.


        Pero may mga dapat ding ikonsidera sa practice na ito, mula sa maliliit na isyu hanggang sa matinding sakit ng ulo. Narito ang 10 pet peeves o kinaiiritahan ko sa pagbili ng mga segundamanong sasakyan.

        1) Open deed of sale

        Partikular itong nakakairita dahil sobrang talamak nito. Hindi dapat ginagawa ang open deed of sale dahil inilalantad nila sa liability ang rehistradong may-ari ng sasakyan pagdating sa mga aksidente at paglabag dahil sa batas na nagtatakda ng registered-owner rule.

        Continue reading below ↓


        Hindi lamang ito—nagiging hassle rin ito kalaunan kapag gusto mo nang iparehistro ang sasakyan sa iyong pangalan. Malaki ang posibilidad na nawaglit na ang ilan sa mga dokumento ng sasakyan matapos itong magpasalin-salin sa iba’t ibang may-ari.

        2) Walang maintenance history

        Nagiging kumplikado ang pagbili ng segundamanong sasakyan kung ang katapatan lang ng dating may-ari nito ang pinanghahawakan mo tungkol sa pagmamantine sa behikulo.

        Continue reading below ↓
        Recommended Videos

        Nakakairita na ang ilang nagbebenta ay walang ibinibigay na detalyadong history tungkol sa tunay na kondisyon ng dati nilang sasakyan.

        Ang timing belts ay kinakailangang palitan, regular dapat ang change oil, at maraming iba pang consumable at non-consumable items ang dapat suriin. Ang kawalan ng anumang klase ng history (halimbawa ay mga resibo) o impormasyon (sa paraan ng pagiging tapat ng seller) ay nangangahulugang ang sasakyan ay delikadong magkaproblema habang pagmamay-ari mo na ito.

        3) Sasakyang hindi iningatan

        Ang kawalan ng maintenance history ay iba pa sa hindi talaga pag-aalaga sa sasakyan. Kalaunan, magpapakita ng mga problema ang sasakyan, at ang mga suliraning ito ay tiyak na magpapatung-patong—kapag depektibo ang isa, siguradong masisira na ang iba pa.

        Continue reading below ↓


        Kaya naman kapag bumibili ako ng preowned vehicle, ang una kong ginagawa ay ang dalhin ito sa talyer upang masusing masuri ang sasakyan, mapalitan ang lahat ng fluid, at mahigpitan ang hanggang kaliit-liitang turnilyo nito. Para ito sa sarili kong kapanatagan, gayundin para iwas-hassle ako sa pagmamantine sa bago kong sasakyan.

        4) Dedmang sellers

        Naispatan mo ang iyong pinapangarap na kotse o motorsiklo sa Carousell o sa iba pang online marketplace. Habang binabasa mo ang specifications at sinusuri ang mga litrato, lalo ka lang nakukumbinse na ang sasakyang iyon ay para talaga sa iyo, kaya naman in-add mo na iyon sa iyong shopping list para sa checkout.

        Nag-message ka sa seller tungkol sa dagdag na mga detalye—at kung hindi man sa wala kang nakuhang sagot, tipid naman ang reply nito na nagsasabing personal mong tingnan ang sasakyan.


        Huwag. Time is money. Wala ring silbi kung magsasayang ka ng oras sa napakalayong biyahe para lang tingnan nang personal ang isang sasakyan, hanggang sa matuklasan mong hindi pala iyon ang hinahanap mo, o tapos na pala ang pagpaparehistro para mabili iyon.

        Continue reading below ↓

        Dapat na maging magiliw ang sellers sa interesadong buyers—dahil sa totoo lang, pinaglalaanan natin talaga ng panahon na isa-isahin ang mga naka-post na sasakyan. Ang isang reply na may kumpletong impormasyon ay tiyak na makakatulong upang makumbinse tayong lumabas ng bahay at personal na suriin ang sasakyan ng seller.

        5) Substandard aftermarket accessories

        Ang accessories, kapag maganda ang pagkakapili, ay isang patunay na maayos na naalagaan ng seller ang kanyang sasakyan habang pagmamay-ari pa niya ito.

        Gayunman, lilinawin kong may napakaliit na kaibahan ang pagiging tasteful at tasteless, at dahil sa dagsa ng ‘car-show winners’ at pagkahumaling sa sangkatutak na gauges, scissor doors, at naglalakihang gulong para sa isang bonggang econo-car na viral sa Internet, napakaraming manloloko sa online marketplace.

        Hindi nakakadagdag ng value ng sasakyan ang sobra-sobrang pagbabago rito. Kaya naman ang sasakyang tulad nito ay karaniwang hindi ligtas imaneho.

        6) Walang kasamang stock parts

        Kahit pa nakahanap na kayo ng sasakyang napakaganda ng pagkaka-set up, malaking sakit ng ulo pa rin kung hindi isinama ng seller ang stock parts. Oo, totoong natutuwa ako sa aftermarket wheels na ikinabit mo sa iyong Subaru, pero pakisama naman ang stock wheels, sakaling masyadong matagtag ang biyahe o hindi mo trip ang estilo ng ipinalit na mags.

        Continue reading below ↓


        Ang hindi pagsasama ng stock parts sa bentahan ay maituturing na red flag sa kung paano inalagaan ng seller ang kanyang sasakyan. Nangangahulugan din itong ang pagbabalik ng sasakyan ay magiging pahirapan (minsan ay imposible) at magastos pa.

        7) Maruming sasakyan

        Aabutin lang ng wala pang 30 minuto ang paglilinis sa sasakyan bago i-post ang mga litrato nito o bago ito personal na tingnan ng potential buyer. Ang hindi paglilinis dito ay nagpapakita ng katamaran at sumasalamin sa seller bilang may-ari ng sasakyan. Parang hindi pagligo kahit alam na makikipag-date.


        Isa pa, ang makapal na duming nakabalot sa sasakyan ay posible ring pagtatakip sa hindi maayos na pintura o mga galos at iba pang sira sa sasakyan.

        8) ‘Insured for the year

        Maraming sellers (dahil sa kawalang alam, o minsan ay sinasadya) ang inaakalang maaari nilang itaas ang presyuhan ng sasakyang ibinebenta nila kung idedeklara nilang ang sasakyan ay insured sa buong taon.

        Continue reading below ↓

        Silipin ang insurance policy! Ilang insurers ang hindi pumapayag na ilipat ang kanilang policy nang walang pahintulot ng insurer.


        Wala nang mas malala sa pagbili ng sasakyan sa mataas na presyo sa pag-aakalang insured ito, hanggang sa tanggihan ng insurer ang iyong claim dahil ang insurance contract ay non-transferable. Talamak na itong nangyayari.

        9) Hindi rehistradong sasakyan

        Ito ang pinakamatindi sa lahat. Alam mismo ng seller na hindi legal na magagamit ang sasakyan sa lansangan hanggang hindi ito nakarehistro. Wala nang mas malala sa pagkakasumpong ng iyong dream car at personal na suriin ito, at kalaunan ay malalaman mong dalawang taon na palang hindi nare-renew ang rehistro nito.


        Kung ganito, delikadong mahatak o ma-impound ang sasakyan. Pinapatunayan din nito ang kawalang responsibilidad ng seller: Kung hindi niya mapaglugaran na mairehistro ang sasakyan, ano ang tyansang nakakatupad siya sa preventive maintenance schedules?

        10) Pagsisisi ng buyer

        Laging mayroong mas okay at mas magandang sasakyang ibinebenta. Ang pinakaayaw ko ay ang pagbili ng sasakyan, at makalipas ang isang linggo, sa pag-check online, ay makadiskubre ako ng mas okay na sasakyan at mas mura pa.

        Continue reading below ↓


        Pagdating sa post-purchase online checking, huwag na lang. I-enjoy ang bagong (segundamano) biling sasakyan at panindigan na lang ito. Ang lahat ng kotse at motorsiklo ay may mahalagang misyon sa iyong buhay, at nasa iyo na kung ano ang magiging gampaning ito.

        (Enero 17, 2020 nang unang nalathala ang artikulong ito sa topgear.com.ph)

        See Also

        Top Bikes Philippines is now on Quento! Click here to download the app and enjoy more articles and videos from Top Bikes Philippines and your favorite websites.

        PHOTO: Aris Ilagan

      • Quiz Results

      • TopBikes Rating:
        /20

        Starts at ₱

        TopBikes Rating:
        /20
        Starts at ₱