Category
Select
Select a Category
Scooter
Underbone
Standard
Sport
Touring
Adventure
Dual Sport
Naked
Off-Road
Cruiser
Brand/Model
Select
Select a Brand/Model
        Price Range
        Select
        Below 100K
        100K-200K
        200K-300K
        300K-500K
        500K-1M
        Over 1M

        Balik-tanaw: Delikadong motorcycle stunt ni James Bond

        Tinulungan si 007 ng isa pang agent...cleaning agent
        by John Paulo Aguilera Oct 4, 2021
        PHOTO: No Time to Die

        Paki-file na lang ito sa ‘Reasons Daniel Craig is one of, if not the best to play James Bond.’

        Naalala niyo ba nung unang lumabas ang trailer ng No Time To Die (ang 25th installment ng spy film series), kung saan may motorcycle stunt si Craig sa madulas na cobblestone? Gaya ng kanyang quick-witted fictional character, nagawan ng paraan ng outgoing English actor na mairaos ang delikadong eksenang iyon.

        Sa interview ng Total Film, ikinuwento ng stunt coordinator na si Lee Morrison na ideya ni Craig ang paggamit ng Coca-Cola para maging malagkit ang cobbled streets ng Italy. Naisip daw yun ng aktor upang ligtas na makababa ang motorsiklo ng stunt double niyang si Paul Edwards pagkatapos lumipad mula sa rampa.

        Opo, tama ang basa ninyo: ang paborito ninyong soft drink, at halos 32,000 litro nun ang ginamit. “I spent nearly EUR60,000 (almost P3.5 milyon) spraying Coca-Cola around Matera,” kuwento ni Morrison. “I’ve been spraying Coca-Cola on slippery surfaces for a very long time.”

        Continue reading below ↓

        At bago pa kayo magreklamo sa panghihinayang sa 32,000 litro ng Coke, may dual purpose naman ang liquid na yun bilang isang uri ng cleaning agent. “It makes things look very clean after it washes off,” ayon kay Morrison.

        Continue reading below ↓
        Recommended Videos

        Napapanood na ang No Time To Die sa United Kingdom simula nitong Setyembre 30. Mapapanood na rin ito sa mga sinehan sa Amerika sa Oktubre 8, at sa Australia sa Nobyembre 11.

        Hindi kami sigurado kung ang stunt na nabanggit ni Morrison ay yung mapapanood sa 2:05 mark ng trailer na ito, pero tatak-James Bond pa rin talaga ang astig na eksenang yun:

        (Oktubre 21, 2020 nang unang nalathala ang artikulong ito sa topbikes.ph)

         

        See Also

        Top Bikes Philippines is now on Quento! Click here to download the app and enjoy more articles and videos from Top Bikes Philippines and your favorite websites.

        View other articles about:
        PHOTO: No Time to Die

      • Quiz Results

      • TopBikes Rating:
        /20

        Starts at ₱

        TopBikes Rating:
        /20
        Starts at ₱