Category
Select
Select a Category
Scooter
Underbone
Standard
Sport
Touring
Adventure
Dual Sport
Naked
Off-Road
Cruiser
Brand/Model
Select
Select a Brand/Model
        Price Range
        Select
        Below 100K
        100K-200K
        200K-300K
        300K-500K
        500K-1M
        Over 1M

        Riding passion, mistulang virus na kumalat sa pamilya ng aktor na si JC de Vera

        Nagsibilihan ng BMW motorbikes sa kainitan ng lockdown
        by Aris Ilagan Sep 18, 2020
        PHOTO: Aris Ilagan

        Nagmistulang hakot-barangay ang pagdating ng aktor na si JC de Vera kasama ang kanyang fiancée na si Rikkah Cruz at ang pamilya niya sa Petron station sa South Luzon Expressway para sa esklusibong panayam ng Top Bikes Philippines.

        Si JC, ang ama ni Rikkah na si Lucky Cruz, at mga binatilyong anak nito na sina Ralph at Randell ay dumating sakay ng kani-kanilang bagong BMW R nineT retro bikes. Si Rikkah ay nakasakay sa isang backup vehicle kasama ang camera crew.

        Continue reading below ↓

        Bakas sa mukha ni JC at future in-laws nito ang excitement sa bago nilang kinahihiligan. Ang unang tanong namin sa apat: Sino ang pasimuno sa inyo sa pagmomotorsiklo? Agad-agad na itinuro ng tatlong boys si Lucky, sabay tawa.

        Hindi maipaliwanag ni Lucky kung ano ang nakain niya at bigla niyang naisipang magmotor. Kung si JC ay minsang nakatikim ng pagmomotor dahil kinailangan sa isang eksena sa ginawa niyang teleserye, sina Lucky, Ralph, at Randell ay may zero riding experience. Dahil dito, nagpasya ang mag-aama na mag-enroll sa basic riding course ng Honda Safety Driving Center (HSDC) matapos luwagan ang quarantine policy sa Metro Manila.

        Continue reading below ↓

        Hindi naman kaagad nakasama si JC dahil may injury siya noon sa paa bunsod ng isang aksidente habang naglalaro ng basketball. Nang bahagyang bumuti na ang kondisyon ng aktor, nag-sign-up na rin siya sa HSDC.

        Pero muli itong naudlot nang magpasya ang gobyerno na ibalik sa modified enhanced community quarantine noong Agosto. At nang ipatupad muli sa Metro Manila ang general community quarantine, dali-dali nang nagpunta ang apat sa iba’t ibang motorcycle showroom hanggang matagpuan nila ang kanilang dream motorbike, ang BMW R nineT, sa Motor Ace showroom sa Alabang, sa tulong ni John Neri.

        Continue reading below ↓

        Kumalat na parang virus ang riding passion sa apat sa pagbili nila ng kani-kanilang variant ng R nineT: Scrambler (Lucky), Urban GS (JC), Racer (Ralph), at Pure Spezial (Randell). Ito rin ang retro-style motorbike na kinababaliwan ngayon ng mga artistang rider tulad nina Aga Muhlach, Jericho Rosales, Coco Martin, at Raymart Santiago.

        May construction business ang pamilya Cruz at tila sinuwerte ang mga ito ng isang magandang proyekto kaya’t ipinursige nila ang ganitong family bonding kasama si JC.

        “Mahilig ako sa mga bagay na maganda ang form. Na-impress talaga ako sa bike na ito,” pahayag ni Lucky.

        “Ito ang motorsiklo na we will display at the end of the day. Chill lang ba! The R nineT is the best epitome of a bike that represents longevity,” banat naman ni Ralph.

        Continue reading below ↓

        Madalas humirit ng breakfast ride ang apat tuwing weekend kasama ang kanilang pamilya na madalas nakabuntot sakay ng SUV. Ayon kay Lucky, hindi rin naging mahirap sa kanya na makakuha ng ‘visa’ kay misis sa kanilang pagmomotor nang igiit niya na magiging kasama niya palagi ang dalawang anak, at siyempre, si JC.

        Sa ngayon, aminado si JC na hindi muna umaangkas si Rikkah sa tuwing sila ay bumibiyahe sakay ng motorsiklo dahil, aniya, hindi pa rin sapat ang kumpiyansa nito sa pagmomotor. Nabiyayaan ng anak na si Lana Athena, ngayo’y dalawang-taong gulang na, sina JC at Rikkah, at nakatakda sanang ikasal sa Oktubre 2020 subalit napilitan silang i-resked ito sa susunod na taon dahil sa pandemic.

        “Aabot din tayo dyan,” tiniyak ng 34-anyos na aktor.

        See Also

        PHOTO: Aris Ilagan

      • Quiz Results

      • TopBikes Rating:
        /20

        Starts at ₱

        TopBikes Rating:
        /20
        Starts at ₱