Category
Select
Select a Category
Scooter
Underbone
Standard
Sport
Touring
Adventure
Dual Sport
Naked
Off-Road
Cruiser
Brand/Model
Select
Select a Brand/Model
        Price Range
        Select
        Below 100K
        100K-200K
        200K-300K
        300K-500K
        500K-1M
        Over 1M

        Singer Jek Manuel, proud bilang food-delivery service rider

        “Sa mga panahon ngayon, bawal ang maarte”
        by Aris Ilagan Oct 5, 2020
        PHOTO: Jek Manuel

        Nakilala at naging sikat sa mundo ng musika si Gerald ‘Jek’ Manuel bilang lead singer ng banda noong ’90s. Noong mga panahong iyon, nagpasya ang bandmates niya na mangibang-bansa sila upang kumita nang mas malaki at may maipundar para sa kani-kanilang mga pamilya.

        Nakaabot na ang grupo ni Jek sa Shenzhen, China, kung saan regular na siyang nakakakuha ng kontrata bilang entertainer. Noong July 2019, nagpasya si Jek na bumalik sa Pilipinas upang magbakasyon. At dahil marami na rin ang kanyang naipon, nagplano siyang bumalik sa Shenzhen nitong katapusan ng January 2020, pagkatapos mag-birthday ng kanyang butihing maybahay na si Dr. Mabel Tuesday Manuel, isang lisensiyadong dermatologist.

        Continue reading below ↓

        Doon nagsimula ang sunud-sunod na malas ni Jek. Dahil sa COVID-19, nagdeklara na ang China ng lockdown. Sa mga sumunod na buwan, hindi lang ang travel agency ng pamilya ni Jek ang naapektuhan ng quarantine sa Pilipinas, kundi pati ang clinic ng kanyang maybahay, na hindi na makatanggap ng pasyente sa mga panahong iyon.

        Dito nagpasya si Jek na maghanap ng paraan upang kumita at mabayaran ang kanilang bills, upa sa apartment, at iba pang mga gastusin. “Kailangan na akong kumilos dahil wala na kaming pambayad sa mga bill,” ani Jek. “Sa mga panahon ngayon, bawal ang maarte.”

        Sinuwerte naman ang mag-asawa nang lumabas ang talent ng kanilang kasambahay na si ‘Yaya Shiela’ sa pagluluto ng masarap na Vietnamese spring rolls, baked lava potato with Hungarian sausage, peri-peri chicken, at grilled chicken burrito. Ibinebenta ng pamilya ni Jek online ang mga ito sa kanilang mga kamag-anak at kaibigan.

        Noong una ay dependent sina Jek at Tuesday sa online delivery services. Hindi ito nagtagal kaya nagpasya si Jek na siya na lang mismo ang magde-deliver gamit ang kanyang bisikleta. Hindi ininda ni Jek ang pagod sa maghapong pagpadyak dahil isa rin siyang atleta—mahilig siyang sumali sa marathons at bicycle races. Naranasan din niyang makibahagi sa Philippine Dragon Boat team.

        Continue reading below ↓

        Ngunit nang lumaki na ang kanilang online food-delivery service na ‘Thank God it’s Tuesday’ o TGIT, at dumarami na rin ang kanilang mga kliyente, nag-shift na si Jek sa Yamaha Mio Gravis mula sa bisikleta. Kinalaunan, pinangalanan niya ng ‘Chili’ ang kanyang scooter.

        Kung dati ay kliyente si Jek ng online delivery services, ngayon ay siya na ang miyembro ng iba’t ibang app-based delivery service providers tulad ng LalaFood, GoCab, GrabFood, FoodPanda, at Mr. Speedy. Kapag walang delivery ang TGIT, suma-sideline si Jek sa mga ito para mayroong dagdag na kita.

        Continue reading below ↓

        May tatlong anak si Jek—sina Kiko, 26; Jbbey, 22; at Victoria, 18, na scholar sa Ateneo de Manila University. Lahat sila ay proud sa business ventures ng kanilang ama.

        Maraming nanonood ng performances ni Jek sa YouTube dahil mahusay siyang singer, pero marami sa mga kliyente ni Jek ang hindi siya nakikilala kapag nagde-deliver, dahil na rin sa suot niyang face mask. Sakaling matiyempuhan ninyo siya, huwag kayong mag-atubiling humirit na sampolan niya kayo ng kanyang mala-anghel na tinig.

        Maestro, isa ngang “ako’y sa iyo at ika’y akin lamang…”

        See Also

        PHOTO: Jek Manuel

      • Quiz Results

      • TopBikes Rating:
        /20

        Starts at ₱

        TopBikes Rating:
        /20
        Starts at ₱