Category
Select
Select a Category
Scooter
Underbone
Standard
Sport
Touring
Adventure
Dual Sport
Naked
Off-Road
Cruiser
Brand/Model
Select
Select a Brand/Model
        Price Range
        Select
        Below 100K
        100K-200K
        200K-300K
        300K-500K
        500K-1M
        Over 1M

        Ano ang ’di malilimutang eksena ni Jemelie Torres sa Philippine Loop?

        “Kailangan marunong kang rumespeto, makisama”
        by Aris Ilagan Apr 16, 2021
        PHOTO: Jemelie Torres

        Kailan kaya titigil si Jemelie Torres sa kanyang pagsabak sa Philippine Loop adventure rides?

        Ito ang tanong ng libu-libo niyang follower sa social media matapos kumpletuhin niya ang ika-apat na serye ng Philippine Loop Adventure Tour kung saan tinahak nang solo ni Jemelie ang mahigit sa 5,000km sa Luzon, Visayas at Mindanao, noong April 4, 2021, gamit ang Kymco Xciting 400i.

        Unang sumabak si Jemelie sa Philippine Loop noong 2018, isang taon matapos siyang magpahinga sa pagmomotorsiklo dahil sa tinamo niyang sugat mula sa aksidente. Aliw na aliw si Jemelie sa magagandang tanawin sa iba’t ibang bansa kaya hindi ito nagsasawang mag-ikot sa Pilipinas sakay ng kanyang motorsiklo.

        Walang inaatrasan si Jemelie: umulan o umaraw, umaga o gabi tuloy ang biyahe. Paminsan-minsan na pagsemplang ay balewala rin sa kanya. Subalit ano nga ba ang hindi niya malilimutang karanasan sa kanyang pagsabak sa Philippine Loop?

        Jemelie Torres in MILF Camp

        Continue reading below ↓

        “Noong naligaw po ako sa kampo ng MILF (Moro National Liberation Front) at NPA (New People’s Army) sa Mindanao,” kuwento niya sa Tropang Top Bikes-Calamansi Edition kahapon.

        Naranasan ni Jemelie na maligaw sa Maguindanao at napadpad siya sa kampo ng MILF kung saan may mga armadong kalalakihan ang lumapit sa kanya. “Ang kaba ko nun hanggang bukid. May nakita akong mga kabataan may baril,” dagdag niya.

        Mabait at palangiti si Jemelie. Ito marahil ang dahilan kung bakit hinayaan siya ng mga MILF rebel na pumasok sa kampo at makihalubilo sa kanilang hanay. Laking gulat din ng mga residente nang bigla siyang namahagi ng cupcake sa mga residente na kanyang daladala sa top box ng kanyang motorsiklo.

        Jemelie Torres in Mindanao

        Continue reading below ↓

        “Nagpanggap din akong tomboy,” ani Jemelie, sabay halakhak. Ganito rin ang kayang naging estilo nang makapasok siya sa kampo ng mga rebeldeng komunista sa Mindanao.

        Bago siya mapadpad sa kuta ng mga rebelde, marami ang nagbabala kay Jemelie na iwasang dumaan sa mga lugar na iyon para malayo sa panganib. “Depende na yan kung paano ka makisama sa kanila. Paggalang at respeto sa kapwa ang importante,” giit niya.

        Nais niyo pa bang makarinig ng kakaibang riding adventures? Maari kayong mag-join sa Tropang Top Bikes-Calamansi episode gamit ang Calamansi app tuwing Huwebes, alas-9 ng gabi. Tara na, mga ka-tropa!

        See Also

        PHOTO: Jemelie Torres

      • Quiz Results

      • TopBikes Rating:
        /20

        Starts at ₱

        TopBikes Rating:
        /20
        Starts at ₱