Category
Select
Select a Category
Scooter
Underbone
Standard
Sport
Touring
Adventure
Dual Sport
Naked
Off-Road
Cruiser
Brand/Model
Select
Select a Brand/Model
        Price Range
        Select
        Below 100K
        100K-200K
        200K-300K
        300K-500K
        500K-1M
        Over 1M

        Sino ang nakaimpluwensiya sa aktor na si John Estrada sa pagmomotor?

        Palibhasa rider
        by Aris Ilagan Aug 26, 2021
        PHOTO: @john_estrada
        MOTORCYCLE BRANDS IN THIS ARTICLE

        Hindi maitago ng aktor na si John Estrada ang kanyang excitement habang ikinukuwento kung paano siya nag-umpisa sa pagmomotorsiklo. Bagamat matagal na ang kanyang passion for motorcycles, naging on and off ang kanyang pagmomotorsiklo dahil abala siya bilang isang celebrity at sa iba pang bagay nitong mga nakaraang taon.

        Sumikat si Estrada sa mundo ng showbiz dahil sa kanyang role sa TV comedy na Palibhasa Lalaki noong dekada 90. Ngayong Agosto, nagbalik-Kapamilya siya bilang isa sa mga bagong gaganap sa teleseryeng FPJ’s Ang Probinsyano.

        Habang maayos ang takbo ng career path niya, naisisingit pa rin ni Estrada sa kanyang busy schedule ang pagmomotorsiklo niya.



        Sa Episode 62 ng Tunay na Rider podcast, ikinuwento ni Estrada na balik-motorsiklo siya kahit ngayong panahon ng pandemya dahil nakakatulong ito upang mabawasan ang kanyang stress. Kakabili lang ng aktor ng bagong retro bike kaya excited siyang rumonda ulit nang naka-two wheels.

        Continue reading below ↓
        Continue reading below ↓
        Recommended Videos

        Pero sino nga ba ang paboritong riding buddy ni Estrada? “Si Richard (Gomez) talaga ang nag-impluwensiya sa akin mag-motocross at mag-trail. Kung saan-saan kami umaabot nun,” kuwento ng 48-anyos na aktor.

        Sa puntong ito, sinariwa niya ang kanilang riding adventures ni ‘Goma’ sa pagsabak sa mga liblib at mapuputik na lugar gamit ang mga Yamaha motocross bike. Ang paboritong pasyalan ng dalawa habang naka-motor ay ang mga challenging trail sa Montalban, Rizal.

        Continue reading below ↓

        Mas nahilig noon sina Estrada at Gomez sa off-road adventure kaysa sa road trip dahil madalas hindi raw sila nakikilala ng mga residente sa kanilang dinaraanan. “Hindi kami nakikilala dahil sa sobrang putik sa mukha namin,” aniya.

        Dati na rin siyang nagkaroon ng mga sportbike tulad ng Yamaha YZF-R1 at YZF-R6 na kapwa kargado ng malakas na makina. Subalit ngayong nagkakaedad na ang aktor, bumaling ang kanyang interes sa retro bikes kaya ganitong klase ng motor ang gamit niya ngayon.

        Dating mapusok sa pagmomotor si Estrada lalo na noong kanyang kabataan. Ngunit ngayon, ito na ang kanyang mensahe sa bagong henerasyon ng riders: “It’s (motorcycling) fun, iba yung adrenaline rush. But at the same time it’s dangerous.”

        Kaya mas na-a-appreciate na niya ngayon ang mga classic-looking bike. Kumbaga, chill ride na lang. At dahil siya’y mas aktibo ngayon sa pagmotorsiklo, posible kayang magka-vlog si Estrada na ang pamagat ay Palibhasa Rider? Nagtatanong lang.

        Continue reading below ↓

        See Also

        Top Bikes Philippines is now on Quento! Click here to download the app and enjoy more articles and videos from Top Bikes Philippines and your favorite websites.

        PHOTO: @john_estrada

      • Quiz Results

      • TopBikes Rating:
        /20

        Starts at ₱

        TopBikes Rating:
        /20
        Starts at ₱